"Kumusta? Anong balita sa buhay ng kaibigan mo?" tanong ni Elmo kay Brix. "Ganoon pa rin naman. Walang nagbago. Miss na miss na niya ang asawa niya. Gusto na nga niyang makita si Serenity. Naaawa nga rin ako sa kaniya sa totoo lang. Dahil hindi ko masabi sa na kaniya na simula't sapul alam ko kung nasaan si Serenity..." sambit ni Brix sabay yuko. "Ganoon talaga. Nakiusap naman sa iyo si Serenity. At alam mo naman siguro kung bakit naging ganoon, 'di ba?" sabi naman ni Elmo. Tumango naman si Brix. "Oo naintindihan ko naman. Dahil masyadong nasaktan siya ni Oliver. Kumusta na pala siya? Iyong anak nila? Malaki na ba? Kasi apat na taon siyang nawala. At malamang nasa tatlong taon na iyong bata?" "Oo tatlong taon na nga ang anak nila. Huwag mo silang alalahanin pa dahil inaalagaan sila ng

