Nagising si Jasper nang tumama sa kaniyang mukha ang sinag ng araw. Alas dose na nang siya ay magising. Umunat-unat siya at saka kinusot-kusot ang kaniyang mata. Mabagal niyang iminulat ang kaniyang mata hanggang sa mapabalikwas siya nang malamang wala siya sa kaniyang kuwarto. "Uy! Gising na na pala pogi. Kumusta ang pakiramdam mo?" sabi ng babaeng nakakita sa kaniya. "Sino ka? Nasaan ako?" nanlalaki matang tanong ni Jasper. "Ako si Lala labandera! Char lang! Ako si Lala. At ikaw naman si? Huwag ka ngang ganiyan kung makatingin sa akin. Wala akong ginawang masama sa iyo. Hindi kita ginapang 'no. Naawa lang kasi ako sa iyo kasi nakita kitang nakahiga sa kalsada. Eh ayoko namang iwan ka doon kasi maraming bakla sa paligid. Baka chupain ka. Kawawa iyang etits mo. Baka mapudpod," wika ni L

