Kabanata 11 - Masakit Na Panga

1175 Words
NASA tapat ng pinto ng masters bedroom si Ava. Siya ang inatasan ni Gracia na manggising kay Marco. Bilin pala nitong gisingin ito pagsapit ng alas dose at tulog pa ito. Gusto nga niya itong patayin bakit pa niya kailangang gisingin. Sa una ay tumanggi siya pero kunwari lang iyon. Sinabi pa niyang nahihiya pa siyang makaharap ang amo nilang lalaki. Pero ang totoo ay gusto na talaga niyang makaharap ang lalaki. Kaya ngayon ay siya ang nakatayo sa pinto. Umangat ang isang kamay niya at kumatok ng tatlong beses. Naghintay siya kung may sasagot. Pero wala. Muli siyang kumatok. “Sir, gumising na ho kayo. Pasado alas dose na po.” Malakas pero may kontrol niyang sabi. Sapat para marinig ng tao sa loob. Pinanatili niya ang boses bilang Savana. Tumikhim pa siya pagkatapos dahil masakit sa lalamunan ang ginagawa niyang pagpapalit ng boses sa totoo lang. Pero muli ay walang sagot mula sa loob. Nagpasya na siyang pumasok sa silid. Marahil ay tulog pa rin ang lalaki. Pero bago niya iyon ginawa ay may kailangan siyang gawin. May umilaw na ideya sa kanyang isip. Saglit siyang luminga sa paligid at tiniyak na wala roon isa man sa mga kasama nila sa bahay. Si Melissa ay hindi pa nakakauwi pero nagpasundo na ito kay Adonis kaya umalis ulit ang lalaki. Hindi pala nito ginamit ang sariling sasakyan. Tatlo ang sasakyan sa bahay na iyon. Isang van ang kasama ng dalawang sasakyan na nakita niya kanina sa garahe. Iyon ang ginamit ng mag-asawang kasama niyang kasambahay kaninang nag-grocery ang mga ito. Habang si Gracia ay abala sa paghahanda ng tanghalian ng amo nilang lalaki. Nang matiyak na walang tao roon ay muli siyang tumapat sa pinto. Saka niya inangat ang mahaba niyang palda sa bandang likod. Ang laylayan niyon ay inipit niya sa maikli niyang cycling shorts na kulay itim. Para bang sumabit lang ang palda niya roon. Sa ginawa niyang iyon ay nakita ang mahahaba, maputi at makinis niyang mga binti. Perpekto ang hugis ng mga legs niya sa totoo lang. Sigurado siyang luluwa ang mga mata ni Marco kapag nakita ang mahahaba niyang biyas. Tingnan ko lang kung hindi ka maglaway sa mga binti kong hayop ka. Kasama sa plano niya ang akitin ang lalaki. Dahil kailangan nitong mahulog sa mga kamay niya. Nang handa na siya ay tuluyan na niyang binuksan ang pinto. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Naramdaman niya ang lamig sa kanyang binti pero bale-wala iyon sa kanya. Kailangan nitong mahulog sa kanyang bitag hanggang sa hanap-hanapin at maadik na ito sa kanya. At kung kinakailangan niyang gamitin ang sariling katawan ay gagawin niya. Hanggang sa tuluyan na itong mabaliw sa kanya at sundin ang lahat ng kanyang nais. Isa lang ang challenge sa kanya ngayon. Kung papatulan ba siya ni Marco sa kanyang itsura. Pero dahil alam niyang manyakis ito ay maaring kumagat ito sa plano niya. Legs palang niya ay siguradong makukuha na niya ang atensiyon nito. Iyon ang plano niya rito at sa lahat ng grupo ni Brayan. Marahan at walang pagmamadaling naglakad siya patungo sa kama at dumukwang upang gisingin ang amo. Ang himbing pa rin ng tulog nito. Pero bago niya ito ginising ay isang bagay nanaman ang naisip niya. Mabilis niyang inalis ang kanyang salamin maging ang kanyang nunal. Inayos din niya ang kanyang pekeng bangs at iginilid iyon para mas lalong makita ang kanyang mukha. Inalis niya ang pakakatirintas ng kanyang buhok kaya sumabog iyon sa kanyang likod. Ngayon ay lumitaw ang mukha niya bilang Ava. Si Ava noong mahaba pa ang buhok niya. Saka siya muling dumukwang sa lalaki. “Sir... Sir Marco... gumising na ho kayo. Pasado alas dose na ho.” Aniyang niyugyog ang katawan nito. Umungol lang si Marco. Kumilos ito subalit ni hindi man lang nagmulat ng mga mata. Naiikot niya ang mga mata. Kahirap mo palang gisingin. Kung papatayin pala kita ngayon ay wala ka nang magagawa. Napatingin siya sa unan na nasa tabi nito. May urge na gusto niya iyong itakip sa mukha ng lalaki hanggang sa hindi na ito makahinga at patayin nalang doon. Pero gusto pa niya itong mahirapan. Gusto pa niya itong malulong sa kanya. Hindi ito mamamatay ng ganoon-ganoon lang. Mabilis niyang inalis ang tingin sa unan at ibinalik kay Marco. “Sir... gising na. Malilipasan po kayo ng pagkain. Nakahanda na ho ang tanghalian niyo sa ibaba. Diba may lakad pa po kayo? Nagpapagising kayo sa ganitong oras eh.” Mas malakas niya itong niyugyog na tipong kahit braincells nito ay magigising na. Kung puwede lang ay ilaglag na niya ito sa sahig. Sa mga oras na iyon ay talagang sumusulak na ang dugo niya rito kundi lang matinding pagpipigil ang ginagawa niya. Muling umungol si Marco pero sa pagkakataong iyon ay dahan-dahan na itong nagmulat ng mga mata. Bumakas din ang iritasyon sa mukha nito. “Ano ba?! Natutulog pa ako eh! Bakit ba nang-iistorbo kayo? Malilintikan ka sa akin kung sino ka mang ---.” Bigla itong natigilan. Para pa siya nitong inaninag nang tuluyan siyang makita ay napabalikwas ito ng bangon at napaurong. “A-Ava? Ava!” rumehistro ang matinding pagkagulat sa mukha nito pagkatapos ay bumakas ang matinding takot sa mukha niyon. Kasabay niyon ay namutla rin ang mukha nito. “A-Ava... I-Ikaw ba t-talaga iyan?” hindi magkandatutong bigkas nito. Itinuro siya nito na para bang nakakakita ito ng multo. Ngumisi siya saka pinasindak niya ang itsura. “Ako nga Marco.” Buong-buo at malamig ang boses na sagot niya. Pinagpawisan ng malapot si Marco. “D-Diba p-patay ka na. P-Pinatay ka na namin... imposibleng b-buhay ka pa...” kumilos ito at nagsumiksik sa headboard ng higaan. Takot na takot na ang itsura nito at anumang sandali ay tatakbo na palabas ng silid. Mala-demonyong pinag-ibayo niya ang pagngisi saka nanlisik ang kanyang mga mata. “Tama ka. Pinatay niyo nga ako. Mabuti at naalala mo pa. Hindi na ako mahihirapang ipaalala sa iyo. At nandito ako para maghiganti sa inyo! Magdasal ka na dahil katapusan mo na!” iyon lang at buong lakas na binigwasan niya ito ng suntok sa mukha. Kasabay ng pananakot niya rito ay nanggagalaiti siya kaya talagang malakas ang pinakawalan niyang suntok. Hindi pa naglilipat ang segundo ay nawalan ito ng malay. “Ang tigas ng mukha mo!” Nakakuyom pa rin ang kamao niyang ngumisi siya. “Tama iyan sa’yo hayop ka! Kilala mo pa rin pala ako. Mabuti kung ganoon.” Aniya rito. Saglit pa niya itong pinagmasadan saka mabilis na ibinalik ang Savana look niya. Nanggigigil talaga siyang makaganti rito kaya tinakot at sinapak niya ito. Kung magising ito ay palalabasin niyang nananaginip lang ito. Kahit pa siguradong iindahin nito ang suntok na pinakawalan niya. Mabilis siyang sinapian ng pagiging Savana Butete niya. Sa ikalawang pagkakataon ay ginising niya ito. Groggy pa itong nagmulat ng mga mata. Para pa itong naduduling na tila may mga ibong nagliliparan sa itaas ng ulo nito. Pagkakita sa kanya ay muli itong napabalikwas. “S-Sino ka?!” mataas ang boses na tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD