CHAPTER 3

1531 Words
Hanggang sa pag tulog ay hindi pa din nawala sa isip ko ang nangyari samin ni Jin. pakiramdam ko crush ko na siya. hahaha ang gaga mo bei. pero May ibang side sa utak ko na galit. baket.? kasi baket siya pa naging First kiss ko.? dapat sa magiging bf ko diba.? nakakasalubong ko lang siya sa school. un lang. hindi kaya May lihim na pagtingin saken si Jin.? feeling.!! hindi naman gwapo si Jin. May pagka turso lang din mukha niya. moreno bilugan ang mata, kala mo May lahing bumbay. hai ewan. makatulog na nga. kinabukas maaga akong nagising kasi uuwi pako sa bahay ni tita beng doon kasi talaga ako nakatira. kapag ganitong ginagabi ako doon kila leenzy or kapag may mga event sa school hindi na nako umuuwi kasi wala ka nang masasakyang tricycle non. yon lang kaylangang gumising ng maaga para umuwi kasi hindi ako nag dadala nag extra damit. nahihiya din ako kay tita Liza kahit sabihin pa naten na pamangkin niya ako. mabaet din naman si tita Liza medyo May pagka strikta lang. si tita beng naman mabaet mapag bigay, maaasahan. sa kanila kasing magkakapatid ni mama si tita lang medyo nakakaangat. Nang maka uwi na sa bahay ay agad akong nag timpla ng kape. naligo, nag bihis tapos school na. ganun lang lagi ang routines ko, minsan nag wawalis walis sa sala nila. Pag dating sa school excited akong pumasok sa room. bukod sa makiki pag chikahan sa mga classmates ko kong anong nangyari sa kanila kagabe ay May gusto akong makita. pero syempre hindi pweding mahalata. habang naglalakad palang ako papunta sa kong saan naroon ang room na unang subject namin. napansin kong May mga nakatingin saken na mga second year high school. nagtataka naman ako kung baket. hanggang sa makarating na ako malapit sa room namin. "andito na pala si potot ei.." bungad ni evelyn na kinataka ko. why.? Hindi ko nalang sila pinansin dahil busy ang mata ko sa pagmasid at hindi ko alam na pinagtatawanan na pala nila ako. hanggang sa narinig ko mga sinasabi ng pinsan ko. "wala siya hindi pumasok."sabay tawa "sino? " konwaring hindi alam heh "konwari kapa dyan." hai ewan tahimik nalang ako buong araw kasi parang ang boring.. habang tahimik ako sa upuan ko, napansin ko parang May nakatingin saken sa likuran. paglingon ko nakita kong andon pala si Neo sa likod ko. i wonder why, at baket hindi siya sumabay doon sa mga ibang boys at tahimik lang siyang Naka upo sa gilid. hindi ko nalang pinansin nagtataka lang ako. "nanliligaw ba sayo si Jin.?" nagulat ako sa biglang pag sulpot niya at syempre mas nakakagulat ang tanong niya. "h-hah? anong sinasabi mo? ligaw ka dyan." sagot ko na biglang umiwas sa tingin niya. "nanliligaw ba?" hinila niya ang isang upuan at tumabi sa kinauupuan ko. tinignan ko muna kong sino mga nasa paligid namin. baka kasi ano isipin nila. baket kasi biglang nag seryoso tong Neo na to. buti nalang at wala ang teacher namin kaya hinayaan nalang muna kami sa room habang hinihintay ang next subject. kaso Yong ibang kaklase namin panay ang labas kaya iilan nalang kami ang nandito sa loob ng room. Yong pinsan ko naman hindi ko alam kong nasaan. "hindi baket.?" tanong ko. napansin kong pasimple siyang ngumiti tapos biglang seryoso naman. "bakit ka niya hinalikan.?" namilog ang mata ko sa sinabi niya. nilingon ko ang paligid kasi baka May nakarinig. "hindi ko alam. tsaka bakit kaba tanong ng tanong. kong hinalikan man ako wala Kana doon." pag tataray ko sa kanya. "gusto mo ba si Jin.? " nagtataka na talaga ako sa mga tinatanong niya. "bat mo natanong.?" tanong ko hehe "gusto ko sanang manligaw." sabi niya nakinabigla ko. hindi ko alam kong anong sasabihin ko. tinignan ko lang siya sa mata para malaman kong pinag titripan lang ba ako neto. pero mukhang hindi naman. basta ako ayokong maniwala. "tigilan mo ako. kung wala kang mapagtripan wag ako." pagsusungit ko. "ah basta liligawan kita." tiningnan ko lang siya ng tumayo na at palakad sa palabas ng room. nakita kong sumilip pa siya sa bintana ng room at kinindatan ako na kina irap ko naman. "baliw.!" sigaw ko sa kanya. nang biglang nag ring ang bill hudyat na tapos na ang isang subject. Last subject na namin ng napansin kong dumaan si Jin sa room. hindi kami mag kaklase mag ka batch lang nasa ibang section kasi siya. mataas kesa sa section namin. sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa May sumigaw sa likod ko na siya namang lingon ng ibang studyante sa labas ng bintana ng room namin. "hoy.!