bc

My Careless Whisper, I love you Father

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
stalker
confident
bxg
humorous
witty
small town
first love
spiritual
colleagues to lovers
seductive
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lamang ay may gusto na kay Lorenzo si Magdalena. Elementary pa lamang sila ay lahat ng pagpapapansin ay kanyang ginawa. Nakalipas ang halos dalawang dekada saka ulit sila nagtagpo. Paano na nga ba ang pagmamahal na inilaan lamang ni Magdalena ngayong isang ganap na pari na si Lorenzo?

"Father, I love you!" madalas na usal ni Magdalena sa bawat panalangin n'ya.

Hanggang kailan makakaiwas si Lorenzo sa isang mala-anghel na tukso dala ng kababata?

chap-preview
Free preview
Hello Father
Araw ng Linggo kaya nagmamadali si Magdalena na makadalo ng first mass. "Ano ba naman, Magdalena? Parang hinahabol ka ng sampung aso ah," naiinis na puna ng kanyang Ate Melanie. Mas matanda sa kanya ito ng tatlong taon at kagaya n'ya ay single pa rin ito sa edad na trenta y tres. Madalas ay masungit ito dahil na rin siguro sa edad nito kaya matindi ang pressure na nagmumula sa kanyang paligid lalo na sa mga kaibigan at kakilala. "Ate! Alam mo na ba ang balita?" tanong n'ya sa kanyang Ate. "Tungkol saan? Bakit ganyan ang suot mo? Magsisimba ka?" puna ni Melanie nang makita ang kanyang kasuotan. Naka-floral dress s'ya na may ruffles sa braso at naka-flat sandal. Hindi kasi ito sanay na makita s'ya sa ganung itsura. Mahilig kasi s'ya sa mga sexy at nauuso na damit. "Oo, hindi ba bagay?" nakangiwi na tanong n'ya sa kanyang ate. "Okay lang, hindi lang kasi ako sanay sa ganyang outfit mo. Hindi bagay sa iyo ang magmukhang disyente." Puna nito. "Ang harsh naman! Minsan nga lang ako magsisimba eh ganyan ka pa," sabi n'ya sa nakakatandang kapatid. "Ano ba kasi ang mayroon at kailangan ay naka-pintura pa iyang pagmumukha mo? Bakit hindi ka mapakali?" magkasunod-sunod na tanong nito. "Naalala mo ba si Lorenzo? Iyong ultimate crush ko noon?" kinikilig na saad n'ya. "Ah oo, oh ano ang mayroon sa kanya?" tugon nito. "Umuwi s'ya ate!" kinikilig na pagbabalita n'ya. "So magkikita kayo at magkasama na magsimba?" panghuhula nito. "Doon kami sa simbahan magkikita! Excited na ako! Isipin mo, mga halos dalawang dekada din ang nakalipas tapos magkikita ulit kami. Feeling ko s'ya na talaga ang nakalaan para sa akin eh. Never ako nagka-boyfriend dahil s'ya lang talaga ang gusto ko na magiging first and last ko!" humihiyaw na sabi n'ya. "Nakakahiya ka! Kung kailan thirty years old ka na saka ka nagkakaganyan," naiirita na komento ng nakakatanda n'yang kapatid. "Bakit? Ano ba ang gusto mo? Ang magaya sa iyo na hanggang ngayon ay walang nagpapakilig?" maasim ang mukha na sagot n'ya. "Tigilan mo nga ako Magdalena. Mas nakakatanda ako sa iyo kaya mas marami akong karanasan kaysa sa iyo. Marami kang hindi alam," nagagalit-galitan na sabi ng kanyang kapatid. "Sus! Wala naman talaga akong alam tungkol sa iyo lalo na sa love life mo. Pero wish ko alam mo ano, Ate? Sana matagpuan mo rin ang magpapasaya sa iyo," saad n'ya. "Ikaw ba Magdalena ay sigurado na single iyang so Lorenzo? Isipin mo ha, matagal kayo na hindi nagkita tapos pagkatapos na napakatagal na panahon ay babalik s'ya tapos ikaw itong kating-kati na makasama ulit s'ya," patuloy na sermon ng kanyang kapatid. "Ate naman eh! Suporta ang kailangan ko hindi sermon. Aalis na nga lang ako tapos ganyan pa ang maririnig ko. Huwag ka naman nega, Ate!" nagdadrama na sabi n'ya. "Paanong hindi? Nagising ako dahil ang lakas ng kalabog mo. Alam mo ba kung ano'ng oras pa lang ha?" sabi ni Melanie. "Opo, alas kwatro pa lang ng umaga!" sagot n'ya na napakamot sa kanyang ulo. "Kita mo! Hay naku, paano pa ako makabalik sa pagtulog? Pagod na ako sa buong araw na paglalaba at buong linggo sa school tapos wala man lang maayos na tulog at pahinga," nagrereklamo na sabi