Kabanata 2 - Ang Pag-ibig ni Ava

1437 Words
“ANO palang nakain mo at ginawa mo ‘yung kanina?” tanong iyon ni Ava kay Brayan. Katatapos lang ng kanilang mainit na pagtatalik. Ngayon ay nakaupo si Brayan sa kanyang kama habang nakasandal sa pader sa bandang ulunan. Nakasandig naman siya sa isang balikat nito habang nilalaro ng daliri niya ang dibdib nito. Pareho silang nakahubod-hubad. “Matagal na kitang gustong mapasaakin Ava. Hindi lang ako makabuwelo dahil sa babaeng iyon.” mababa ang tonong sagot ni Brayan. “Ang tinutukoy mo bang babae ay ang girlfriend mo ngayon?” pinaglandas niya ang hintuturo pababa sa tiyan nito. Hinuli nito ang kamay niya. “Hindi ko na siya girlfriend. Break na kami. Ikaw na ang girlfriend ko ngayon.” Lumabi siya. Binawi ang kamay dito saka ibinalik ang ginagawa kanina. “Paano na ‘yun? Ano bang pangalan niya? Ciara?” “Huwag mo ng banggitin pa ang pangalan ng babaeng iyon.” umasim ang mukha nito. “Ano bang nangyari? Puwede ko bang malaman since ang sabi mo ay girlfriend mo na ako ngayon...” mapang-akit na wika niya. Bago ito sumagot ay naglanding ang isang kamay nito sa isang dibdib niya at sinapo iyon. Napasinghap siya ng malakas. Nagsisimula nanaman siyang makaramdam ng init pero kinalma niya ang sarili. Kailangan pa nilang mag-usap ni Brayan bago ang lahat. “Masyado siyang mabait. Masyadong makaluma. Hindi siya ang tipo kong babae. Higit sa lahat, hindi ko magawa sa kanya ang ganito.” Marahan nitong hinimas ang dibdib niyang sapo-sapo nito. Muli siyang napasinghap. Alam niyang nanigas ang korona niyon. “Ganyan pala ang gusto mo, bakit ang tagal mo naman yatang nagtiis sa kanya?” “Hindi iyon ganoon kadali. Mayaman ang pamilya niya ---.” “Mas mayaman pa sa inyo?” agaw niya rito. Tumango ito at napatiim-bagang. “Sa kasamaang-palad. Kailangan pa siya ng pamilya ko pero hindi ko na kayang magtiis sa kanya. Ikaw ang kailangan ko.” Anito at walang babalang sinakop ang kanyang labi. Saglit lang ang naging halik nito at pinakawalan din ang kanyang labi. Sumiksik naman siya sa dibdib nito. “Kung gayon ay seryoso ka sa akin?” “Seryoso ako sa’yo kung magiging seryoso ka sa akin. Simula ngayon ay ayaw ko ng may ibabang lalaking hahawak o lalapit sa iyo. Sasamain sila sa akin kapag tinangka nilang hawakan ka. Naiintindihan mo ba ako?” matiim siya nitong tiningnan. Mabilis siyang tumango. Ang totoo ay gusto niya ang nangyayari ngayon. Matagal na niyang pangarap si Brayan at gagawin niya ang lahat para sa binata. “Naiintindihan ko. Kung ganon ay pormal na ngang tayo. Pero masyado yatang mabilis.” “Matagal na kitang gusto Ava, hindi mo lang alam.” “Kaya pala hindi mo pinapansin ang mga pagpapapansin ko. Akala ko nga deadma ka sa akin eh.” “Iyon ay dahil sa ex ko. Pero tinatamaan ako, kala mo ba? Kaya nga dinispasta ko na siya para malapitan na kita.” Binitawan nito ang isang dibdib niya at humaplos sa kanyang impis na tiyan. Alam na niya ang susunod na puntirya ng kamay nito. “Sige. Basta mangako kang ako lang din ang babae na gagawan mo ng ganito at ako lang ang babaeng sasamahan mo, nangangako akong hindi na ako lalapit pa sa ibang lalaki.” “Mabuti kung ganon. Ngayon ay gusto ulit kitang angkinin...” iyon lang at mabilis itong kumilos pababa sa may paanan niya. Isang malakas na tawa ang kumawala sa kanyang bibig kasunod niyon ay mahabang ungol ng maramdaman niya ang labi ni Brayan sa bandang ibaba niya. MAINGAY ang buong canteen. Si Ava at mga kaibigan niya ay nasa isang mesa. Katatapos lang nilang magmeryenda. Alam niyang tumitiyempo lang ang dalawa niyang kaibigan para magtanong kung ano ang nangyari kagabi. At tama siya ng marinig na ang naging tanong ni Lexy. “Ava. Ano ba ang nangyari kagabi? Totoo bang kayo na ni Brayan?” si Lexy ang nagtanong. Pilya siyang ngumisi. “Kami na nga. Hindi ko nga rin alam kung ano ang nangyari eh.” “Pero diba may jowa ‘yun na sobrang hinhin?” komento ni Brea.. “Break na raw sila. Nagsawa na raw siya sa kahinhinan ‘nun. Ako raw talaga ang gusto niya. Kaya