Emalia's POV
Curios ba kayo?
Kung paano ko nakilala ang isang Big Boss?
Hindi ko din naman inexpect na maka kilala ako na tulad niya.
Flashback tayoooo.
Ilang try na ba ako? Makakahanap pa ba ako ng tamang ka chat? Chaaar. Pero ilang araw na kasing failed yung pag try ko ng app.
Hmm. Try ko nga ulit. Kahapon kasi di ko na bisita dahil busy at may ginagawa ako kaya di ako naka online sa dating app.
Another day, another stalk ng profile.
I'll try to send some Koreans, some foreigner. Baka may kumagat. Chaar. Ginawang isda ang mga tao sa app na yun.
Iniwan ko na muna ang phone. Not until na may nagnotif sa akin. I checked it. At himala may nagreply. At ang hindi ko pa talaga inexpect na siya yung magrereply. I checked his account. Ang kunti ng info. At madalang magpost. Di din ma masyadong active.
Kaya di ko maiwasang magulat. I open his message. Korean na korean talaga dahil Korean ang reply nito sa akin. At mabuti na lang dahil sa addict ako sa kdrama. Naintindihan ko iyon. At meron din akong alam ng kaunti kaya nagreply ako dito ng korean.
You're Korean?
Tanong nito pero naka Korean language.
Agad naman akong nagreply. At sinabi nag totoo.
Oh Ok. Where you from?
Sinabi ko dito ang totoo. Malaki din naman ang pinas. At isa pa di nito alam ang tong name ko.
Kaya malaya akong magpakita ng totoong ako. Pero magbigay ng info. Alam ko din naman ang limit ko.
Kahit na expose ako sa social media. I know my limit noh. Marami kayang nabiktima sa social platform.
Nakagawa kami ng magandang convo. Until he said goodbye for now. Kasi daw may trabaho siya kaya need niya na bumalik sa trabaho.
Nalaman kong he older than. Mga nasa 3-4 years yata. And I'll understand him naman. Sa mga 27 na edad busy na talaga sa work. While me 23 na pero tambay sa Bahay. Chaar kahit ganito. May kinikita din ako. Sa pagvlo-vlog ko or sa t****k ko. And also minimaintain ko naman ang study ko. Hindi man kasing talino ni Einstein at kasing wise ng mga sikat na CEO. Nakakatulong din naman ako sa Fam ko. And I'm proud of it.
To be honest sa lahat ng ka chat ko sa app na iyon. Ito ang nagustuhan ko kausapin. Kahit na nahihirapan minsan dahil full Korean language talaga siya pero sinubukan niyang mag-english and I really appreciate it lalo na ng sinabihan ko siyang kaunti pa lang talaga ang alam ko sa lengwahe nila.
Di pa nga siya makapaniwala. Na Meron akong alam kahit nasa pilipinas ako. Naku kapag nalaman nilang mga adik ang pinoy sa kdrama. Siguro mawiwindang sila. Lalo na sa Kpop.
Meron din naman akong naka usap na iba pa. And syempre I'm trying to be friendly muna. Pero sino ba niloko ko. It's dating app. Anong friendly friendly ka diyan?
Common sense na lang talaga. Kasi nga dating app. Naghahanap ng ka date or bf or so whatsoever. Pero ako sinubukan ko lang talaga. Hindi naman talaga ako desperada. Trip ko lang. Malay mo dito pala si Mr. Right.
At isa pa wala namang mawawala diba? Hindi ako magsesend ng nude for f*c*king dates. Alam ko kung paano ma disiplina ang sarili ko.
Pero hindi ko alam why? Sa daming daming pwedeng subukang apps ito pa talaga?
Yes. Alam kong NBSB ako. Pero tanggap ko iyon. Kung ibibigay ni lord. Thanks God. Pero kung di pa dumating baka na traffic lang. Huwag tayong magmadali.
Lumipas ang mga araw. Ang sabi kong ilang araw lang sa apps na yun. Umabot na ng one week. At iisa lang ang matira matibay sa ka chat ko. Yung Korean Man.
