Buong byahe ay wala akong ginawa kundi ang makinig ng musika,mag masid, at mag isip.Hindi ko kasi maiwasang mag isip kung ano ba ang maaaring mangyari pag tuntong ko sa pilipinas.Sa totoo lang, matagal ko naman ng tinanggap na hindi kami para sa isa't isa ni Jace at matagal ko na ring natanggap ang katotohanan na sa pagitan naming dalawa, ako lang talaga ang nag mahal ng lubos.Tss, di ko nga alam kung pag mamahal ba ang ipinakita n'ya o tanging init lamang ng katawan.Kapag pumapasok sa isip ko kung paano ako mag paka tanga at mag makaawa sa kanya noon ay naiiling na lamang ako at natatawa.Kung tatanungin ko ang sarili ko kung mahal ko ba pa ba? ang sagot hindi na.May konting galit oo, hindi iyon mawawala dahil nasaktan ako. Pero iniisip ko na lang na ayaw ko ng masadlak ako sa kalungkutan

