hanggang sa makarating na kami sa bahay nila ate Gia sa Maynila. nagulat pa nga iba kong pinsan, natutuwa sila dahil andoon ako sa poder nila. at May ibang pinsan na sila na makakasama. syempre natutuwa din pati si lola dahil May titingin na daw sa kanya kasi nga gala Yong iba kong pinsan.
"nako rich alam mo kong baket matutuwang si lola.. " sabi ni maya. pangalawang kapatid ni ate Gia.
"baket ?" nakangiti kong tanong. mas matanda ako sa kanya ng mga ilang buwan lang.
"May makakausap siyang bisaya.!" natatawa niyang sagot. natawa din naman ako. "lagi kayang nagsasalita ng bisaya yan hindi namin siya pinapansin minsan kasi hindi din namin naintindihan. " dugtong niya.
"haha ou nga.! pero love namin yan.. " sabi ni Allan na May pagka gay na pinsan ko din kay tita Jojo kahit hindi niya aminin kita naman talaga na gay siya. hinihintay nalang naman n siyang mag open samin.
" don't worry lola. mag bisaya tayo hangga't kelan mo gusto." sabay tawanan kaming lahat na nandon. May isa pa akong pinsan na si ruben. bunsong kapatid nila ate Gia.
ginagabi daw un lagi dahil sa paglalaro ng computer kasama mga barkada niya.
Naghuhugas ako non sa kusina no'ng dumating si Ruben, bago ka kasi maka punta sa sala madadaanan mo muna ang kusina.
"oi ikaw yan rich.?" bulalas ni Ruben.
nagulat ako sa knya kasi dati Pantay lang taas namin, ngayon mas mataas na siya na kala mo kapre.
"ou noh.! oi grabe ang taas mo na ahh" natutuwa kong sabi. kong hindi ko nga siya kilala ay hindi mo aakalain na 2nd year high school palang siya.
"syempre malakas kumain yan ei.!" sumulpot na sabi ni maya.
"oi wag ka ng lumabas ahh. kanina kapa nasa labas baka isumbong kita kay mama. "sita ni ate Gia kay Ruben.
"ou nga puro nalang laro yan."dugtong naman ni Jonna. panganay na anak ni tita Jojo.
si tita beng at tita Jojo kasi kapatid ni tatay. silang dalawa lang magkapatid na babae. siguro napagkasunduan nila na iisang bahay nalang ang mga anak nila kasi pareho silang nasa ibang bansa at si lola lang ang tumitingin sa kanila.
si ate Gia ang nag aasikaso ng mga bills at pag aaral no dahil siya ang panganay sa mag pinsan na nandito sa Maynila.
"tapos Kana ba rich?" tanong ni maya.
"ah Ou tapos nako mag hugas. baket?" sagot ko.
"tara pakilala kita sa mga kaybigan ko dito para hindi ka mailang pag nasa bahay sila." aya saken ni maya.
"oi baka anong oras kayo uuwi ahh, alis pa kami bukas ni rich."sabi ni ate Gia.
"baket san kayo pupunta ate Gia.?" tanong ni Jonna.
"sa school na papasukan niya." napangiti ako dahil kala ko tapos na enrollment ng college.
"oh dito siya mag aaral?" tanong ni Ruben.
"ou nag usap na sila ni mama, kaso May kondisyon sila." paliwanag ni ate Gia.
"anong kondisyon naman.?" Takang tanong ni maya.
"bawal siyang mag boyfriend.!" natatawang sagot ni ate Gia. nagtawanan din iba kong pinsan habang andon kami sa harap ng lamesa lahat.
"naks! gustuhin ka pala rich ei" si maya.
"yari.!" si Jonna
"ang tanong May magkakagusto ba kay rich?" natatawang komento ni Ruben.
"hahaha grabe kayo sken. wala sa isip ko yan noh.!" sabi sa kanila.
"haha hindi mo yan masasabi ang daming gwapo dito." si ate Gia.
"si Grey Yong ginapang mo.! wala pa yon!" sabi na Jonna na kinabigla namn ng iba kong pinsan. nakinabigla ko din.
"woah! talaga.? " si maya
"hanglupet mo rich!" natatawang sabi ni Ruben na kinamuntikan ng kabilaukan sa sabi ni Jonna.
"lasing ako non! tsaka kiss lang un.!"
natatawa kong sabi habang namumula na pisngi ko sa hiya.
grabe nakakahiya! madaldal pa tong pinsan kong Jonna. hindi ko siguro napansin na nakita niya na pala kami ni Grey no'ng naghahalikan.
"oh ano na rich tara papakilala kita sa mga kaybigan ko, maaga pa naman ei." aya ni maya.
"umuwi agad ahh baka kong ano nanaman marinig ko dyan sa labas."
sabi ni ate Gia.
lumabas kami ni maya sa bahay. madadaanan muna namin ang terrace nila bago makababa ng hagdan, sa ilalim ng bahay nila ay May mga nangungupahan. mga apat na room for rent. nakakatuwa naisip ng mga tita kong mag negosyo ng ganito. sabi ni ate Gia kaya daw sila nag paupahan ng ganyan para daw in case na ma delay ang padala nilang pera May magagamit ang mga anak nila..
Sa tapat ng bahay nila ay isang haft court ng basket ball, Gabe na din kaya wala akong nakikitang naglalaro. sa gilid non ay May nakita akong nakatambay na babae at lalaki. maganda ang babae, maputi at sexy din. ang lalaki naman at maputi at May itsura din naman. kaso sa mukha niya ay parang kala mo mataray.
"oi maya sino yan.?" maangas na tanong ng babae.