nito. "Sorry po! Aalis na ako Ate, bye! Kaya mo na iyan!" saad n'ya na palabas na ng bahay. "Teka nga lang! Anong oras ba ang misa?" tanong ng kanyang kapatid. "Mga alas sais po ng umaga," sagot n'ya sa kanyang Ate. "Ganun ba! Hintayin mo ako at sasama ako!" saad ng kanyang Ate. "Ate! Hindi ko kailangan ng chaperone, matanda na ako eh!" tanggi n'ya sa nais ng kapatid. "Total nabulabog mo ang pagtulog ko! Pwes, ako naman ang makikigulo sa date mo!" sabi ni Melanie. "Huwag na nga! Nag-sorry na kaya ako!" patuloy na kontra n'ya. "Apologies not accepted. Maghintay ka dahil kung hindi hahanapin pa rin kita at ang Lorenzo na iyon," pagbabanta nito sa kanya. "Ate, sobra ka maka-react! Wala naman kaming gagawin na hindi maganda. Saka mabait at gentleman si Lorenzo, okay? Saka religious s'ya kung iyan lang ikinababahala mo." Paliwanag ni Magdalena sa kanyang Ate Melanie. "I don't care! Walang santo na lalaki. Hindi ako naniniwala dyan. Fifteen minutes lang at aalis na tayo!" mariin na pahayag nito. Wala s'yang magagawa kaya naghintay s'ya sa kanilang sala. Simple lang ang kanilang bahay na gawa sa matibay na materyales. Bungalow type ito na pinaayos nila mula sa kanilang pagtatrabaho na magkapatid. Isang teacher ang kanyang ate samantala si Magdalena ay isang engineer sa munisipyo. Bagamat professionals ay hindi mawawala ang minsan ay ang pagiging isip bata. Dalawa lang sila na magkapatid. Konserbatibo ang kanilang mga magulang kaya naman hanggang ngayon ay parehas sila na walang asawa ng kanyang ate. Noong nakaraan na tatlong buwan lang sabay na lumisan ang kanilang mga magulang dahil sa isang bus accident. Kaya ngayon ay dalawa na lamang sila ng kanyang kapatid ang namumuhay na magkasama sa iisang bahay. Kaya hindi rin n'ya masisisi kung bakit ito over protective sa kanya. "Halika na!" hudyat ng kanyang ate. Nagkandahaba pa ang kanyang nguso dahil sa hindi inaasahan na pagsama ng kanyang ate. Mabilis na isinuot n'ya muli ang sandal na suot n'ya kanina saka sila lumabas ng bahay. Sakay ng kanyang kotse ay nagtungo na sila sa sinasabi n'yang tagpuan nila ni Lorenzo. "Saan na daw s'ya?" hindi mapakali na tanong ng kanyang Ate. Nakababa na sila ng kotse ngunit wala ito natatanaw na may kahawig ni Lorenzo. "Matatandaan mo pa ba ang itsura n'ya?" tanong ni Melanie sa kapatid. "Syempre po. Crush ko kaya iyon kaya tumanda man s'ya ay makikilala ko pa rin s'ya," sagot n'ya sa kanyang Ate habang kapwa sila na palinga-linga. "Sigurado ka ba na dito kayo magkikita? Magsisimula na ang misa mamaya kaunti eh," naiinip na sabi nito. "Halika na sa loob!" aya n'ya sa kanyang ate. "Teka lang! Wala pa nga si Lorenzo," pakli nito. Ngunit hinawakan n'ya ito braso saka sabay na sila pumasok ng simbahan. Magsisimula na ang pagsamba. "Doon tayo!" pabulong na sabi n'ya sa kanyang ate na ang tinutukoy ay ang upuan sa harapan. "Paano si Lorenzo?" ulit na tanong nito. "Mamaya, makikita rin natin s'ya." Mahinang saad n'ya sa kapatid. "Akala ko ba magkasama kayo na magsisimba? Ako ba ay pinagloloko mo?" nagdududa na pahayag ni Melanie. "Ssssshhhhh!" sabi ng mga tao sa kanilang likuran. Napalakas kasi ng bahagya ang boses ni Melanie. Medyo napahiya ito kaya nanahimik sa tabi. Ngunit nandidilat naman ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nginitian lang n'ya ang kapatid hanggang sa kalmado na ito. