Kabanata 3 - Panloloko at Kamatayan

3255 Words
MAHAROT na sumasayaw si Ava sa gitna ng dancefloor sa bar na iyon. Sa bar na iyon din siya nagtatrabaho. Tapos na ang kanyang shift kaya malaya na siyang gumalaw sa dancefloor. Hindi iyon ang klase ng bar na may mga sumasayaw na babae sa harap ng mga lalaki kundi isang bar na pinupuntahan ng mga sosyalero at sosyalerang gustong uminom o magliwaliw. Pawisan na siya dahil kanina pa siya nagsasayaw. Kasayaw niya sa dancefloor ang ibang mga kakilala sa bar din na iyon na pulos babae. Sa di kalayuan sa isang mesa ay nanonood sa kanya si Brayan habang prente itong nakaupo. Habang gumigiling ay mapang-akit na sinenyasan niya ang nobyo ng isang daliri para lapitan siya. Ngumisi lang ito at saka umiling. Hindi ito mahilig sumayaw. Alam niyang nakainom na ito dahil kanina pa roon ang binata. Mag-iisang buwan na rin simula ng magkaroon sila ng relasyon ng binata at masasabi niyang maayos ang kanilang pagsasama. Nararamdaman niyang seryoso sa kanya si Brayan at maging siya ay nagseryoso na rin dito. Nang mula sa likuran niya ay may humapit sa kanyang beywang. Napatingin siya roon. Isang foreigner na payat at matangkad ang nakita niya sa kanyang likuran. “Excuse me ---.” Akmang itutulak niya ito subalit lalo siya nitong hinapit palapit sa katawan nito. “Hey baby, wanna dance with me?” anang foreigner saka iginiling ang balakang nito sa balakang niya. Sasagot palang sana siya ng biglang may umigkas na kamao sa harap nito. Sapol sa mukha ang foreigner. Sumadsad sa semento ang lalaki at nahawi ang mga tao. “Hey! What’s your problem man?!” malakas na sigaw ng foreigner. “Ungas!” sa halip ay galit na sigaw rin ni Brayan dito. Napatingin siya sa lalaki na mukhang dumugo na ang ilong habang si Brayan ay hinila ang isang kamay niya. “Umalis na tayo dito.” Anitong kinaladkad siya paalis sa dance floor. “Teka. Nagsasayaw pa ako.” “Mamaya ka na sumayaw sa harap ko. May kailangan tayong puntahan.” Patuloy ito sa paghila sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang umagapay dito. Dinig pa nila ang malakas na boses ng foreigner pero wala na silang pakialam doon. “Saan ba tayo pupunta?” tanong niya ng tuluyang makaagapay sa binata. Sandali lang siya nitong pinukulan ng tingin. “Malalaman mo rin.” Nagsalubong ang mga kilay niya dahil wala siyang alam na lakad nila ngayong gabi. Saan naman siya planong dalhin ng binata? Gayunpama’y sumunod nalang siya rito. Baka trip lang nitong mag-road trip nanaman kagaya ng ibang gabing ginagawa nila. Nilisan nila ang bar at sumakay sa kotse nito. Nasa kotse na sila ng tanungin ulit niya ang binata. “Saan ba tayo pupunta Bray?” “Birthday ng pinsan ko ngayon. Siya ang pinakamatalik kong pinsan.” Mula sa daan ay pinukulan siya nito ng tingin. Tumango-tango siya. “Ganon ba? Nakilala ko na ba siya?” kampanteng sumandal siya. “Hindi pa.” Matipid nitong sagot. “Ah.” Hindi na siya nagtanong pa. May tiwala siya kay Brayan simula ng maging sila. Isang bagay lang ang napansin niya rito. Masyado itong seryoso at hindi masyadong nagsasalita kanina pa. Pagkalipas ng kalahating minuto ay tumigil ang