CHAPTER 4

1633 Words
tapos nabalitaan ko pa na hindi lang pala ako ang hinahalikan ng lokong yon.!! hmm auko na nga. simula nun hindi na ako nag tiwala at sinunod ang sinasabi ng puso ko. kahit nga Yong panliligaw saken ni Neo ay hindi ko sineryoso. nakakatawa kaya! alam nyo kong paano naging katawa tawa. Nong 18th birthday ko, inimbitahan ko mga kaybigan ko no'ng high school syempre kasama na din si leenzy. akala ko seryoso si Neo noon kasi sumama pa siya sa bahay na kahit sobrang layo ng lugar namin. pagdating namin sa bahay pinakilala ko siya sa tatay ko at mga kapatid ko. habang naghihintay kami na maayos ang mga handa sa lamesa nagtaka ako kong baket nag paalam siya bigla na uuwi na daw siya. syempre nagtaka ako at ang iba namin kaklase. yon pala kinausap siya ni tatay. "baket uuwi siya?" tanong ni Mitch na kaybigan ko din. "ewan ko ano kaya sinabi ni tatay sa kanya" natatawa kong tanong. kinausap ko si tatay. "Tay! ano usapan niyo ni Neo?" Takang tanong ko habang napapangiti. andon din iba kong kaklase pati si leenzy na busy sa hawak niyang cellphone. "tinanong ko siya kong seryoso ba siya sayo, sabi niya ou daw" sagot ni tatay. "tapos?" "sabi ko kong handa ba siya maputulan ng ulo" natatawang paliwanag ni tatay. palabiro talaga tatay ko siguro nga sa kanya kanyang na mana pagiging joker ko. haha "kaya naman pala umuwi ei. tinakot mo tito.!" natatawang sabi ni leenzy. nagtawanan kaming lahat. ayon.! diba? nakakatawa hehehe. masaya din namang naging birthday ko. walang 18roses pero May Naka sayaw naman ako. Yong crush ko doon samin na kaybigan din ng isang ko pinsan sa side ni tatay. tall dark and.. handsome?? nah maappel lang siguro pero hindi siya handsome. that night, ay naging legal ako sa alak at yosi. disappointed si mama non kasi nakikita niya akong makikipag inoman at nag yoyosi kasama mga kaklase ko. pero May tiwala naman sila saken na hindi muna ako mag asawa hehehe ganyan lang muna. ang daming heart breaks ang nang yari saken bago ako mag 18 years old. May mga.. hindi ako crush ng crush ko. tapos Yong pinsan ng crush ko Naka fling ko lang pero May iba plang nililigawan. boysss! mas pinili ko nalang na mag seryoso sa hanap buhay ko bilang yaya. nag eenjoy din naman ako non. nang magbakasyon ang mga pinsan ko dito sa probinsya namin nabalitaan nila na hindi ko pala natuloy ang pag aaral ko sa college. kaya laking pasasalamat ko sa pinsan kong si Gia. 1week silang nag bakasyon samin. sakto naman at tumigil nako sa pag tatrabaho non kaya tumambay muna ako sa bahay. Nong pabalik na sa Manila si ate Gia kinausap niya kami ni tatay at mama. gusto daw ako pag aralin ni ni tita beng sa Maynila. sobrang tuwa ko non. pero May kondisyon yon. "bawal mag boyfriend.!" pina kausap ni ate Gia saken si tita na ibang lugar pa kasi si tita that time kaya tru calls lang ang usapan namin. "ano bang gusto mong kunin sa college?" tanong ni tita sa kabilang linya. "wala po akong maisip pero gusto ko po sana Yong nakakahawak ako ng computer." hindi ko pa talaga alam kong anong tawag sa kursong yon pero isa lang talaga gusto kong. Nong high school kasi ako non nagkaroon ng dadag na subject sa 4th year na related sa computer. unang hawak ko palang sa computer non namangha na ako. kaya nga panay ang tanong ko non sa teacher namin kong anong tawag sa course non sa college. sabi ni teacher marami daw yon. pero ang mas maganda daw ay Yong tungkol sa programming. "sige si ate gia mo na ang bahala sayo tutal siya naman ang nag request saken na pag aralin ka. sige na bigay mo na sa ate mo ang cellphone at kakausapin ko pa." diko ma explain ang tuwa ko.. baka eto na ang chance ko na mabago ang buhay namin. sobrang pasasalamat ko kay ate Gia non. pinangako an ko sina mama na mag aaral ako ng mabuti para maiahon sila sa hirap.. 2days pa bago sila bumalik sa Maynila kasama ako. tatlo sila ang pumunta sa probinsya kasama si Jonna na pangangay na anak ni tita Jojo bunsong kapatid din ni tatay na babae. at si Grey na kaybigan nila. ang gwapo ni Grey, maputi magkasing taas lang kami, maayos siya sa buhok niya, matangos ang ilong at kissable lips na medyo mapula siya na parang hinihila ako. ay charrot lang.. hapon non nang magyaya iba kong pinsan na mag inoman sa harap ng bahay. saktong fiesta ang pag bakasyon nila samin kaya walang humpay na inoman dito inuman doon. may sayawan pang magaganap sa gabi. kaya na pag pasyahan kong itulog muna. hindi ko naman alam na nandun din pala si Grey nakahiga sa kwarto. Dalawa lang