" ayy! pinsan ko nga pala si rich" sabi ni maya. "dito Na din yan mag.aaral sa college." dugtong niya.
"ahh siya ba sinasabi mo?"taas kilay na tanong ng lalaki.
tahimik lang ako na kunwari tumitingin tingin pero ang totoo nakikinig lang ako sa kanila.
"ou.! oi wag mong sungitan baliw ka." nakangiting sabi ni maya.
"rich si aika.."turo niya sa babae. tsaka si Alvin. mga kaybigan ko." turo niya sa lalaki.
maglahad sila ng kamay para nakipagkamay. ngumiti ako sa kanila, una kong hinawakan kamay nong aika. lambot ng kamay niya. tapos sunod Yong sa lalaki naman.
nahihiya akong nakipagkamay sa titig niya. pero inabot niya kamay ko sabay sabi.
"don't worry lalaki type ko" namilog ang mata ko kaya natawa siya sa reaksyon ko. sabay tawanan silang tatlo.
grabe kaya pala mataray siyang tignan lalaki pala type niya, pero lalaki din naman ang porma niya. isa pala siyang "BI"
"hahaha patawa ka talaga Alvin. tara na nga.! punta na tayo don." sabi ng pinsan kong si maya.
na kinataka ko.
May pupuntahan pa pala sila, kala ko kasi dito na sila tatambay sa harap ng tindahan.
naglakad kami sa hindi kalayuan at huminto ulit sa isang tindahan,dahil May bibilhin daw si aika. samantalang galing din naman kami sa tindahan kanina.
pag tapos niyang bumili ng lakad ulit kami sa isang iskinita na medyo madilim. nagtaka ako kong bat sila huminto sa gitna ng daan. May kinuha si aika sa bulsa niya at inabot kay Alvin at sa pinsan ko. nagulat ako nang inabutan niya din ako.
nagulat ako sa tinanggap ko. yosi.!
"nagyoyosi ka diba.?" tanong ni aika saken sabay ngiti. ginantihan ko din siya ng ngiti.
kinuha ko Yong yosi at sinindihan na din.
"kala ko kong ano na. yosi lang pala" sabay tawanan kaming apat.
"hindi pa kayo legal sa yosi?" tanong ko sa kanila.
"ou dito kami lagi nagyoyosi" sagot ni maya. "oi wag mokong isusumbong ahh, buti kapa legal na." dugtong niya.
"oh legal na siya sa pagyoyosi.?" tanong ni Alvin.
"ou" maiksing sagot ni maya.
"sino ba mas matanda sa inyong dalawa" tanong ni aika.
"siguro siya.. magkasunod lang sila ni ate, April din mauna lang pala si ate, araw lang pagitan nila." sagot ni maya.
hindi nag tagal nagyaya na din sila na bumalik sa unang tindahan na tinambayan nila aika at Alvin.
pagbalik namin doon nakita namin na May iba nang nakatambay nandoon kasama si Ruben at May iba pang tao, Yong iba siguro mga kaybigan din ni Ruben. nabaling ang tingin nila samin ng makitang papalapit na kami. tumayo na si Ruben at hinarap kami, kaya napatingin Nadin ibang nakatambay doon na kakwentuhan ni Ruben kanina.
"san kayo galing?" tanong ni Ruben.
"dyan lang. baket nasa labas kapa?" tanong din ni maya.
"nagpababa lang ako ng kumaen ko." sagot niyang Naka bungisngis.
"sino yan.?" nabaling ang tingin namin ng May nag salita sa likod ni Ruben.
"ay nga pala pinsan ko yan si rich." turo ni Ruben saken.
"hi ate." sabay sabay silang nag salita na kiNangiti ko naman.
tingin ko mga palabiro tong mga to.
"ako si Bry, siya si JM,.." turo niya sa lalaking May pagka seryoso ang mukha.
"si Isko," turo niya sa isa na pacute tumingin.
"si gerald," turo niya dito ikinangiti ko dahil ang cute ng dimple niya.
"si arjay" turo niya sa lalaking May pagka chubby. "mga kaybigan kami ni Ruben." Naka ngiti ako sa kanila at kumaway nalang. nahihiya akong maki pag kamay sa kanila isa isa.
"kamukha niya si kuya renant." sabat ng isang lalaki na si Gerald
"syempre kapatid ni kuya renant yan ei baliw kaba.?" natatawang sagot ni maya.
"matatakot pala mga mag tangkang manligaw dyan." natatawang sagot ni arjay.
mangubat ang kilay ko sa sinabi niya.. malakas ba kuya ko dito para Matakot sila..
"wag Mona silang pansin mga kupal yang mga yan. natatawang sabi ni Ruben.
"ou mga epal yan.!" sabi pa ni aika.
natawa silang lahat sa pagtataray ni aika. nakitawag nalang din kami.
"oi Alvin tawag Kana ni mama kanina kapa hinahanap" sabat ni bry.
"sige uwi nako kita nalang bukas." paalam ni Alvin sabay talikod.
"sige text text nalang." habol ni aika.
"tara rich uwi na din tayo maaga pa kayo bukas." sabi ni maya.
"baket san kayo pupunta." tanong ni Ruben.
"I enroll ni ate si rich bukas para maka habol agad."sagot ni maya.
"hoy.! pasok na daw kayo.!!!" sigaw ni Allan sa bintana na nakatanaw kong san kami Naka tambay.
"sige uwi na kami." paalam ko sa kanila.
ginantihan lang nila ako ng ngiti din.
habang May kakaibang tingin akong nakita sa isa sa kanila.