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko. hindi ko alam kong anong trip nila. tingin ko tinawag nila crush nila sa kabilang section. na siyang kinalingon naman ng mga dumadaan. habang ako naman ay umiwas ng tingin sa mga dumadaan. nakakahiya kong makita ako ni Jin na tinitignan ko pala siya. pero laking gulat ko ng May tumikhim sa likod ko. "ehem" salubong ang kilay ko. dahil. alam kong si Neo nanaman yon. "ehem" narinig ko ulit at narinig ko din ang tunog ng upuan na lumapit pa lalo sa likod ko. "ano bang prob-" hindi ko na natuloy nong nakita kong Naka ngiti lang si Jin labas dimple. "kaw lang pala." nahihiya kong sabi. binalik ko ang tingin ko sa harapan palihim akong napa ngiti. ang cute ng dimple niya. "mukhang bad mood ka ata." tanong niya bahang nilipat ang upuan sa tabi ko. "hindi naman. " sagot ko. nakatingin lang siya saken. "wala si mam ahh. mukhang maaga kayong uuwi." sabi ko. "ou daw. pero mamaya pa naman ako uuwi May hinihintay pa ako." sabi niya habang Naka tingin lang at ngumiti. i smirk ayokong ipahalata na kinikilig ako. ako ba hinihintay niya.? gosh.! bigla siyang tumayo na ko nagulat ko. andyan na pala si mam. "oh bakit andito ka Jin? pwde na kayong umuwi wala teacher nyo sa math." sabi ng teacher namin sa Filipino. " ou daw po mam. baket wala po si mam.?" tanong ni Jin. "May lagnat daw. sige na mag simula na ako." "sige mam.." tumingin muna siya saken bago nag lakad palabas. hindi ko alam kong kinakabahan na ako. bigla kasing lumakas t***k dito sa dibdib ko. pagtingin ko sa labas nakita ko ang pag tapik niya sa balikat ni Neo na papasok na din ng room. tumingin saken si Neo pero hindi ko na lang pinansin. pagkatapos ng subject namin inayos ko na mga gamit ko at lumabas na ng room. pero natigilan ako nang natanaw mo din Jin na May kausap na babae. May konting kirot sa dibdib ko pero pinawalang bahala ko nalang nakita ko. naglakad ako papunta sa upuan na malapit sa puno. May mga kaklase akong Naka tambay doon. na pag pasyahan kong maupo doon sa mga kasamahan ko sa cheering squad. kahit na isang upuan lang ang agwat ang nang kinauupuan din ni Jin. umupo ako doon para hintayin si leenzy sabi niya kasi sabay daw kami umuwi dahil doon daw siya muna sa bahay ni tita beng tutal Saturday naman bukas. umupo ako kong saan hindi ko natatanaw si Jin. pero ang walang hiyang Neo na papalapit sa kinauupuan ko. kasama niya ibang lalaki na mga kaklase din namin. "oi Jin.! sino yan.? bata pa yan ahh child abuse yan.! haha" sabay tapik sa balikat sa mga kasamahan din niya. nagtawanan lang iba samin na nandoon. nilingon ko para makita ang reaksyon ni Jin. pero nakangiti lang siya habang nakayuko. nagtaka naman ako nang bumaling ang tingin ko sa babae. nakatingin din pala eto saken. wait lang namumukhaan kita ahh. siya Yong nakatingin saken kaninang umaga habang papasok plang ako sa room. kaya pala grabe siya maka tingin saken kanina. classmate siya ni zuni . baka na kwento ni zuni Yong halikan namin.. natawa tuloy ako. anyway tinaasan ako ng kilay. i smirk at taas kilay din na tinatanong sa utak ko. why.? natawa ako na napailing nalang. maya maya May tumawag saken hindi ko na napansin nakabalik na pala si leenzy. "rich.! " tawag niya saken na kinalingon naman naming lahat nang nandoon. tumingin din si Jin kay leenzy pero mabilis lang at tumingin din saken nong tumayo ako. nakita kong gulat ang reaksyon ng mukha niya ng mag tama ang mga mata namin. grabe kong hindi pala ako tinawag ng pinsan ko hindi niya pala na pansin na nandito lang ako. pero iniwas ko na ang tingin ko at kinuha nalang ang bag ko. naglakad ako papunta sa pwesto ni leenzy dumaan ako sa harap nila ng nakangiti hanggang sa lumagpas nako sa kanila. narinig kong tinawag pa ako ni Jin pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. para saan? duh.! i hate him.. baket niya ako hinalikan kong ganun May nililigawan naman pala siyang iba.!! sinayang ko lang first kiss ko. I'm so stupid.! simula noon pinangako ko nang hindi magpapadala sa mga kalandiang sitwasyon. simula din non hindi na ako nagpadala sa mga mabangong salita at pang aasar ng mga kaklase ko. ang totoo nasaktan talaga ako. dahil akala ko May something siya saken pero ako lang pala. ammf
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD