Emalia's POV
Busy ako this day kaya di ko nagawang magparamdam. Tsk. At isa pa fair din naman. Di din naman nagparamdam si Big Boss busy yata. Kaya magka busy-busyhan din ako today.
Anong pinagkakaabalahan ko?
Well hindi naman ako artista pero merong nag offer sa aking makipag collab.
Isang restaurant. Dahil nakita nila ako sa t****k agad nila akong kinontak for doing some advertisement for their promotion ng restaurant nila.
At dahil sabi ko nga di ako busy at okay lang din sa akin ang ino-offer nila. Bago pa kami magsimula ng magshoot ng advertisement. Inexplain na nila sa akin lahat lahat. And also my mother know about it. At syempre the best si Mother. Todo support siya.
I already read the script and study it. At kakakayin ko din naman. I know di ako magaling sa actingan but siguro pasado pa din naman sa mga masa.
It is a short advertisement with a short love story.
Isa pang dahilan kaya tinanggap ko ang offer nila dahil sa ang ganda ng script. To be honest kinilig ako dun. And I love their plan.
I hope maganda talaga ang kinalabasan. I spend two-three days for the shooting. Syempre may aktingan at photo shoot.
And 2nd day na namin. At masaya ako at di ko naman pinapahirapan ang kumukuha ng video at direktor.
" Job well done Ms. Corpuz. We're already done the part today. Good job Guys." Saad ng direktor. Ngumiti ako dito at nag thank you.
Gusto ko ang pagui-guide nito sa amin. Kaya madalian ang shooting dahil sa kanya.
" Thank you Direk." I said to him. Ngumiti lang ito pabalik.
" See you tomorrow. We're going to shoot the last and final part okay." Sabi nito. At nagpaalam.
Our director is a Gay. Kaya alam kong advantage iyon. Nalaman kong madami na ding pinagdaan ito. Kaya ang ganda ganda ng pag didirekt nito. At parang easy na lang sa kanya. Well 10 years na siya kaya talagang marami ng experience.
Nagsiligpit naman ang iba naming kasamahan. At nagpaalam din na mauuna.
Mabuti na lang kasama ko today si Mom. Naging instant secretary, assistant and manager ko siya.
Umupo ako sa sofa at napabuntung hininga.
" Are you tired Nak?" Napatingin ako kay Mom. And I know she's worried.
Ngumiti ako dito and show her my " I'm fine " smile. But Mom is Mom.
" You can't used that smile to me Nak." Kalmadong saad ni Mom.
See?
Wala ka talagang matatago sa kanya.
Napakamot na lang ako ng ulo. And No choice kundi magsabi ng totoo.
" To be honest Mom. I'm tired pero kunti lang. Well nandito ka naman kaya di talaga akong pagod na pagod. Ikaw sumalo ng lahat eh. Baka nga Mom sa ating dalawa ikaw yung pagod." I said to her. And went to her. And gave her a back hug.
Nag-aayos kasi ito ng mga gamit ko.
Humarap ito sa akin. Nakita ko ang ngiti nito.
" I'm okay Nak. Masaya akong makikita kang nag-eenjoy kanina. At yung mga ginagawa ko kanina. Yakang yaka ko iyon." Mayabang na sabi nito.
Napangiti na lamang ako.
" Are you sure Mom? Naging instant secretary, assistant at manager kita kanina." Sabi ko naman.
" Don't worry anak. Kayang kaya ko ang mga iyon. Kahit na maging make artist mo pa at stylish mo. Baka papasa din ako. " Biro naman nito.
" Tsk. Oo na Mom. Ikaw na po." Pasukong saad ko dito. Natawa pa ito sa sinabi ko.
" Pasaan na tayo nito?" tanong niya ng matapos nitong magligpit.
Napatingin siya sa relo nito.
" It's already 6 pm na." Dagdag pa nito. Inabutan pala kami ng gabi.
Humiwalay ako ng yakap ng tumunog ang phone nito. Agad na kinuha nito Ang Cellphone.
Naka-abang naman ako sa kanya. At kakakita ko lang ng isang matamis na ngiti mula kay Mom.
At isa lang ang dahilan nun. It was my Dad.
" Let's go. Sabi ng Dad mo kumain na lang tayo sa labas. Nandoon na siya hinintay tayo." Nakangiting saad ni Mom.
Napangiti ako ng malamang nandoon din si Dad sa labas. Siya pala ang sundo namin. Siguro kakatapos lang ni Dad sa work nito at maagang naka uwi.
Nagpaalam na muna kami sa may-ari ng restaurant.
Agad kong nakita sa malayo ang napakagwapong kong Dad. Ang nag-iisang minahal ng napakaganda kong Mother.
Nakita din ako ni Dad kaya kumuway ito at nakangiti.
