Namilog ang mga mata ni Jasper nang makita si Lala na mahimbing ang tulog sa kaniyang bisig. Napalunok siya ng kaniyang laway at naalala kung bakit nandito siya natulog sa apartment ng dalaga. Suminghap siya at saka pinagmasdan ang magandang mukha ng dalaga. Kapansin-pansin ang mapupulang labi nito. At aaminin ni Jasper na talagang naaakit din siya kay Lala. Ngunit hindi naman siya bastos na lalaki. Mataas ang respeto niya sa mga babae. Kaya nga kahit baliw na baliw siya kah Serenity noon, ni minsan hindi pumasok sa isipan niya na kidnap-in ito at gawan ng kahalayan. Maingat siyang gumalaw upang umalis sa higaang iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan niyang maihiga nang hindi nagigising ang dalaga. Sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin kay Lala. Sa loob-l

