Emalia's POV
Pwede ba tayong mag video call?
Yan ang di ko ko inaasahan sa kanya.
Mabilis naman akong nagtanong kung bakit.
Gusto ko lang. Masama ba? Yan ang reply niya.
Hindi naman sa masama. I know your busy. Ayokong maabala kita. Paliwanag ko naman sa kanya.
Ilang ulit ko na bang sinabi na di ka abala. Can we call now?
Ano pa bang magagawa ko? at isa pa gusto ko din naman.
Agad na bumungad sa akin ang ID caller nito. Kahit na nahihiya. Agad ko yung inaaccept.
Ang gwapo ng loko. Bumungad talaga kasi ang mukha nito sa cellphone ko.
Para akong nahihiya. Kahit halatang pagod ang loko. Ang fresh pa din. Kakainggit.
" Anong sekreto mo?" tanong ko agad na ikina nuot ng mata niya.
" What?" Sabi na lang nito.
( Note: Korean language po yang kay Big Boss sinadyang Tinagalog lang po. Pero Korean words po yan ha.Thank you.)
" I mean what is your secret?" tanong ko ulit dito.
" What secret? I can't understand?" He said.
" Anong sekreto mo? Na kahit stress or pagod ka na sa work mo. Ang fresh at pogi mo pa rin?" Sabi ko naman.
Natigilan ito at maya'y maya'y nakita akong natawa. Akala niya pinagtritripan ko siya.
Ayooon na nga nakita ko naman ang maputing ngipin nito na nakadagdag sa gwapo niyang mukha.
" Anong fresh at gwapo? I'm not." Pasakay naman nito sa akin.
Ganyanan kami mag-asaran.
" Sinong nagsabi na your not pogi? At mabigwasan ko. Ang gwapo mo kaya." Sabi ko naman. And that's fact.
Sino bang hindi ma popogian sa Big Boss nito? Ano siya malabo ang mata? Kaya nga habulin ng cheeks tong Big Boss na to eh.
Napatigil ito pero may kunting ngiti.
" Yieeeeeh. Kinilig ka noh? Pero I'm not a Liar you know." Dagdag ko pa.
Napakamot na lang siya ng ulo. Pero hindi nawala sa mukha niya ang matamis na ngiti. Alam ko namang sanay na sa ganyanan ko ang lalaking to. Ilang taon na kami nag-uusap noh. At alam na din naman mostly ang isat-isa.
And to be honest po. Alam na din nito ang totoong name ko. At alam ko na din ang name niya. About sa personal and some stuff sa buhay namin. Yung pagiging influencer ko sa t****k. And pagiging Boss niya. Nalaman kong may business siya.
Well kaya tinatawag ko siyang Big Boss kasi. Medyo matangkad siya at Boss talaga siya. Bagay na bagay ang tawag kong Big Boss.
" I know. And thank you for the compliment. I always hear that pogi word from you." He said. At pinakitaan naman ako ng singkit na mata at masilaw na ngiti.
" Your so maganda din naman ah." Dagdag naman nito.
At ito naman po ako nagpauto. Chaaar. Hindi lang maiwasang mamula
Well si Big Boss yan minsan lang yan magbitiw ng mga magic at special word. Nung mga unang pag-uusap namin nahihirapan pa ako diyan. Magbibitaw ng pick up line for him. Pero walang reaksiyon lang naman or feedback. Minsan nililiko nito ang topic. Parang walang epek ang pick up line ko sa kanya. Kaya ilang taon talaga ang adjustment. Mabuti na lang nga ngayon at nakikisakay na siya sa akin. And gusto ko iyon.
Actually marunong na din siya magtagalog because I'm his teacher. Syempre, ang galing ng teacher kaya magaling din naman ang student. Palitan kami ng tinuturo. Kung tinuturuan ko siya ng Tagalog. Syempre tinuturuan niya din ako ng kanilang lenggwahe. Well ano pa nga ba? Mahilig pa naman ako sa kdrama. Kaya gusto gusto ko yung maka intindi.
Sige nga. Ikaw nga manood ng kdrama tapos subtitle. Hahaha. Hati yung atensyon mo. Kasi nasa drama tapos manood ka din ng subtitles ng nasa ilalim nito.
Kung kdrama lover man kayo alam kong relate kayo. And he also teach me the right accent. Feeling koreana na ako pag nagsasalita ng Korean.
" Oy nagblublush din siya." Nagising ako sa sinabi nito.
" I'm not kaya. It's so mainit here kaya ganoon ang mukha ko." Sabi ko naman upang maka lusot lang talaga.
Nakita kong natawa nito. As in halakhak.
Nagpout naman ako. Unti-unti itong tumigil pero di mawala wala ang naka paskil na ngiti sa mukha nito..
Sana ganyan ka na lang lagi Big Boss. Ang hirap mo pa naman patawanin or akala mo naman ang mahal mahal ng ngiti.
Kung mga na unang linggo akala mo buhat buhat ang Mundo. Hindi man lang maka ngiti.
" Okay okay." Yan na lang ang sinabi nito.
" Kamusta na diyan.?" tanong ko sa kanya.
" Its fine. Kakatapos lang ng work." dagdag pa nito.
Napatingin ako sa relo ko. It's already 5 pm na dito sa Pilipinas. At 6 na dun sa kanila.
" So kumain ka na ng dinner mo? Its already 6 in the evening na." Tanong ko sa kanya.
" Not yet. Nagmamaneho pauwi ng bahay." Pagbibigay alam nito.
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko iyon napansin.
" Hindi ko napansin kanina na nagmamaneho ka. Hindi ba kita naabala?" tanong ko sa kanya. Syempre nagmamaneho siya tapos ako ito nagvivideo call sa kanya.
" Your not. Kaya ko naman. Nilagay ko naman sa cellphone holder. If you worried na di ako nagmamaneho ng maayos. Kaya don't worry. Gusto ko lang makausap ka." Sabi nito.
Natigilan pa ako talaga.
Gusto ko lang makausap ka.
Gusto ko lang makausap ka.
Gusto ko lang makausap ka.
Parang ang feeler ko naman. Itong si heart kung ano ano na naman at pa tambol tambol pa. Gusto pa yatang lumabas at magpa sirko sirko.
" Are you busy? I think I'm the one disturbing you." Sabi naman nito. Mabilis naman akong napa iling iling with hand gestures pa.
" Your not okay. Actually kakauwi ko lang. I tell you diba? Nag window shopping ako with my relatives." Sabi ko naman. Tumango tango ito.
" And you bought a lot for them. I know." Sabi nito.
Napangiti naman ako.
" Bakit mo naman na sabi iyan. Andoon ka ba?" biro kong tawa.
" Wala ako dun. But I know you. Pag relatives or family ang pag-uusapan. Hindi ka magdadalawang isip na gastusin ang meron ka. Ganyan ka eh. Your love to your family is unbeatable." Sabi nito.
Lalo akong napangiti.
" Is that a compliment?" tanong ko dito. Sumulyap ito sa akin bago ibalik ang tingin sa daan. Remember nagmamaneho siya.
Tumango tango ito.
" Thank you. *chuckled Anong dinner mo?" tanong ko dito.
" Dito sa amin nagluto si Mom. Kaya alam kung ma dami dami ang makakain ko mamaya. " Sabi ko naman.
" Hindi pa ako nakapag order eh. Hindi ko din alam if may na iwan pa sa Bahay." Sabi naman nito.
" Hindi ka pa nakapag order? anong oras na? Diba mga 5-6 dapat naka kain ka na?" may pag-alalang sabi ko.
" It's okay------
" Anong gusto mong kainin? Ako na mag oorder if okay lang sayo?" Sabi ko naman. Kaya napatingin siya saglit.
Hindi ko alam kung para saan ang ngiting iyon.
" Okay. Alam mo naman ang account ko diyan. Ikaw na bahala." Sabi nito.
" No. Ano yung gusto mong kainin?. Ako na bahala mag order." wika ko.
" Yes. your account is already in my devices." Dagdag ko pa.
" Ikaw na bahala mag order sa akin. Kakain ko din naman yan." Siya.
" Pero give the specific meal Big Boss. Iba ang templa natin. Baka kung ako mag order tapos ayaw naman ng taste mo. Kaya just give me the meal that you want tapos ako na mag fill up or mag eencode dito." Paliwanag ko.
" Its okay for me. As long your the one who order it." Sabi niya.
" Are you sure? I don't want to waste the food. You know many children or some person whose can't eat. So we must not waste food. " Pagreremind ko sa kanya. Tumango tango ito habang naka ngiti.
Ano kayang nginingiti nito? May nakikita yata sa daan. Hmmp.
" I'll eat it. Just order the food that you want. If your not contented. You can watch it how I finish those food." Sabi naman nito.
Napa iling iling na lang ako.
" Okay. I will order. I Hope you enjoy the food." Suko ko naman. At nag order na nga.
"Okay. Thank you."
Fast Forward. Hanggang sa kumain nga siya nagvivideo call pa din kami.