Naisipan ko siyang e chat. Ilang araw din kasing busy ako and I know busy din siya.
Hi! Yan lang naman ang sinend ko sa kanya.
Nagreply naman ito. Nagtaka ako when he reply na. Who are you?
Huh? Anong who are you? Eh kakachat lang namin nung last Wednesday. Friday na ngayon. Aba!? May amnesia ka Boy?
Chaaar. Biro lang po nagchat lang na who are you. Galit agad. Ano mo siya BF? Maka react ka naman.
Hindi ko mabasa ang templa ng lalaking to. Minsan okay din naman kausapin minsan hindi. Nung mga nakaraan araw di ko makuha ang templa nito. Ngayon naman who are you?
Baka next time, pagsabihan akong scam..
Napa iling iling na lang ako sa mga pinag-iisip ko. Advance mag-isip yaaarn!?
Kalmadong nireplayan ko ito. And I'll reminded him. Na we talked and chatted through this app. Kung praning akong mag-isip baka isipin ko na ibang tao to.
Hindi kaya pinakialaman ng friends or Fam niya ang cellphone nito kaya kung ano ano ang chat sa akin. Tapos pinagtritripan ako.
Ma chat nga at ma close malay niyo chaaar lang po. Kapal muks yaaan.
Natauhan ako bigla sa natanggap na message at alam kong nanggaling iyon sa kanya. Kasi alam kong online siya.
Agad kong tinignan ang text nito at para akong maloka. Na wala daw siyang kilala na gaya ko. Huwag na daw akong mag chat sa kanya.
Natigilan ako. May kasalanan ba ako? Wala naman ah. At kung di naman pwedeng mag date sa kanya. Maging friends okay na din sa akin.
Talaga ba!?! Common sense na lang kaya girl. Kaya nga dating app kasi naghahanap ng makakadate. Sinong niloko mo?. Sumbat naman ng isang bahagi ng utak ko.
Imbis na patulan ko ito. Kalmado akong nagreply. I composed my chat and send it to him. Di ko na hinintay pa ang reply nito. Kung ayaw niya edi huwag. Tsk.
Naghanap ako ng pagkakabusyhan. Hanggang makalipas ang ilang araw na una itong nag message na di ko inaasahan.
Medyo mahaba kaya nagtaka ako at biglang na curios di ko na sana pa siya rereplayan eh.
Ilang araw din naman di kami nagparamdam sa isat-isa. Busy siya at nagpapaka busy ako.
Hindi ako maka tiis kaya sinilip ko in end binasa ko na talaga. Mabuti na lang nalaman kong may rason kung bakit ganoon ang chat nito or message nito sa akin nung makalipas na mga araw.
Parang di talaga siya. At tama yung instinct ko. Hindi nga talaga siya. He explain some of his friends borrow his phone. And then boom. Yung friend niya pala ang nagmessage sa akin ng ganoon. Napa hinga ako akala ko talaga ayaw niyang ka usap ako.
Marami ba namang nagsabi sa akin na masarap akong kausap. Chaaaar. Assumera iyaarn!?
At dahil marupok ako..Chaaar.
I mean hindi naman ako talagang galit galit sa kanya. Kaya I replied to him and tell him na okay lang. Mabuti naman at okay na.
Balik sa dati ang gawi namin. Yung magrereply siya at same with me. Kung ano ano na talaga ang pinag-uusapan namin. Mapa personal life or yung maisipan naming pag-usapan. Hindi maiwasang mag adjust. Adjust talaga? Minsan naninibago pa din ako. Para kasing may nag adjust or may nagbago. Pero hindi ko na lang pinansin iyon. Ganoon lang yata siya. Kaya iintindihin ko na lang.
End of Flashback....
Sorry kung di nagparamdam nung mga nakaraang araw. Ang daming gawain sa office.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit ganito si Big Boss mafefeel mo ang sensiridad niya.
Mabilis akong nagtipa. At nagreply.
Sanay na kami sa isa't isa na sinasabi ang mga ginagawa buong araw. Siguro nakasanayan din dahil sa tagal naming magka kilala at mag-usap.