"Hoy, girl bakit ang ganda mo! Punyetang iyan parang mas lalo ka yatang sumeksi at blooming! Huwag mong sabihin dahil palagi kang dinidiligan ni Jasper sa isla?" pilyang sabi ni Diane nang dalawin niya si Serenity sa bago nitong bahay. Hinampas ni Serenity sa braso ang kaibigan niyang si Diane dahil natawa siya sa sinabi nito. "Hoy ka rin! Sira ulo ka talaga! Bakit naman ako magpapabira kay Jasper eh alam mo namang hindi ko mahal ang lalaking iyon? At isa pa alam mo naman kung sino ang lalaking mahal ko 'di ba? Walang iba kun'di ang asawa kong si Oliver. Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko kay Oliver kahit na hindi kami nagkasama ng ilang taon." Natatawang umiling naman si Diane. "Oo alam ko naman pero malay ko ba kung naakit ka pala ni Jasper? Isipin mo apat na taon kayong magkasama s

