"A-Ano? Ano ang sinabi mo?" Ngumisi si Kurt. "Kailangan mo akong pakasalan kung ayaw mong pahirapan ko ang pamilya mo. Ikaw din..." pananakot nito sa dalaga. Nanginig sa galit ang kalamnan ni Lala. "Walang hiya ka. Talagang wala kang balak na tigilan ako, 'no?" Ngumisi ng nakatatakot si Kurt. "Wala talaga. Ang laki ng perang binigay ko sa pamilya mo. At sumang ayon ang mama mo na magpakasal tayo. Magaling na ang tatay mo. At sa tingin ko nga, nakakatakbo na iyon ngayon. Sabagay, magagaling na doktor ang kinausap ko para pagalingin siya. Kung ayaw mong maniwala. Kausapin mo ang mama mo. Pero binabalaan kita, hindi ako maghihintay ng matagal sa pagsama mo sa akin. Dahil kung gagawin mo iyon, mapipilitan akong daanin ka sa dahas. Babalik ako dito sa susunod na Linggo. At dapat, sumama ka n

