Mahigpit ang hawak ni Oliver sa kaniyang anak na para bang ayaw na niya itong bitawan pa. Pinaghahalikan niya ito sa noo at pisngi. Nanginginig ang kaniyang katawan. Nawalang bigla ang kaba niya at pag-aalala ngayong kasama na niya ang kaniyang anak. "Sir... wala na po talaga ang lalaking ito..." wika ng pulis sabay tingin sa katawan ni Charles na wala ng buhay. Mariing napapikit si Oliver sabay kagat labi. Hindi niya maiwasang maawa kay Charles dahil sa ginawa nitong pagsasakripisyo upang hindi mapahamak ang kaniyang anak. Nakaramdam siya ng awa para sa lalaki. Hindi masusuklian ng pasasalamat ang ginawa nitong buwis buhay para kay Onyx. "Paki-contact ang mga relatives niya. Please ..." tanging nasabi ni Oliver sabay tingala dahil nangingilid ang kaniyang luha. Naging mabuting kaibiga

