Nakangiting pinagmamasdan ni Lala si Jasper na mahimbing ang tulog sa kaniyang dibdib. Nakikiliti siya kapag dumadampi ang labi ni Jasper sa kaniyang dibdib. Hinahaplos niya ang buhok nito. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa ngayon. Pero ayaw naman niyang magtanong sa binata dahil baka biglang maudlot ang kanilang nakakakilig na sitwasyon. Ngayon lang kinilig ng ganito si Lala. At dahil iyon kay Jasper. Sarap na sarap siyang matulog sa dibdib ko. Well, buti na lang talaga at malaki ang s**o ko! Instant unan tuloy si pogi! Sleep well, pogi... Hindi ko man masabi kung anong ganap sa atin ngayon pero siguro naman may lihim na rason kung bakit ka nagpupunta dito, 'di ba? Kanina pa gising si Lala. Ala singko siya ng umaga nagising at hindi pa nakakatulog ulit. Ala sais na