ayun, kinuha niya ako kay Ricky.” paliwanag niya. “Alam mo bang nagwala si Ricky ‘nung umalis kayo. Kung hindi pa inawat ng mga kasama niya siguradong susundan niya kayo ni Brayan.” Pagbabalita sa kanya ni Lexy. "Akala nga namin ay matatapos na ang party." Nagkibit-balikat lang siya. “Wala naman siyang magagawa kay Brayan. Pare-pareho nating alam na kayang-kaya ng boyfriend ko ngayon ang lalaking iyon.” Umawang ang bibig ni Brea. “Ava.. hindi ka ba naawa doon sa tao? Birthday na birthday niya tapos bri-neak mo.” Umismid siya. “Naawa rin naman pero wala akong magawawa. Si Brayan naman talaga ang gusto ko eh. Tsaka, okay na rin ‘yun. Parang di ko naman alam na popularity at ego lang ang dahilan niya kaya jinowa ako ng lalaking iyon.” “Pero papaano ka nakakasiguro na hindi ganoon si Brayan?” si Brea. “Sikat na si Brayan, Brea baka nakakalimutan mo.” Si Lexy ang sumagot. “Exactly. At sinabi niya kagabing mahal niya ako.” Bumutong-hininga siya. “Hindi nga ako makapaniwala eh.” Sumimangot si Brea. “Ava, lahat naman ng lalaking nagkakagusto sa iyo sinasabing mahal ka nila.” “Pero iba si Brayan.” “Hindi ka man lang nagpakipot?” curious na tanong ni Lexy. Umiling siya. “Hindi. Matagal ko naman na siyang gusto bakit pa ako magpapakipot? Isa pa, baka magbago pa ang isip niya kapag pinatagal ko pa ano? Hindi na uso ngayon ang matagalang ligawan.” “Nag ‘all the way’ kaagad kayo?” nanlalaki ang mga matang dugtong nito. Ngumisi siyang parang proud pa sa nangyari sa kanila ni Brayan. “Bakit pa? Doon din naman ang punta namin diba?” Pumalatak si Brea. “Ava! Nagpakipot ka man lang sana. Kaya lahat ng lalaki dito sa atin gusto kang matikman eh! Tingin nila sa iyo ay napakadali mong maikama.” "Aray ko naman!" kunwa'y daing niya. Iningusan lang siya ni Brea. Prangka na talaga ito simula't-sapul kaya sanay na siya rito. Nagkibit-balikat siya. “Hayaan mo sila. Hanggang gusto lang naman sila eh. Hindi naman silang lahat ay pagbibigyan ko.” Kunwa’y balewalang sagot niya. Pero ang gusto talaga niyang maranasan ay iyong maligawan siya ng maayos ng isang lalaki. Iyong hindi nalang basta-basta hahalik sa kanya at isi-s*x kaagad siya. Pero sino ba ang niloloko niya? Hindi ba at tinanggap na niya sa sariling ganoon siya? Oo at hindi siya ang klase ng babaeng magtatrabaho sa isang bar at magpapa ‘ganon’ sa kung sino-sinong lalaki para kumita lang. Pero wala nga ba talaga siyang pinagkaiba sa mga iyon? Nagkatinginan ang dalawa. “Ava.. alam mo bang sa ginagawa mong ito ay baka wala ng seseryoso sa iyong lalaki?” sumeryosong sabi ni Brea. Nagkibit-balikat siya. Batid niya ang nais nitong tukuyin at alam din niya na may posibilidad na nagsasabi ito ng totoo. Pero ano ba ang pakialam niya. Isa pa, kung talagang mayroong magmamahal sa kanya ng totoo ay tatanggapin kung ano talaga siya. Iyon ang pananaw niya. “Ava, makinig ka sa akin. Please lang. Humanap ka na ng matinong lalaking totoong mamahalin mo at magmamahal sa iyo. Kaibigan mo kami at ayaw ka naming nakikita na hinahamak ng ibang tao dahil sa mga ginagawa mo.” may himig-concern na sabi pa ni Brea. Ngumiti siya sa mga ito. “Girls, masaya ako na nakatagpo ako ng mga totoong kaibigang kagaya ninyo. Totoo iyon at mahal ko kayo. Alam ko rin na nandiyan kayo parati para sa akin. Pero malaki na ako at alam ko na ang ginagawa ko. Huwag niyo akong alalahanin dahil kaya ko ang sarili ko. Isa pa, alam niyo namang sa simula palang ay si Brayan na ang mahal ko diba? Malalaman ko naman kung totoong mahal niya ako kapag tinanggap niya ako kahit ganito ako.” Mahabang pahayag niya. Muling nagkatinginan ang dalawa. “E paano kung hindi?” hirit ni Lexy. “Paano kung ginagamit ka lang niya?” sumunod si Brea. “E di nganga!” tumawa siya ng malakas. Pero ang totoo sa loob-loob niya ay masasaktan siya. Sino ba ang taong hindi masasaktan kapag ang taong mahal mo ay hindi ka naman totoong mahal at ginagamit ka lang diba? Nagyuko siya ng ulo para itago ang lungkot sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD