5 years later.... Limang taon.... limang taon na ang nakalilipas simula nang iwan ni Lala si Jasper. Simula nang ikasal siya sa lalaking mahal niya. At nang araw na iwan niya ang binata, tila iniwan na rin niya ang dati niyang pagkatao. Ang laki ng pinagbago ni Lala nang maging asawa niya si Kurt. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Nawala ang pagiging masiyahin niya. Napalitan ito ng blangkong ekspresyon. Kung saan madalas, wala siyang pakialam sa mga bagay. At madalas din na siya ay masungit. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama, wala siyang ibang pinakita kay Kurt kun'di ang pagiging walang buhay niya kasama ito. Sa tuwing nagtatalik sila, wala siyang nararamdaman na kahit ano. Hindi katulad noong inangkin siya ni Jasper. Ibang-iba ang pakiramdam niya. At dahil iyon sa mahal nila a

