Dinala ni Jasper si Lala sa isang mamahaling restaurant nang sunduin niya ito. Marami mang tanong sa isipan si Lala ngunit hindi na lang siya nagsalita pa. Date ba 'to? Baka date nga pero ayaw niya lang sabihin. Kainis! Kinikilig ako! Pinagmamasdan lang ni Lala ang galaw ni Jasper. At ang lahat ng iyon ay binibigyan niya ng malisya. Iniisip niya na ginagawa iyon ng binata para sa kaniya dahil may nararamdaman ito na hindi lang maamin. At iyon ay totoo naman talaga. "Ang sarap mo sigurong maging boyfriend 'no? Kasi sa nakikita ko, sweet ka at romantic. Hays... kailan kaya ako magkakaroon ng ganoong boyfriend? Parang gusto ko na tuloy. Ah, alam ko na! Maghahanap na lang ako online! Sa mga dating app!" wika ni Lala sabay ngisi. Nangunot naman ang noo ni Jasper. "Ano? Nababaliw ka na ba? G

