CHAPTER 29 THIRD PERSON POV Walang kaalam-alam si Tinay habang ang mundo ay unti-unting nilalamon ng kaguluhan, habang ang mga siyudad ay nagsisimulang manahimik hindi dahil sa kapayapaan kundi dahil sa takot, si Tinay ay abala lamang sa isang simpleng bagay mabuhay. Nasa loob sila ng isang lumang gusali, dating pampublikong paaralan na ngayon ay mistulang kanlungan ng mga natitirang tao. Sira ang mga bintana, may mga upuang nakasalansan sa pintuan bilang harang, at ang mga dingding ay puno ng marka ng kamay—tila ba may mga taong desperadong kumapit bago tuluyang lamunin ng dilim. Umupo si Tinay sa sahig, nakasandal sa dingding, hawak ang isang lumang flashlight na halos maubos na ang baterya. Sa tabi niya si Manyashik, tahimik isang bihirang eksena habang nililinis ang sugat sa braso

