"Love... mamahalin mo pa ba ako kahit isa na akong ipis?" pabebeng sabi ni Lala. Humagalpak naman ng tawa si Jasper. "Love naman? Ano ba namang tanong iyan? Bakit ka naman magiging ipis?" Pilyang ngumisi si Lala. "Wala lang. Naisip ko lang naman. Pero mamahalin mo pa rin ako?" "Oo naman .. itatago na lang kita sa isang lagayan. Baka kasi patayin ka nila kapag nakita ka," tumatawang sabi ni Jasper. Masaya silang dalawa sa mga oras na iyon. Puro kalokohan ang sinasabi ni Lala sa kaniyang nobyong si Jasper. Pinasasaya niya ng sobra ang kaniyang nobyo. Dahil bukas na bukas, maaga siyang aalis upang sumama na kay Kurt. At ito na ang huling gabing magkasama silang dalawa. Habang nakatitig si Lala kay Jasper at iniisip iyon, bigla na lamang siyang napaiyak at nagulat naman si Jasper. "Lov

