CHAPTER 25 THIRD PERSON POV Kung may award ang apocalypse para sa pinaka-maling desisyon sa buong buhay, siguradong mananalo si Becky sa araw na iyon. At lahat iyon nagsimula sa isang maling tingin. Nakatayo silang tatlo sa likod ng delivery truck hingal, pawis, gutom, at emotionally unstable dahil sa sobrang daming nangyari sa loob ng isang oras. Si Tinay ay nakaupo sa bumper, sumasandal kay Manyashik na parang unan na may sariling heartbeat. Si Manyashik naman, tahimik lang, naka-alert mode, pero ang isang kamay ay hawak pa rin ang kay Tinay na parang mawawala ang mundo kapag binitawan. Si Becky? Naglalakad-lakad sa paligid. Naghahanap ng… ewan. Siguro ng pag-ibig. O gulo. Usually parehong lumalapit sa kanya. “Ay!” biglang sigaw niya. “Hoy!” Napalingon sina Tinay at Manyashik. S

