Namangha ako sa dami ng laman ng mala-aparador na refrigerator ni Adrian. Bigla akong naglaway nang makakita ng isang box ng donut, isang box ng cake at iba pang klase ng panghimagas na naka-pack. Halatang mga wala pang bawas. Sino ang kakain ng mga 'to? Masyadong marami. Ah, siguro yung nabanggit niyang kapatid niya. Baka bibisita rito. Mahilig siguro yon sa matatamis. Bago pa ako matukso na mangulimbat ng pagkain ay hinanap ko na agad ang icepack. Pangatlong araw ko na rito sa condo niya at hanggang ngayon ay may bakas pa rin sa mukha niya ng karahasan ko. Medyo manipis na pero gusto pa rin niyang umaga, tanghali at gabi kong nilalapatan ng icepack ang mukha niya. Tatlong araw na rin siyang hindi lumalabas ng silid. Hindi raw siya lalabas hangga't hindi nawawala ang pasa niya. Nagpa-

