NBSB
Peg leke ke ikew eng pekekeselen ke..
Sarkastikong pang-gagaya ko sa mga pangako n'yang binitawan noong maliliit pa kami.Halos maisumpa ko na nga ang kapeng ipinatimpla nito sa akin dahil sa inis ko.
Ang walang hiya na yon! Promise breaker na nga napaka sama pa ng ugali! bwiseeeet!
Inis na sambit ko habang madiing hawak-hawak ang kutsaritang pinang-hahalo sa kape.
Hoy Michaela! sarap ng tinitimpla mo ah! Sama ng loob na may konting kape.
Birong banat ni Janice.
Hay naku te! Kamo ang tawag dito kape ni Judas!
Iritadong Sambit ko.
Alam mo te bago pa lumamig yang kapeng tinitimpla mo ihatid mo na yan don kung ayaw mong masabihan ka na namang pagong.
Hay, bwiset na yon! oh sige na! maiwan ka muna d'yan at ihahatid ko lang to sa dragon baka kasi bumuga na naman ng apoy mahirap na,yung mga tenga ng chismosa abot hanggang marketing department sa baba.
Saad ko habang nagmamadaling lumakad patungong office.
Nasa pintuan pa lamang ako ay rinig ko na ang dumadagundong nitong boses.Agad naman napatitig ang aking mga mata sa empleyadong nakiki usyoso sa labas ng opisina.
Te! may topak si Dragon back off back off!
Senyas ni Clara.
Ano gagawin ko te? eh siya nag papahagid nitong kape?
Bulong ko dito.Agad kong inayos ang aking pustura at tumuwid sa pagkakatayo.Hinila ko pababa ang aking skirt dahil medyo maikli ang nasuot ko. Nagkamali kasi ako sa pag kuha ng susuotin kanina dahil sa pagmamadali at takot na ma late ako.Halos mapa-mura pa ako dahil ngayon ko lang napag-tanto na wala akong suot-suot na stockings.
hay bwiset talaga! di bale ayos lang yan.
Agad akong humakbang at tatlong beses ang ginawang pag katok.
Come in!
Matigas na sambit nito na siyang nag paikot na naman sa aking mga mata ngunit agad ko rin namang pinalitan ng maamong ngiti nang makapasok na ako sa loob ng opisina.
Here's your coffee sir.
Sambit ko at dahan dahang inabot ito sakanya nang hindi nito sinasadyang matabig ang tasa ng kape na tumapon sakanyang puting polo na panloob.
Fuck! what the heck?
Naku sorry sir!! kayo po kasi di kayo tumitingin!
Saad ko.Dali akong nag yuko at pinunasan ng aking panyo ang kanyang puting polo.Agad naman akong natigilan ng mapag tanto ko ang aking binitiwan na salita.
Did you just blame me woman?
Mapanganib na sambit nito.
Mariin akong napapikit habang nakayuko sa bandang tiyan nito.Unti-unti kong inangat ang aking ulo at gumamit ng matamis ngunit pekeng mga ngiti.
Ah, eh ,kasi ano....
Sambit ko na may malapad na ngiti habang seryoso naman ang mga mata nitong nakatitig sa akin.Nang walang ano mang salita ang lumabas sa aking bibig ay mariin akong napa kagat sa aking labi.
Shet! anong gagawin ko?
Tanong ko sa aking sarili ngunit laking gulat ko nang hapitin ako nito sa aking beywang at walang pasabi na hinalikan ako.Noong una ay halos di makapaniwalang nang-laki ang aking mga mata sa ginawang pag halik nito sa aking labi ngunit di kalauna'y napapikit na rin ang aking mga mata ng maramdaman ko ang kakaibang sarap na hatid nito.Napakalambot ng mga labi at napaka gaan ng paraan ng halik nito sa akin.Ang mabango nitong hininga, ang matangos nitong ilong na siyang tumatama sa aking ilong.Ang mahahaba nitong pilik mata na ngayon ay mariing naka- pikit na tila dinadama ang aking mga labi at ang kabog ng aking dibdib na siyang nag papabaliw sa akin.
Halos mapakapit ako ng mahigpit sa kanyang working table dahil sa ginagawa nitong pag halik sa aking mga labi ngunit agad akong natigilan ng humiwalay ito sa'kin.
Hey, you!
Tawag nito sa akin habang isang pulgada lamang ang layo ng kanyang labi sa aking mukha.
Ye-yes sir?
Sambit ko ng hindi makatitig ng diretso dito.
Are you a robot?
Ha?
I said are you a robot? why your lips aren't moving?
Prangkang tanong nito habang namamaos ang boses.
Ah ano kasi..
What?
Hi- hindi ko alam.
Nahihiyang sabi ko dito.
What do you mean you didn't know?
Tanong nito habang may seryosong mukha na nakatitig sa akin.Mariin akong napapikit at utal na sinabing..
Im a member of NBSB sir.
What?
No boyfriend since birth. eh kasi naman sir ganito yan.Inuna ko munang mag tapos ng pag aaral bago...
Hindi ko pa man natatapos ang aking sinasabi ay mabilis na nitong hinawakan ang aking baba at inabot ang aking labi.Nang lalaki muli ang aking mga mata na tumitig dito.Halos mapalunok pa ako sa paraan ng paghalik nito.
Open your mouth for me baby..
Paos na sambit nito sa pagitan ng aming mga labi.Hindi ko malaman kung anong mayroon sa boses nito at dali ko namang sinunod ang utos nito.Dahan dahan kong ibinuka ang aking labi at halos mang-laki ang aking mga mata nang mas mapusok ako nitong halikan.Halos maubusan ako ng hininga sa paraan ng pag halik nito sa akin.Humihingal kaming humiwalay sa isa't isa at maya maya pa'y kinuha nito ang hinubad niyang coat at bago ito umalis ay galit ako nitong tinitigan.
Next time don't ever bite your lips in front of me or else hindi lang yan ang aabutin mo.
Sambit nito at mabilis na umalis.Naiwan naman ako roon na nakatunganga at sarkastikong napatawa habang hindi makapaniwala sa sinambit nito.
Ano daw? dati ba siyang sira ulo? mukhang okay naman s'ya noong mga bata pa kami ah! ano yun pumunta lang s'ya ng America naging sira ulo na siya.At ang malala matapos nakawin ang first kiss ko iniwan lang ako ng ganito.Sa bagay hindi na ako mag tataka pa.Ni hindi niya ako makilala ngayon.Ni hindi ko rin alam kung naaalala n'ya pa ang batang iniwan nya at pinangakuan 10 years ago.
Mapait akong napatawa sa isipang ito.
Tss, may mas lalala pa ba sa taong nangako sayo 10 years ago na babalikan ka tapos matapos ang mahabang taon, malalaman mo na lang na ikakasal na siya sa ibang babae?
Sarkastikong Sambit ko.At dito nag balik ang mga ala-ala sa akin 10 years ago.Ang mga ala-ala na parang kailan lamang naganap.