Abala ako kaka scroll at panonood sa t****k ng may sunod sunod na notifications ang naka agaw ng atensyon ko.
Agad kong tinignan iyon.
Bigla akong nagtaka. Tumambad sa akin ang "Big Boss" na name. The messages was sent by Big Boss.
Akala ko ba busy ito?
Agad ko naman sineen iyon.
" What are you doing?"
" You already done with your lunch?"
Yan ang laman ng message nito.
Agad naman akong nagreply. Atlast nagreply din nito. Pero okay lang din ang last reply. Tsk. Tinapos agad ang convo namin.
Siya tong unang magpaparamdam. Pagkatapos siya din ang tumapos. Minsan di ko talaga ma kuha ang templado ni Big Boss na to.
Tsk. Nagtaka ka pa. Eh sa ilang taon ganyan na yan. Hindi ka na nasanay pa? Sumbat naman ng isang bahagi sa utak ko.
Sabagay may bago pa ba? Ganyan na ganyan talaga si Big Boss. Siguro na immune na talaga ako pero minsan di talaga maiwasang mainis.
Ilang taon na nga kaming magkakilala. Anim na taon I think. And if you are curious. Yes. Nagawa na naming mag meet in person. Nang pumunta ako ng korea. Before pa ng pandemic. Pero madalian lang din yun dahil nga sa pandemic kaya umuwi agad ako ng pilipinas.
At kung curios kayo paano ko na kilala ang isang Big Boss. Flashback tayo.
Biglang nagpop up sa phone ko ang isang app.
May naka flash sa screen na dalawang option.
" Close "
" Open "
Nagawa ko na pa lang na download at successful ang pagkaka install ko ng app.
Macucurios ako sa app na to. Lagi kasi tong dumadaan sa fyp ko. Di din maiiwasan marinig sa mga kaibigan or kakilala ko. Tapos minsan napapanood ko din sa ads.
At dahil bored ako. Sinubukan ko. Wala naman siguro mawawala.
Anong app to?
Isang Dating App. At huwag kayo ha.
I'm single and ready to mingle. Walang magagalit kasi hindi ako taken. I have a freedom to love and to be love.
Naku saan na ako umabot. Balik tayo sa Dating App.
Syempre wala naman kasi akong mae-kwekwento sa Love story ko. Kasi wala akong buhay pag-ibig.
I'm lonely pero di talaga kasing lonely na nag-iisa. Meron pa naman akong kaibigan at kapamilya. Wala lang talagang ka-ibigan.
Total wala naman akong ginagawa ngayon. Inshort walang may inutos si Mother.
Kaya libre ako ngayon.
Gumawa muna ako ng account. At dahil gusto gusto ko ang datingan ng pagiging misteryosa. Hindi actual name ang nilagay ko.
Katulad sa account ko sa t****k. Natagalan ako sa pag-iisip ng magandang username.
By the way, I'm Emilia Corpuz, ang simpleng babae. And actually I'm also an Influencer in t****k.
Hindi naman po sa pagmamayabang pero nakilala ako dahil sa magaling akong sumayaw.
Siguro nanlambot or flexible ang katawan ko sa pagsasayaw dahil sa palaging habulan namin at iwas ko kay Mother kapag papaluin ako sa pwet or saan mang bahagi ng katawan. Biro lang po. Baka isumbong niyo kay Inang.
Meron akong 10 M na followers sa t****k at 9 M sa YouTube kung saan nagvlo-vlog ako. Yes nagvlo-vlog din naman ako. Iwan ko nga ba. Wala naman kaalaman sa mga content ko pero bakit maraming nanonood maraming nagfofollow siguro na curios sila sa kabaliwan ko. Yung iba siguro nalilibang sa pinagagawa ko.
Agad akong napa tipa ng username ko ng maka isip. Aila (Pronounce : Ayla ) Emalia --> Aila.
Ang gandang username. Agad din akong nag fill up ng need na mga info pero sinigurado kung mysteryoso talaga ang identity ko.
Kakapasok ko lang sa app at naka log in na account ko. Agad na may nag recommend. Kaya sinubukan kung mag scroll baka may maka kuha ng interest ko.
Dahil bagong account to at first time ko. Ako ang gumawa ng first move.
Agad kong naghanap na pwede pumasa sa type ko.
At kung pasado man. Ako unang nagsesend ng message na "Hi" or Hi sticker.
I'll try to chat first sa mga nakikita at dumadaan sa wall ko. Walang hiya hiya noh? Haha well malakas ang loob ko dahil wala naman naka kilala sa akin. Paano kaya malaman mga followers ko sa t****k ang pinagagawa ko.
Hindi lang isa madami din sila ang sinubukan ko. Ngayon maghihintay na lang ako ng mga reply.
Aba! Ang haba ng hair. Parang pinipilahan. Natawa na lang ako sa pang aalaska ng ibang bahagi sa utak ko.
Bigla akong na excite ng marinig ang notifications sound ng phone ko. Isa lang ang ibig sabihin na may nagreply sa chat ko.
Alangan naman ka textmate ko eh Wala nga. Smart, TNT, Globe yan mga ka textmate ko. Mabuti pa nagpaparamdam kahit text lang. Chaaar.
Balik po tayo sa kwento.
Napangiti ako ng mag Hi din sa akin at na excite ako ng makita ang reply nito.
Nagkamustahan muna kami. Bago pumunta sa Q and A. Biro lang po.
Q and A kasi sunod sunod yung tanong nito at need ko agad mag reply.
Nagpakilala ako dito. Hindi ko maiwasang mapa isip.
Ano kaya pwede mangyari?
Nakaka interest din pala ang dating app.
Try ko nga baka dito din si Mr. Right ko. Napa iling iling na lang ako sa pinagagawa at sinasabi ko.
Maganda nung una ang usapan namin. Keri pa naman ang mga chat nito. Napatigil ako bigla ng tanungin ko ito. Kung anong gusto nito. Nabitawan ko bigla ang phone ko ng malamang lalaki ito at lalaki din ang gusto niya.
Ang ganda ganda ng simula namin. Tapos dito matatapos.
Agad kung pinulot ang phone ko at sinabi ko sa kanya ang totoo na I'm a girl.
Napa Whaaaat Reallyyyy talaga ang chat niya. Capital letters pa.
Mabilis akong magtype ng YES.
OH MY GOSH. You are a woman and I. Sorry but we're not compatible. Sorry but I need to block you.
Napa okay na lang ako sa reply ko.
At doon natapos ang dating app experience ko. Chaaar biro lang po. Kakasimula lang po. Huwag munang mag end.
Wala akong choice kundi ang sumubok sa ibang ka chat.
Sayang yung papable gusto din ng papable.
My second attempt is.....
Kagaya ng sa una. Sayang hindi dahil gusto din nito papable.
Kundi ang bata bata pa nito. Ilang taon na ako tapos maghahanap ako ng ka date bata pa sa akin. Naku baka ma isip pa nila kapag kasama ko siya Kapatid ko or anak.
Isang 12 years old na batang forenger, I mean foreigner. Ang gwapo gwapo sana kaya lang ang bata eh.
Bagay akong tawaging ate keysa Honey or babe. Baka makasuhan ako ng child abuse ng parents.
Pero ang tanong bakit ang nasa dating app ang batang iyon? Na sa oras na to dapat nag-aaral or naglalaro ng mobile games.
Pangalawang subok ko na to. Baka naman Lord. Meron ibigay niyo na.
Sa third attempt. Ang smooth ng replayan namin sa isat-isa.
Napakanta pa talaga ako ng Ikaw na ba si Mr. Right
Ikaw na ba ang my love of my life
Biglang nag Background music ang Mr. Right.
At si ako naman feel na feel ang BM na iyon.
Halata ang pagka sweet. Sunod sunod na nagsend ng sticker.
Well halatang nagstru-struggle siya sa English Language pero maintindihan pa naman. As Filipino hindi ko naman siya e-jujudge and try to understand him. Karamihan din sa nga Filipino nag e-estruggle sa universal language nung patuloy patuloy yung usapan namin pero napatigil ako bigla ng
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"I'm here, I'm hang out. You want to hang me?"
Bigla akong napatawa ng malakas. Sorry na po. Kakasabi ko lang di dapat nagjujudge. Pero di ko lang talaga mapigilan matawa. P*teks.
Lakas din ng trip nito. Ang ganda ganda kanina ng pag-uusap namin ha.
Mabuti na lang mag-isa lang ako dito. Baka kapag nakita nila ang sitwasyon ko. Mapagkamalan pa akong baliw dahil sa tawang tawa ako ngayon.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Author's Note: Credits to @totowaaa2 " Hi bhie are you hang out.