Mabilis kaming nakalapit sa kanya. Humalik sa pisngi si Mom at ako din kay Dad. Pagdating sa sweet action showy kaming pamilya. Well pinalaki akong ganoon ng parents ko. Agad na kinuha ni Dad ang dalang mga bag ni Mom. At nilagay sa likuran ng kotse.
Sumakay naman kami ni Mom. Si Mom sa front seat habang ako sa likuran. Kawawa naman kung dalawa kami sa likuran. Magmumukhang driver namin si Dad.
Agad din naman sumakay ng kotse si Dad.
" Pa saan tayo?" Tanong ni Dad sa amin.
" Our favorite place Hon." Sagot ni Mom. Tumango lang si Dad at sinimulang paandarin ang kotse.
Habang nasa byahe di maiwasang magtanong ni Dad.
" How's your shooting?" curious na tanong nito.
" Ano pa inexpect mo Hon. Anak natin yan. Well kahit di naman siya artista. Para sa akin yung ginawa niya kanina. Artista artista ang datingan." Proud na proud na saad ni Mom.
Napangiti naman si Dad. At napatingin sa akin gamit ang nasa harapang mirror nito.
" Well nanggaling na sa bibig ng Mom mo Nak. Job well done." Saad nito.
Napangiti naman ako.
Hindi ko alam kung ano ako ka swerte dahil sa parents ko. Nakikita niyo naman. Ganito sila sa akin.
" Thank you Dad." Saad ko naman.
" Well its my treat then. Alam kong pagod kayo. Lalo na ang prinsensa natin Hon." Dad.
" Naku Dad, mas pagod si Mom. Alam no bang lahat ginawa niya. Assistant, secretary at manager ko. Tapos gusto pa mag apply ng pagiging stylish at make up artist." Saad ko.
" Talaga!?" Manghang tanong ni Dad at napatingin kay Mom.
Nakita ko ang pag blush ni Mom. Kahit na ang tagal tagal ng magsama nila Dad. Di pa rin nawawala ang pagpapakilig at kiliging serye ng parents ko.
And I really love it. Hinahangad ko din ang pagmamahalan na meron si Dad at Mom.
" What are you looking at? Bakit di ka paniwala-wala? Nakaya nating palakihin ang dalaga natin. Iyon pa kaya." proud na saad ni Mom.
Napa iling iling na nakangiti na lamang si Dad.
Hinawakan ni Dad ang kamay ni Mom. Kaya lalo akong napangiti.
Soon makakahanap din ako. Nang kagaya ni Dad na minahal ng lubusan si Mom at pinakilig kahit ilang taon na.
Natauhan ako ng tumunog ang cellphone ko. Nagtatakang tinignan ko iyon.
It was Big Boss.
Oh di siya Busy?
Are you busy?
Yan lang naman ang laman ng message nito.
Agad naman akong nagreply dito.
Di naman masyado. Bakit? ( Note: English po iyan kapag si Big Boss. Baka minsan po makalimutan ko. Kapag kausap ko si Big Boss. English po talaga ang lengwahe namin. )
Minsan Korean, English at kaunting Tagalog ang alam ni Big Boss. Syempre ako ang nagturo ng Tagalog sa kanya. At kapalit nun tinuruan niya din ako.
Pero kapag nasa mood lang ako magkorean sa kanya.
I thought your busy. You're not texting me.
Hindi na muna ako nanggulo sayo. Alam kong busy ka. Reply ko naman agad.
I miss you
Natigilan ako sa sunod na message nito. Napakusot kusot pa ako bago ma disappoint. Na unsent na.
Tsk.
Agad akong nagreply dito.
What happened? Why you deleted it.
Nakita kong typing kaya alam kong magrereply agad.
Sorry it was my Friend. He borrow my phone and text someone. He didn't check the person he send his message. So the message send to you. I'm sorry.
Napabuntung hininga na lamang ako. Akala ko talaga totoo na yung I miss you.
It's okay. Just tell you friend to be careful. Reply ko naman.
Noted. By the way I just knew that you have some shooting that you have collaborate.
Hindi ko naman deneny iyon. At sinabing malapit ng matapos.
Iyon pala ang pinagkakaabalahan mo. Kaya di ako makakakuha ng message from you.
No. Hindi talaga yun ang dahilan. It just I don't want to disturb you. I know that you are the CEO. And you have a lot of work Big Boss. That's why I don't want to trouble you. Paliwanag ko dito.
I'll understand. Thank you. I think you're tired. Rest well. He said and end the convo.
Napabuntung hininga na lamang ako. Yung gusto gusto mo pa siyang kausapin pero agad na tinapos ang usapan.
well no choice ako kundi ang magpaalam sa kanya.
Napatitig na lamang ako sa labas ng kotse pagkatapos ng usapan namin ni Big Boss.