Tatlong araw ang lumipas simula nang manatili sa islang pagmamay-ari ni Jasper si Serenity, pakiramdam niya ay isang buwan na. Miss na miss na niya ang kaniyang asawa ngunit kailangan niyang tibayan ang kaniyang loob. Kailangang niyang turuan ng lesson ang kaniyang asawa. Dahil hindi naman makatarungan ang ginawa nito sa kaniya. "Sa tingin mo ba.... may nagaganap na sa kanilang dalawa ni Clara?" tanong ni Serenity nang tumabi sa kaniya si Jasper. Nanunuod ng palabas si Serenity ngunit hindi na niya naintindihan ang pinanunood niya dahil naisip niya si Oliver. Iniisip niya kung hinahanap ba siya nito. O kung wala itong pakialam na wala na siya. Tumikhim si Jasper. "Hindi ko alam. Ayoko namang manghusga. Pero kung ganoon sila ka-sweet sa mga pictures na pino-post online ni Oliver, hindi i