kasi kwarto namin sa bahay. isa saken at ang isa naman ay kina mama at tatay. si kuya Renan naman ay May ginawang kwarto na nakadikit sa labas ng bahay namin may asawa't anak na kasi si kuya kaya Naka separate na siya samin. Nong sinabi kasi ni ate Gia na dito sila tutuloy samin ay in-offer ko nlang ang kwarto ko total parehas naman kaming babae. tapos si Grey don sa sala matutulog. kaya don ko nalang sila pinatuloy sa kwarto ko. mga bandang hapon na nang maisipan kong matulog muna para May lakas ako mamaya sa sayawan, at dahil gabi pa naman ang sayawan tsaka bawas lasing na din ang plano ko. pero hindi ko naman napansin na andon pala si Grey nakahiga. siguro naisipan niya din matulog sa sobrang kalasingan. walang tigil sa inoman kasi mga pinsan ko kaya siguro andon din si Grey. tsaka baka naiilang din siguro siya na sasala siya matutulog ngayong hapon pa naman. kaya naisip ko nalang na kunin ang unan ko. ang kaso yon din ang ginamit ni Grey na unan. tsk "oi grey! kunin ko lang unan ko." medyo lasing kong sabi habang niyuyugyog siya. "oi grey!" ulit ko kaya umangat na siya ng ulo. pero nagulat ko nang hinawakan niya ang batok ko at hinila palapit sa kanya. at dahil sa nakainom nako hindi ko na itukod ang kamay ko na naging dahilan ng paglapit ng labi niya sa labi ko. namilog ang mata ko sa ginawa ni Grey saken. akmang lalayo na sana ako para mahinto na ang naganap na halikan. pero sh*t ang lambot ng labi niya na dahilan para matugunan ko din ang halik niya. nabigla pa ako ng biglang pumasok ang dila niya na kala mo ay may hinahanap sa loob ng bibig ko. pakiramdam ko ay parang nalulunod ako sa halik na pinaranas niya sken. hindi ko alam kong saan ako nalulunod sa kalasingan o sa halik na sobrang sarap sabayan. eto ang pangalawang beses na naranasan kong halikan pero kakaiba iba itong kay Grey. ito Yong parang uhaw na uhaw hayok na hayok. ayaw niyang pakawalan ang labi ko, gusto kong pigilan na siya sa paghalik. nilalayo ko na ang ulo ko pero pano ko magagawa yon dahil ang kamay niya ay nasa batok at ang isa naman ay nasa likod ko.ang dalawa kong kamay ay nasa dibdib niya. kinakapos nako ng hininga, iniisip ko na baka May biglang pumasok sa kwarto at makita kami sa ganong sitwasyon. nakaupo ako sa gilid niya habang siya naman ay nakahiga. bigla akong napadilat ng mata at sinalubong ang mata ni Grey na animoy kanina pa nakatitig saken habang naghahalikan. nang maramdaman kong May papalapit sa pintuan ng kwarto ay bigla kaming nag bitiw sa isa't isa at nag kunwari na parang walang nangyari. pagtingin ko sa pinto ay gulat na hinalubong ko ang tingin ni Jonna. "oi rich nakita mo ba Yong digital ko. punta kasi kami sa tabing dagat magpapakuha lang ako ng picture." tanong ni Jonna habang hinahalungkat ang mga bag niya. "hah h-hindi ko alam sayo.. tsaka kakapasok ko lang dito kunin ko sana Yong unan kaso hinihigaan na ni Grey." sagot ko sa kanya. napansin ko kasi nagkataon na si Grey at nag kunwaring natutulog. "ahh ganun ba sige ako na kukuha. lasing na lasing na din kasi yan kaya buti at naisip niyang magpahinga sa tagay. " nakangiti niyang pagkakasabi. natawa sa sinabi ni Jonna. lasing na lasing pala siya sa lagay nayon. na kong hindi ako worried non ei baka hindi lang halikan ang nangyari samin.. but thanks to Jonna siguro hindi pa ito ang tamang panahon para I give up ang virginity ko. hahah inabot na ni Jonna ang unan at nag paalam na. " oh sige na alis nako baka mag bago pa isip ng kasama ko dahil ang tagal ko dito. " paalam ni Jonna at biglang tumalikod palabas ng pinto. paglabas ni Jonna biglang gumalaw si Grey sa kinahihigaan niya at lumapit saken habang Naka ngiti na mapungay ang mata na kala mo nang aakit. " isa pa nga." sabi ni garry. habang nasa tapat ko na pala. akmang sasagot ako pero sinungaan niya na agad ang labi ko. hindi na matagal yon dahil pinigilan ko na siya at baka kong san pa humantong ang halikan na yon. " matulog Kana. doon ako sa kabilang kwarto mag papahinga." sabi ko habang Naka ngiti. kinikilig ako na nakahiga sa kwarto nila mama. parang naramdaman ko na dati ang ganitong feelings noon. ganito din ang naramdaman ko kay Jin noon. pero ayokong mag assume baka masawi nanaman ako nito. tama ng May nagpaparamdam saken ng ganitong kaligayahan. naikwento din ni ate Gia na kaya lang sumama si Grey sa kanila dahil nag katampuhan si Grey at ang papa niya kaya. family friend nila si Grey kaya kahit minsan ay doon na tumatambay sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD