"Lala... kumusta ka naman? May nagbago na ba sa nararamdaman mo para sa asawa mo?" sambit ni Mina. Hindi nawala ang komunikasyon ng dalawa simula nang umalis si Lala sa milk tea shop na iyon. Kay Mina sinasabi ni Lala ang lahat ng kaniyang saloobin. At si Mina ay empleyado niya sa kaniyang negosyo. Ito ang pinagkakatiwalaan niyang humawak sa negosyo niyang lumago na ng tuluyan. Mabagal na umiling si Lala. "Hindi... hindi pa rin nagbabago. At hindi ko alam kung magbabago pa ba. Si Jasper lang ang mahal ko..." Bumuntong hininga si Mina at saka tinapik sa balikat si Lala. Sa probinsya ng Cebu nakatira sina Kurt at Lala. At hindi iyon alam ni Jasper dahil sa isang tagong lupain nagpatayo si Kurt ng kanilang bahay. Ang ibang bahay na pinatayo niya ay binenta na niya dahil mas safe at mas ta

