Tatlong araw matapos mailibing si Kurt... nasa bahay lamang si Lala at umiiyak. Sobra siyang nasasaktan sa pagkawala ng kaniyang asawa. Wala siyang balak na lumabas muna dahil nagdadalamhati pa siya sa pagkamatay ni Kurt. Hindi niya inasahan na ganoon lang kadali nawala ang kaniyang asawa. Akala niya matagal pa silang magkakasama nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabutihan nito para sa kaniya. Hindi man lang niya nagawa ang iba pa niyang plano kasama si Kurt. Kung alam niya lang sana na may sakit ang kaniyang asawa, sana nagawa niyang pilitin ang sarili niya na mahalin ito. Sana nagawa niyang magpanggap na mahal niya ito para kahit papaano, maramdaman ni Kurt ang pagmamahal na matagal na niyang gustong madama. Kaya naman iniisip niya na napakasama niyang tao. Lalo pa't ang lahat ng yama

