Nasa elevator na kami ni Adrian galing baba nag magsimula siyang manermon. "A thousand pesos and you're already taking orders from my visitor? Sino ba ang amo mo, Analyn?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko napigilan. Para kasing batang nagtatampo. "Ikaw lang po, master." "Yes! Keep that in mind." "Sus," pabulong kong sambit lihim na umismid. Pagdating namin sa kaniyang unit ay nagtuluy-tuloy siya sa loob. "Master, nasaan ang bisita mo?" "Pinauwi ko." "Ah gano'n, ba? Babalik ko sana ang sukli." "Kumain na tayo," aniyang bigla na lang naging good mood. Hindi na rin ako nagsalita at sinunod siya. Simula ng araw na iyon ay behave muna ako. Hindi ko rin muna siya binabara. Baka magalit ulit at palayasin ako. Sayang ang trabaho ko. *** "Nakapag-enrol ka na ba?" isang araw a

