CHAPTER 32 BECKY POV Gagi I swear kung may award lang sa pinaka-weird na best friend experience sa buong apocalypse, panalo na sana ako. Kasi sino bang makakapag-sabi na ang best friend mo ay buntis, ang ama ay zombie, at ang zombie na ‘yon ay mas sweet pa sa lahat ng naging ex mo combined?! WALA. AKO LANG. Nakaupo ako ngayon sa isang lumang swivel chair sa loob ng abandoned facility habang si Tinay este Dr. Alyanna Cristina Reyes, excuse me ay panay halo ng kung anu-anong kemikal na parang nagluluto ng adobo pero pangligtas ng mundo. Naka-lab coat siya, nakapamewang, seryosong-seryoso, parang hindi buntis, parang hindi galing sa apocalypse, parang hindi nagmahal ng zombie. Samantalang ako? naka-upo lang nakatunganga. At nag-iisip ng pangalan ng inaanak ko. “Tinay,” bigla kong sabi,

