CHAPTER 33 TINAY POV Akala ko… ito na akala ko natapos na ang lahat. Akala ko kapag nagtagumpay ang antidote, tuloy-tuloy na na babalik sa dati si Manyacle, na mawawala na ang bangungot, na makakatulog na kami nang hindi nangangamba na baka bukas… zombie na ang buong mundo. Pero hindi ilang oras lang ilang oras lang naging mabisa ang antidote. Nakita ko kung paano unti-unting nagbago ang balat niya mula sa normal, bumalik sa maputla. Ang mga mata niya na sandaling naging malinaw, muling naging malabo. Ang t***k ng puso niya na bumagal, muling bumilis na parang sirang makina at doon… doon ako tuluyang bumigay. Naupo ako sa sahig, hawak ang empty vial ng antidote, nanginginig ang kamay ko. “Hindi…” bulong ko. “Hindi puwedeng ganito…” Tumulo ang luha ko sa sahig, kasabay ng tunog ng pat