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang pagsamba. Nagkandahaba ang leeg ng dalaga sa paglingon sa papasok na lalaki kasama ang mga sakristan at nagseserbisyo sa simbahan. Napanganga habang namumungay ang mga mata na nakatitig si Magdalena sa lalaki na nakasuot ng sutana. Napapalunok pa ang dalaga habang nakabuntot ang kanyang mga mata sa bawat galaw ng binata. Hindi na n'ya napapansin ang mapang-usig na mga mata ng kapatid. Natapos ang pagsamba na wala s'yang nauunawaan dahil ang buong atensyon n'ya ay kay Lorenzo. "Oh my Lorenzo!" tahimik na usal n'ya. "Hoy! Ano ang ginagawa mo? Pati pari pinagnanasaan mo?" sita ng kanyang ate. Hindi humihiwalay ang tingin nito sa kanya kaya nakikita nito ang lahat ng galaw n'ya. "May masama ba ako'ng ginagawa? Wala naman eh," depensa n'ya sa sarili. "Natapos na ang misa ngunit wala pa ang ka-date mo. Naku! Pinaasa ka lang nung tao," saad ng kanyang ate. Hinintay n'ya na magsilabasan na ang mga tao hanggang sa sila na lang ang natira. "Ano pa ang hinihintay mo? Umuwi na tayo! Hindi na darating ang ka-eye ball mo." Pahayag ng kanyang ate. Hindi n'ya alam kung natutuwa ito o nang-uuyam. Hindi rin n'ya masasabi na nalungkot ito para sa kanya dahil wala pa rin ang kanyang kausap. "Nasaan si Lorenzo?" tanong n'ya sa isang sakristan na nandoon. "Nagbibihis pa po!" magalang na tugon nito. "Okay, salamat!" sagot ni Magdalena at matiyagang naghihintay. Samantala ang kanyang ate ay naiinip na at panay ang tingin sa kanyang relo. "Hi! Pasensya ka na matagal bago kita harapin, kumusta?" masayang bungad ni Lorenzo. "Hello! Okay naman. Balewala ang aking paghihintay makasama ka lamang," sabi ni Magdalena na maluwang ang pagkangiti. "Sabayan n'yo ako mag-almusal!" aya ni Lorenzo. "Okay lang ba?" hindi nahihiyang tanong n'ya. Wala s'yang pakialam dahil ang mahalaga ay makasama n'ya ito. "Ilang years na ba? Naalala mo pa ba?" tanong nito sa kanya. Walang bahid ng malisya ang pagtingin nito sa kanya na s'ya namang kabaliktaran sa uri ng tingin na ipinupukol ni Magdalena. "Twenty years, I guess!" nakangiti na sabi n'ya. "Magdalena! Hoy!" tawag ng kanyang ate. Muntik na s'ya makalimot na may iba pala s'yang kasama. "Sorry ha. Kasama ko pala ang ate ko, si Ate Melanie!" pagpapakilala n'ya sabay hingi ng paumanhin. "Ate, si Lorenzo!" pagpapakilala n'ya sa lalaki. "Lorenzo? S'ya iyong kikitain mo? Si Father Lorenzo?" tila nauutal na tanong ni Melanie. "Opo!" sagot n'ya. Nanlaki ang mga mata ng kapatid sa nalaman dahil ang tinutukoy pala n'ya na Lorenzo na kikitain n'ya ay s'yang bagong pari na mamumuno sa kanilang parokya sa simbahan. "Gusto ko ng makauwi upang makurot na kita sa singit." Pabulong na sabi ng kanyang kapatid. "May problema po ba?" magalang na tanong ni Father Lorenzo sa magkapatid. "Ah, wala po Father. Nahihiya lang po ang ate ko na sumabay sa inyo sa almusal. Ang sabi ko po ay maari s'yang maunang umuwi kung ayaw po nya sumabay," paliwanag ni Magdalena. Palihim na sinundot s'ya ng kapatid sa tagiliran. Nagbabadya ito ng mahabang paliwanagan pag-uwi mamaya. Nakakatawa na nakakainis ang tunay na nararamdaman nito sa nangyayari. Sino ba naman ang mag-aakala na ang kinahuhumalingan ng nag-iisang kapatid n'ya ay isa palang pari. "Walang hiya ka! Bilisan mo na dyan!" palihim na sita ni Melanie sa kapatid. Masaya kasi s'yang nakipagkwentuhan kay Lorenzo samantala naiilang ang kapatid sa pakikipagharutan n'ya sa lalaki. "Sana sa susunod natin na pag-uusap ay mas matagal pa," saad n'ya kay Lorenzo. Nagpaalam na kasi ito dahil may susunod pa ito na pagsamba na pangungunahan. "Tingnan natin, salamat sa pagdalaw! Kung wala sana akong naka-schedule na pagsamba malamang mas matagal pa ang ating kumustahan," sabi pa nito. "Sigurado iyan! Punta ka minsan sa bahay," aya n'ya rito. Nag-okay sign lang ito bago tumalikod. S'ya naman pasayaw-sayaw pa habang naglalakad. Nagising s'ya sa isang malakas na batok galing sa kapatid. "Ate! Bakit ka nambabatok?" tanong n'ya sa kapatid. "Eh paano? Iyong gusto mong landiin ay isang alagad ng Diyos. Hindi ka ba nag-iisip? Sisirain mo pa ang kinabukasan ng tao," sermon nito. "Ate, katatapos lang natin magsimba. Remember? Iwas muna tayo sa masasamang gawain at palaisipan. Okay?" pakiusap n'ya sa kapatid na may pang-aasar. "Bilisan mo, humanda ka sa akin sa bahay!" saad nito na kung tratuhin s'ya ay parang walang kamalay-malay na bata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook