INILALAPAG ni Savana ang mangkok ng pulutan ni Louie at Marco sa mesang nasa harap ng mga ito. Nag-uusap ang dalawang lalaki habang nasa harap ang mga alak na beer. Kunwari ay wala siyang pakialam sa usapan ng dalawa subalit ang totoo ay nanlalaki na ang mga teynga niya. “Ano ba talaga ang dahilan at bigla mo akong pinapunta dito? E magkikita naman tayo sa sabado kina Tony.” Si Marco kay Louie. Bago pa sumagot si Louie ay pinuna siya ni Marco. “Bakit nakatayo ka pa riyan? Nakikinig ka ba sa usapan namin?” maaskad singhal sabi sa kanya. “N-Naku hindi ho sir. E baka may ipag-uutos pa po kasi kayo.” Napapakamot sa ulong sagot niya. “Wala na. Umalis ka na dito.” taboy nito sa kanya. “S-Sige ho sir.” Pero bigla ulit siyang tinawag ni Marco. Mabilis siyang pumihit paharap dito. “Bakit h

