"Jasper... tama na iyan... lasing na lasing ka na..." sambit ni Lara sa binata ngunit hindi siya pinakinggan nito. Dalawang araw matapos makita ni Jasper ang pinakamamahal niyang si Lala na masaya na sa iba, dalawang araw na rin siyang naglalasing. Dalawang araw siyang puro inom ang ginawa dahil sobra siyang nasaktan nang makita kung gaano kasaya si Lala sa asawa nito. Limang taon siyang naghintay. Limang taon niyang pinanghawakan ang sinabi sa kaniya ni Mina na babalikan siya ni Lala. Na maghintay lang siya sa pagbabalik ni Lala kung saan magsasama na silang dalawa. Ngunit hindi niya alam kung mangyayari pa ba iyon. "Bakit ganito? Bakit ganito na lang ang nangyayari sa buhay ko? Dalawang beses na akong nasaktan. Sobrang nasaktan. Ano ba ang kasalanan ko para malasin ako ng ganito?

