CHAPTER 23 MANYASHIK POV Graaaah… Oo, ako ‘to. Si Manyashik. Zombie man ako, may puso pa rin ako. At sa puso kong patay na… buhay na buhay ang pangalan ni Tinay. Kung may Guinness Book sa apocalypse, sigurado kaming dalawa ang mananalo sa kategoryang “Pinaka-weird pero pinaka-sweet na mag-jowa habang hinahabol ng undead.” Habang naglalakad kami palabas ng convenience store, hawak ko ang bag ng mga frozen beef at hotdogs na parang ako ang pinaka-proud na grocery shopper sa buong mundo. Si Tinay, nasa tabi ko, may hawak na flashlight. Si Becky, nasa likod, bitbit ang mga carrots at mukhang nagrereklamo ang buong kaluluwa niya. “Hindi ko matanggap,” bungol ni Becky, “na mas masaya ang zombie sa pagkain kaysa sa akin.” Graaaah… sorry na, Becky. Pero wala akong magagawa. Ang karne ng ba

