"Sino iyong guwapong sumundo sa iyo kagabi? Jowa mo?" nakangising sabi ni Mina. Nag-init naman ang mukha ni Lala at biglang kinilig. "Hindi ko alam eh..." Umarko ang kilay ni Mina sabay nguso. "Ha? Anong hindi mo alam?" Napakamot ng kaniyang ulo si Lala. "Basta magulo eh! Hindi ko siya maintindihan. Isang beses biniro ko siya kung bakit nagpupunta siya sa apartment para dumalaw, sabi ko baka may gusto na siya sa akin sabi niya wala. Malayo ang estado namin sa buhay. Mayaman ang lalaking iyon. Mahirap lang ako." Napangiwi naman si Mina. "Ay ganoon? It's complicated pala. Ngek! Baka naman sa iyo lang siya nagpupunta para magparaos tapos wala naman pa lang feelings sa iyo? Na katawan mo lang ang habol?" Natawa naman si Lala. "Loka, hindi! Walang nagaganap sa amin. Ako na nga ang nagsasab

