Nakapamaywang na hinarap ni Lala si Jasper nang makauwi sila sa apartment. Tumaas naman ang kilay ni Jasper at naghihintay sa sasabihin ni Lala sa kaniya. "Hoy! Anong eksena mo doon? Bakit sinabi nlng girlfriend mo ako kahit hindi naman? Sa tingin ko talaga gusto mo ako eh! Ayaw mo lang talaga umamin!" nakangusong sabi ni Lala. Nanlaki naman ang mga ni Jasper sabay iwas ng tingin. "Nahihibang ka na. Sinabi ko lang iyon para matakot ang lalaking pangit na iyon ay layuan ka. Halata sa mukha na may gagawing masama sa iyo. Gusto mo bang mapahamak ka? Dapat nga nagpasalamat ka na lang sa akin dahil niligtas kita eh!" palusot naman ni Jasper. Sa katunayan, maski si Jasper ay hindi mawari sa kaniyang sarili kung bakit niya ba nasabi iyon. Ngunit sa mga oras na iyon, isa lang ang nasa isip niya