sasakyan sa isang mataas na pero abandonadong building. Sumilip siya sa windshield sa harap ng sasakyan at binistahan ang lugar. “Anong gagawin natin dito Bray?” hindi niya alam pero bakit parang tumayo ang balahibo niya. Pinatay nito ang makina ng sasakyan kasunod niyon ay namatay rin ang ilaw sa harap. “Nandito ang pinsan ko. Ewan ko ba doon. Dito napiling mag-celebrate ng gagong ‘yun. Halika na.” Anitong nauna ng lumabas. May pag-aalinlangan na lumabas na rin siya ng sasakyan. Nagpalinga-linga siya sa paligid pero wala siyang makitang mga sasakyan. Indikasyon na walang ibang taong naroroon. “Wala yatang ibang tao Bray. Are you sure dito ang lugar?” nagsimula na siyang magtaka. Ano nanaman ba ang trip nito ngayon? “Yes, I’m sure. Halika na. Baka nauna lang tayo o sa ibang side sila nag-park.” Kinuha nito ang isang kamay niya at pumasok na sila sa gusali. Pagpasok sa building ay umakyat sila sa 3rd floor gamit ang hagdan. Palinga-linga siya sa loob habang naglalakad sila. At habang tumataas ang inaakyat nila ay lalong nadaragdagan ang kaba niya. Hindi niya alam kung para saan ang kabang nararamdaman niya. Siguro ay dahil gabi na at madilim at silang dalawa lamang ang nakikitang tao niya ng mga sandaling iyon. “Bray, wala yatang tao. Ano ba talaga ang ginagawa natin dito?” kung doon nito trip gawin ngayon ang palagi nilang ginagawa sa kama ay ayos lang sa kanya. Pero bakit doon pa at talagang nakakatakot ang lugar. “Maghintay lang tayo. Baka parating na rin ang mga ‘yun.” Anitong nagpalakad-lakad sa gitna ng floor na iyon. Noon sila nakarinig ng ugong ng mga paparating na sasakyan. Ilang sandali pa ay tinig na ng mga lalaking paakyat sa kinaroroonan nila. Naghintay silang pareho sa mga iyon.Hanggang sa tumambad ang mga lalaki. Apat sa mga iyon ay kilala na niya dahil tropa ito ni Brayan habang ang isa ay hindi pa niya nakilala. Maaring ito ang pinsan na sinasabi nito. “Pare, pasensiya ka na kung na-late kami. Ito kasing si Marco, hindi pa tapos sa pagsisinghot ---.” “Tumigil ka diyan Marco! Nandito si Ava. Baka malaman niyang lulong ka sa bawal na gamot, magsumbong pa ‘yan.” Si Tony. Isa pang tropa ni Brayan. Narinig niyang nagsindi ng lighter ang isa pang lalaki na ang pangalan ay Kier. Ito ang pinakatahimik sa lahat pero sa tingin niya ay pinaka-mailap at matindi kung magalit. Nagsindi ito ng sigarilyo na nakapasak sa bibig. Narinig naman niyang tumawa si Louie. Ang ikaapat sa tropa ng mga ito. May napansin siya sa itsura ng mga ito sa tulong ng liwanag ng buwan. Mukhang nakainom ang grupo ni Brayan. Hindi lang iyon. Mukhang bangag ang mga ito. Hindi niya alam pero bigla siyang naalerto. Maya-maya’y lumapit si Brayan sa lalaking hindi niya kilala at umakbay dito. “Ano pinsan, ready ka na ba?” tanong nito sa lalaki. Ngumisi ang tinawag nitong pinsan. “Kanina pa. Siya ba ang regalo mo sa akin?” pinukulan siya nito ng tingin. Kumibot ang mga kilay niya. Tumango si Brayan. “Siya si Ava. Girlfriend ko. Pero ngayon ko lang siya ipapahiram sa iyo dahil birthday mo at paborito kitang pinsan.” Tuluyang nalukot ang mukha niya dahil sa sinabi ng nobyo. “Anong sinasabi mo Brayan? A-Anong ipapahiram?” “Ah, Ava. Ito si Loyd, pinsan ko. Birthday niya at nangako akong reregaluhan ko siya ng isang bagay na hinding-hindi niya makakalimunta habang-buhay. At ikaw iyon.” Nanlaki ang mga mata niya. “Ano? Anong ako iyon? Anong sinasabi mo?” sunod-sunod niyang tanong. “Ngayong gabi ay ipapahiram kita sa kanya. Pero huwag kang mag-aalala. Ngayong gabi lang naman. Bibigyan ko lang ng kasiyahan ang pinsan ko. Gusto kong paligayahin mo siya. Tayo pa rin at boyfriend mo pa rin ako.” Saka ito bumaling kay Loyd. “Ano pinsan? Ang ganda diba?” Nakakalokong ngumisi si Loyd. “Sobrang ganda! At seksi pa. Siguradong mag-eenjoy ako ngayong gabi.” Pinagkiskis pa nito ang dalawang palad. Nahigit niya ang paghinga sa tinatakbo ng sinasabi ni Brayan. Iisa lang ang alam niya ngayon. Gusto nitong sipingan niya ang pinsan nito kahit sila pa! “Ano? Brayan! Naloloko ka na ba? Hindi ako papayag! Ano ako laruan na puwede mong ipahiram? Hindi ako laruan! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari.” Protesta niya. Nagsimula siyang magalit. Namula ang mukha niya. “Wala ka ng magagawa. Nakakompromiso na ako kay Loyd.” Binalewala nito ang pagpoprotesta niya. “Ava. Huwag ka ng mag-inarte na para kang isang virgin diyan. Alam naman nating lahat dito na natikman ka na lahat ng lalaki sa campus. Kami nalang ang hindi pa.” Napatingin siya kay Tony na nagsalita. Binalinga ito ni Brayan. “Mga sira ulo! Pinsan ko lang ang gagalaw sa kanya ngayon at hindi kayo. Malilintikan kayo sa akin kapag ginalaw niyo siya, naiintindihan niyo ba ako?” “Hindi! Hindi ako papayag. Gusto ko ng umuwi Brayan. Uuwi na ako. At gusto kong sabihin sa iyong tapos na tayo.” Ngayon ay alam na niyang nasa delikadong lugar at sitwasyon siya. Ang kabang nararamdaman niya ay hindi nalang takot sa lugar kundi sa puwedeng mangyari sa kanya anumang sandali. Kailangan na niyang makaalis doon kung ayaw niyang mangyari ang kinatatakutan niya. Nagsimula siyang humakbang pero pagdaan niya sa tapat ni Brayan ay mabilis nitong hinablot ang buhok niya. Pakiramdam niya ay nalagasan siya ng buhok. “Aray! Brayan! Nasasaktan ako, bitiwan mo ako!” hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya. Sa halip na pakawalan ay hinila pa siya nito. Lalo siyang nasaktan. “Hindi ka aalis. Dito ka lang. Hindi ka aalis hanggat hindi mo nabibigyan ng kasiyahan ang pinsan ko. Naiintindihan mo ba, Ava?” Nagsimulang mangilid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Please, pakawalan mo na ako. Gusto ko ng umuwi.” Nagmakaawa siya dito. Kung hindi siya nito pakakawalan ay siguradong may hindi magandang mangyayari sa kanya. Pero hindi siya pinakinggan ni Brayan. Nang tingnan niya ang mukha nito ay namumula rin ang mga mata nito. Mukha itong lango sa ipinagbabawal na gamot. Hindi niya alam kung kailan ito gumamit ng ganoon. Siguro ay kaninang nagsasayaw siya. Oo at isa siyang haliparot na babae pero kahit kailan ay hinding-hindi siya gumamit ng bawal na gamot. Mahal pa rin niya ang sarili sa kabila ng pagiging ganoon niya. At hindi porke malanding babae ang tingin sa kanya ng mga tao at ng tropa ni