"F uck!" Sa galit ni Oliver ay naitapon niya ang kaniyang cellphone. Basag na ito nang lumagapak sa sahig. Nanghihina siyang naupo sa couch. Hinagilap na niya ang buong bahay ni Serenity ngunit wala siya roon. Wala rin ang iilang gamit ng kaniyang asawa kagaya ng damit at iba pang mahahalagang gamit nito. "Serenity... honey where are you now?" naluluhang sambit ni Oliver sabay sabunot kaniyang sarili. Pumasok naman si Clara sa loob ng bahay ni Serenity dahil sinundan niya si Oliver. Kumunot ang noo niya habang nakatingin kay Oliver na akala mo pinagbagsakan ng langit at lupa. "What happened here? Bakit ganiyan ang itsura mo?" takang sabi ni Clara. Napahawak si Oliver sa kaniyang sintido. "Serenity left me. My wife is no longer around. She left, and it was my fault...." malungkot niya