Brayan ay hahayaan na niyang pagsalit-salitan ng mga ito ang katawan niya. Isinalya siya nito kay Loyd na agad namang siyang nasalo. Kasabay niyon ang pagsapo nito sa kanyang dibdib. Napasigaw siya. Narinig niya ang tawanan ng mga lalaki sa paligid niya. “Hayaan mo na akong matikman ka. Ngayon lang naman.” Ani Loyd at sinibasib siya ng halik sa labi. Mabilis siyang nakaiwas kaya sa leeg niya tumama ang mukha nito. Lalo niyang narinig ang tawanan ng mga ito. Nagpumiglas siya ng nagpumiglas kesehedong mahubaran na siya sa suot niyang masikip na tube. Ilang beses siyang natapilok at parang matutumba dahil sa suot niyang high heels pero dahil hawak siya ng lalaki ay hindi siya tuluyang bumabagsak. “Brayan! Bakit mo ginagawa ito? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit ngayon ay hinahayaan mong gawin sa akin ito ng ibang lalaki.” Nagsimulang tumulo ang luha niya. Walang emosyong sumagot ito. “Hindi ibang lalaki si Loyd, Ava. Pinsan ko siya.” “Hayop ka! Mga hayop kayo! Pakawalan niyo ako! Gusto ko ng umuwi.” Sa kabila ng pag-iyak ay nanlisik ang mga mata niya. Muli ay nagpumiglas siya at nanlaban. Kailangan na niyang makawala sa mga ito. Ang takot niya kanina ay lalong nagdagdagan. Kung hindi siya makakaalis sa lugar na iyon ay hindi niya alam kung aabutan pa siya ng sikat ng araw. Sa itsura ng mga ito ngayon ay mukhang walang gagawing maganda ang mga lalaki kanya. Ang mga sumunod na eksena ay siyang gabing hinding-hindi makakalimutan ni Ava. Nang hindi siya makawala sa mga kamay ni Loyd ay kinagat niya ang isang brbaso nito dahilan para mapaaringking ito sa sakit. Kinuha niya ang pagkakataon at tinapakan niya ang paa ng lalaki. Nagawa pa niyang kumawala sa kamay ni Loyd at nakatakas sa mga lalaki subalit malalakas ang mga ito at mabibilis. Bago siya tuluyang makaalis sa palapag na iyon ay nahabol pa rin siya. Naramdaman niya ang pagkapunit ng damit niya sa marahas na paghablot sa kanya ni Tony. Ang lalaking humarang naman sa harap niya ay sinampal siya ng malakas na walang iba kundi si Louie. Natulig ang kanyang teynga sa lakas ng pagkakasampal sa kanya. Naramdaman nalang niya ang mga kamay na naglalakbay sa kanyang katawan. “Brayan... ayoko na. Uuwi na ako. Pakawalan niyo na ako...” pakiusap niya kay Brayan. Naramdaman niya ang pagkahapo ng kanyang katawan. Pero hindi siya dapat panghinaan ng loob. Lumapit sa kanya si Brayan at tumigil sa harap niya. Hinawakan nito ang pisngi niya pagkatapos ay pinisil. “I’m sorry Ava pero hindi ka na namin mapapakawalan pa. Siguradong magsusumbong ka na.” Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi! Hindi ako magsusumbong. P-Pangako. B-Basta pakawalan niyo lang ako. Walang makakaalam ng pangyayaring ito. Mananahimik ako. Basta Brayan, pakawalan mo lang ako... nakikiusap ako.” Patuloy ang naging pag-iyak niya. Takot na takot na siya. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng takot kagaya ng ganito. “Sa tingin mo ay maniniwala ako sa iyo?” “Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ginagawa ito? Mahal kita. Totoong mahal kita. At nasasaktan ako sa ginagawa mong ito.” Inilapit nito ang mukha sa kanya at mahinang nagsalita. “Walang lalaking seseryoso sa iyo, Ava. Tandaan mo iyan.” Natulala siya sa lahat ng sinabi nito. Ang mga salitang pinakawalan nito ay parang blade na sumugat sa kanyang pagkatao - sa kanyang puso. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa kanyang puso ay wala pa sa sakit ng katawan niya ngayon. Hindi siya kailanman minahal ni Brayan. Ng taong totoong minahal niya. Ngayon niya napagtanto ang lahat. Ginagamit lang talaga siya nito kagaya ng sinabi sa kanya ng mga kaibigan. Pinaniwala siya ng pagmamahal niya rito na mamahalin din siya nito. Ah! Ang sakit-sakit! Sobrang sakit na para siyang sinasaksak sa puso. “H-Hindi mo ako minahal k-kahit kaunti?” tanga siya dahil itinanong pa niya iyon. Mapakla itong tumawa. “Siguro meron naman akong naramdaman sa iyo kahit kaunti. Pero ang isang kagaya mo ay hindi kaseryo-seryoso. At hindi ka matatanggap ng pamilya ko. Pareho naman nating alam na hindi rin magtatagal ang relasyon natin, hindi ba?” “K-Kung ganon, pakawalan mo nalang ako. Ako na ang lalayo sa iyo.” Ilang beses siyang humikbi. Umiling-iling ito. “Pasensiya ka na pero hindi na kita mapapakawalan pa. Hala sige. Kayo na ang bahala sa kanya. Tutal ilang beses ko na siyang natikman. Sa ibaba muna ako.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito. “Brayan!” malakas niyang tawag dito. “Huwag mong gawin sa akin ito! Mahal kita! Please, pakawalan mo ako!” Pero hindi na siya pinakinggan ng lalaki. Iniwan siya nito sa kamay ng mga lalaking nakapalibot sa kanya. “Paano ba ‘yan mga bro, mauna na ako.” Narinig niya ang boses ni Louie. “Anong mauuna ka? Ako muna dahil sa akin siya iniregalo ni Brayan.” Boses iyon ni Loyd. Marami pa siyang narinig na mga salita sa mga lalaking nakapalibot sa kanya pero wala na roon ang focus niya. Ang gusto lang niya ay makatakas doon kaya inipon niya ang lahat ng natitirang lakas para makatakas. Bagamat namamanhid na ang pakiramdam niya sa ginagawa ni Brayan sa kanya at pakiramdam niya ay pinatay nito ang kanyang puso ay gugustuhin pa rin niyang mabuhay. Hangga’t may hininga siya ay hindi siya magagalaw ng mga ito. O mamamatay na muna siya bago magawa ng mga ito ang gusto sa kanya. Nagwala siya at nagpumiglas ng sunod-sunod. Kinalmot niya ang mukha ng mga lalaking nagtatangkang humawak sa kanya. Ginawa niya ang lahat para makawala sa kamay ng mga lalaki at nagtagumpay siya. Nang makawala ay tumakbo siya ng tumakbo kahit nakandapa-dapa na siya. Mabilis na rin ang t***k ng kanyang puso at hinihingal na siya. Sabog sabog na ang buhok niya sa kanyang mukha at basang-basa na ng pawis ang buong katawan niya. Pero ng akala niyang makakalayo na siya ay muling may humablot sa buhok niya. Umaringking siya sa sakit. Kasunod niya ay naramdaman niya ang pagpukpok ng kung ano sa kanyang ulo. Nahilo siyang bigla at parang mawawalan ng malay. Nagsimulang manlabo ang kanyang paningin. “P-Pakawalan niyo na a-ako...p-pakiusap..” pinilit niyang dumilat kahit papikit-pikit na siya dahil sa sakit na nararamdaman sa kanyang ulo. Hindi pa doon natapos ang sakit dahil isang suntok pa sa sikmura ang naramdaman niya bago siya tuluyang bumagsak sa semento. “Sira ulo ka ba? Bakit mo pinukpok sa ulo. Papaano kung mamatay iyan?” boss iyon ni Louie. Ang pumukpok sa kanya ay si Kier. “”Anong problema kung mamatay siya? Diba doon din naman ang punta niya?” walang emosyong balik-tanong ni Kier. “Pero huwag na muna ngayon. Papano pa tayo makakapag-happy happy kung papatayin mo kaagad siya? Ayokong makipag-s*x sa patay gago!” Nagkatawanan ang mga nakapaligid sa kanya. Habang nakahiga ay naramdaman niya ang pagsipa sa kanyang katawan. Pumalibot sa kanya ang mga lalaki. “Parang nawalan na ako ng gana sa isang ito. Ang pangit na ng itsura niya.” Tinig iyon ni Tony. “Oo nga. Iwan nalang natin siya dito.” Si Louie. “Kayo? Balik tayo sa club. Maraming chicks doon na mas maganda at fresh na fresh.” “Sige. Pero paano ito?” Si Marco. “Iwan na atin 'yan. Ano sa tingin niyo?” boses iyon ni Loyd. “Paano kung makatakas?” si Marco ulit. “Sa tingin mo sa itsura niyang ‘yan makakatakas pa siya? Isang sipa nalang diyan ay mamamatay na ‘yan.” “Sige. Pero para makasiguro ---.” Isang pukpok ulit sa kanyang ulo ang naramdaman niya bago pa natapos ni Marco ang mga sasabihin. Pakiramdam niya ay lalagutan na siya ng paghinga. Paisa-isa nalang din ang pagsagap niya ng hangin. “Wala ka talagang patawad, Kier! Talagang tinapos mo ang buhay niya ha.” Malakas na palatak ni Marco. Marahil ay inisip ng mga itong tuluyan na siyang nalagutan ng hininga dahil halos hindi na siya kumikilos. “Tara na. Bahala kayong magpaliwanag diyan kay Brayan.” Sabi ni Loyd. Naramdaman niya ang pagkawala ng mga nakapaligid sa kanya. Nawawalan na siya ng malay pero pilit niyang ginigising ang sarili sa kabila ng sakit na nararamdaman. Hindi pa siya maaring mamatay. Pero wala ng maaring tumulong sa kanya sa lugar na iyon. At hindi na niya kayang tumayo. Alam din niyang dugo na ang umaagos sa kanyang mukha dahil sa pagpukpok sa kanyang ulo. Masakit na masakit na rin ang kanyang katawan at anumang oras ay talagang mawawalan na siya ng malay. Isang tao ang pumasok sa kanyang isip ng mga sandaling iyon. Sa kabila ng nanlalabong mata ay naaninag niya ang bag niya ilang metro ang layo sa kanya. Hirap na hirap na gumapang siya palapit doon. Taon para sa kanya ang lumipas bago niya naabot ang kanyang bag. Nang maabot ang gamit ay kinuha niya ang kanyang cellphone na nakalimutang kunin ng mga lalaki. Malapit ng ma-lobat iyon pero nag-dial siya ng numerong kabisadong-kabisado niya. Alam na niyang malapit na siyang mawalay ng malay. At hindi niya alam kung magigising pa siya. Habang hinihintay niyang sumagot sa kabilang linya ay kinausap niya ang Diyos. Lord, kung naririnig mo po ako ngayon, gusto ko pong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Hindi ko po alam kung mabubuhay pa ako pagkatapos ng lahat ng ito. Kayo na po ang bahala sa akin.... Eksaktong natapos siya ay saka sumagot ang tinatawagan niya. “H-hello..” Sa mabagal at mahinang tinig ay nasabi niya sa kausap ang mga gustong sabihin. Eksaktong matapos siya ay tuluyang pumikit ang kanyang mga mata at nawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD