Kabanata 14 - Multo sa Sala

2501 Words
HALOS sumubsob si Marco Del Rio ng buksan niya ang main door ng kanilang bahay. Mabuti nalang at nagagawa pa niyang balansehin ang sarili. Pakapa-kapa na siya sa puwede niyang mahawakan huwag lang siyang mangudngod sa marmol na semento. Papaano ay lasing na lasing siya. Galing siya sa bahay ng kaibigang si Brayan Ellazar. Kasama niya roon ang iba pa nilang tropa at minsan sa isang buwan ay nagkikita-kita sila. Si Brayan ay college mate niya at buo pa rin ang barkada nila kahit ilang taon na ang lumipas. Alam ni Marco na tulog na ang mga tao sa bahay na iyon. Gustuhin man niyang sumigaw para may tumulong sa kanyang umakyat sa kuwarto nila ay hindi na niya ginawa. Una ay wala na siyang lakas pa. Ikalawa ay siguradong mag-aaway lang nanaman sila ni Melissa kapag nambulabog siya ng ganong dis-oras ng gabi. Hindi sa natatakot siya sa asawa subalit ayaw lang niyang magkaroon ng dahilan para magising pa ito. Alam kasi niyang sa mga oras na iyon ay tulog na tulog na ito at hindi na siya hinintay pa. At dahil doon ay may plano siyang gawin. Isang bagay ang pumasok sa kanyang isip na kanina pa hindi nawawala habang nnasa inuman sila. Hindi na niya isinindi ang ilaw sa sala pagkapasok niya ng bahay nang sa gayon ay hindi siya makakuha ng atensiyon. Sa halip ay may ibang bagay siyang puntirya. Naglaro ang kislap ng kasamaan sa kanyang mga mata ng maisip si Savana. Gusto niya itong makuha ngayong gabi. At pupuntahan niya ito sa silid nito. Naisip niya si Savana at ang magaganda at makikinis nitong mga binti. Hindi na nawala pa sa utak niya ang mahahaba at mabibilog nitong mga biyas simula pa kaninang nakita niya iyon. Nakaramdam siya ng paglalaway ng maalala ang nakita niyang binti nito kanina. Halos lumuwa ang mga mata niya ng aksidenteng makita niya ang mga bilugan nitong hita. Gustong-gusto niya iyong dakmain kanina pero nag-ingat pa rin siya. Bago palang ito at ayaw niya itong umalis kaagad. Pinaka-weakness pa naman niya ang magaganda at mahahabang biyas ng mga babae. At kay puti-puti! Hindi niya akalaing ganoon kagagaganda ang mga binti ni Savana. Napakalayo sa itsura nito sa totoo lang. Ah! Kapag tinikman niya ito ay hindi nalang niya titingnan ang babae. Magfofocus nalang siya sa pag-araro rito habang hinihimas-himas niya ang makinis nitong binti. Inilabas niya ang dila at binasa ang kanyang labi. Hindi na siya makapaghintay na makarating sa kuwarto ng babaeng iyon. Kung hindi lang siya lasing na lasing at susuray-suray ay baka kanina pa siya naroroon. Ilang katulong na ba nila ang ilang beses na dumarating at umaalis din. Iyon ay dahil sa kamanyakan niya sa mga ito. Aminado naman siya roon. May mga itsura kasi ang nakakapasok sa kanilang katulong. Hindi niya alam kung nakakatunog na ang asawa niya, kaya siguro pangit na ang pinili ni Melissa para hindi na niya manyakin at para hindi na lumayas. Wala kasing alam si Melissa kung bakit lumalayas nalang bigla ang mga nagiging katulong nila. Kapag nagtatanong ito ay wala namang mga isinasagot. Nagpapatay-malisya lang siya. Pero mukhang nagkamali ito kay Savana. Dahil pamatay ang legs nito. At weakness niya ang legs kaya hindi talaga niya palalampasin si Savana. Hindi rin kasi niya mapigilan ang sarili kapag nakakakita siya ng seksi at makinis na babae. Wala siyang pakialam sa itsura ng mga ito. Ang gusto lang niya ay katawan ng mga ito. Magandang-maganda na ang asawa niyang si Melissa. At nakukuha niya ang lahat ng gusto rito. Marami silang mga ginagawa at acrobats sa kama. At kung saan-saan nagsi-s*x kapag pareho silang ginanahan. Pero gusto pa rin niyang makatikim ng ibang putahe at hindi pa siya nagsasawa sa ibang babae. Isang bagay na lihim niya sa asawa. Si Melissa ay anak ng kaibigan ng mama niya. Ipinakilala sila ng mga ito at ginawang mag-asawa para mag-merge ang negosyo ng bawat pamilya. Na siyang ginagawa na ngayon. In short, walang romance o pagmamahal ng ikasal sila. Pero compatible sila pagdating sa kama. Sa side ni Melissa ay may mga salon ang pamilya nito habang ang pamilya niya ay gumagawa ng mga produkto na pampaganda. Sa mga nakalipas na buwan ay hindi maganda ang sales nila at kailangan nila ng isang bagay na maaring magbalik sa kanila sa sirkulasyon. Mag-iisang taon palang sila ikinakasal ng asawa niya. Wala siyang naging pagtutol dito sa una dahil talagang nakapaseksi nito at napakaganda. Hindi niya ito tinanggihan. Hindi rin naman ito tumanggi. Isa lang ang ayaw niya rito. Bagamat wild ito sa kama ay masyado itong mabait pagdating sa ibang tao. Bagay na hindi niya masyadong nagugustuhan talaga. Pero sa nakita niyang binti kanina ni Savana ay iyon na yata ang may pinaka-magandang binting nakita niya sa tanang buhay niya. Mas maganda pa sa binti ni Melissa. Palibhasa ay matangkad si Savana kahit tagilid ang mukha nito. Kaya hindi niya ito palalalampasin. Sisiguraduhin niyang makukuha niya ang perlas ng silangan nito at natitiyak niyang magugustuhan nito ang gagawin niya. Kapag hindi ito pumayag? Tatakutin niya ito at gagawin niya rito ang gusto. Hinding-hindi siya magsasawang himasin ang mga legs nito. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin at pasuray-suray siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang sentro ng sala. Nang bigla siyang matigilan. Nahagip ng kanyang paningin ang isang bulto na nakaupo sa isang single sofa sa sala. Pinalaki niya ang mga mata upang mabistahan itong mabuti. Puta! Mukhang may gising pa. Hindi ko magagawa ang gusto ko kay Savana. Naiinis niyang sambit. “Melissa, i-ikaw ba iyan? Hik.” Suminok siya dala ng kalasingan. Hindi siya nakarinig ng sagot mula sa bulto. Naglakad siya palapit dito. “Bakit gishing ka pa? Hik. At k-kailan mo pa ako hinintay sha pagdating ko sha gabi? Ha? Ashawa ko.” Patuloy niya itong inaninag hanggang sa tuluyan niya itong malapitan. Umangat ang isang kamay nito na tila ba iniaabot sa kanya. Napangisi siya. Inabot niya ang kamay nitong nakalahad. “Nasasabik na ako sa iyo Marco, kaya hinihintay kita rito.” Malanding sagot ni Melissa. Lumuwang ang pagkakangisi ni Marco. Mukhang hindi si Savana ang maaararo niya ngayong gabi kundi ang kanyang asawa. Pero ayos lang iyon. Masarap na masarap pa rin naman talaga si Melissa. At mukhang sa sala nito gustong gawin ang acrobats nila. Walang problema. Binitiwan niya ang kamay nito. Tinungo niya ang mahabang sofa at pabagsak na umupo roon. Mukhang hindi pa talaga niya magagawa ang nais kay Savana pero ayos lang. Marami pang araw. At naroroon si Melissa. Mukhang handang ibigay ang pangangailangan niya bilang lalaki. Agad naglaro sa kanyang isip ang hubad na katawan ng asawa. Nakaramdam kaagad siya ng libog sa kanya. Maging ang kanyang pagkalalake ay tumigas ng ganoon kabilis. “Aaahh.. ganoon ba? Kung ganon ay ano ang gusto mong gawin natin?” Hindi sumagot si Melissa sa halip ay tumayo ito. Hindi pa rin niya maaninag ang mukha nito dahil tumapat ito sa likod ng liwanag dahilan para lalong matakpan ang mukha nito. “Gusto kong romansahin mo ako rito, Marco.” Humaplos ang mga kamay nito sa kanyang dibdib. “Dito? Sa sala? Mukhang nasabik ka nang gawin ulit natin ang mga ginagawa natin dito ha.” tumawa siya. “Hubaran mo ako kung ganoon.” Tumalima ito. Habang hinuhubaran siya ay nagsalita ito. “Oo. Dito mismo sa sala. Gusto kong angkinin mo ako rito ngayon din.” Anito habang dahan-dahang inilapit ang katawan sa kanya. Hanggang sa kumandong na ito sa kanya. Lalong tumigas ang kanyang pagkalalake ng maramdaman ang puwetan nitong pumatong roon. “Pero puwede bang huwag na nating sindihan ang ilaw. Alam mo na. Baka lumabas iyong mga kasambahay kapag nakitang maliwanag dito. Madatnan pa tayong nangangabayo ako sa ibabaw mo habang nilalamas mo ang s**o ko.” Malanding humagikhik ito. “Gusto mo ba iyon?” Maluwang siyang napangisi. Ang landi-landi talaga ng asawa niya. Isa pa iyon sa nagustuhan niya rito. Wala itong kiyeme pagdating sa s*x. “Hayaan mo kung makita nila tayo. E di mainggit sila.” “Marco...” “Pero gusto ko iyong mangangabayo ka sa ibabaw ko habang nilalamas ko ang s**o mo. Nararamdaman mo ba itong ari ko ngayon. Ang tigas-tigas na oh. Ang landi-landi mo kasi eh.” Idiniin niya ang katawan nito sa kanyang ari. Napaungol ito. Ungol ng nasasarapan. Dahil sa ungol nito ay lalong tumaas ang estado ng kalibugan niya. Ah. Hindi na siya makapaghintay na pasukin ang masarap nitong p********e. Nawala na sa isip niya si Savana. “Marco... gusto ko nang romansahin mo ako ngayon.” Napapaungol na sambit pa nito. Iginiling niya ang balakang para mas lalo nitong maramdaman ang tumitigas niyang pagkalalake. “Kung iyan ang gusto mong gawin asawa ko. Puwes, halika na at roromansahin na kita.” Mabilis niyang sinapo ang maumbok nitong pang-upo saka iyon pinisil-pisil. Inilapit pa niya ang mukha sa leeg niya at sinamyo ang amoy nito. “Iba yata ang amoy mo ngayon Melissa. Mas mabango ang pabango mo ngayon.” Sininghot-singhot pa niya ang leeg nito. Nang hindi siya makatiis ay inilabas niya ang dila at dinilaan ang leeg nito. “Aaahhh... Marco..” “Ah! Ang bilog-bilog talaga ng puwet mo, Melissa. Akalain mong naka-jackpot ako sa iyo.” Aniya sa pagitan ng pagsibasib sa leeg nito. Humagikhik ito. “Jackpot din naman ako sa iyo ah. Magaling na magaling ka sa kama. Magaling kang magpaligaya ng babae. Kaya nga hindi na ako makapaghintay at dito na kita hinintay sa ibaba.” “Kung ganoon ay heto. Lasapin mo ang sarap ng romansa ko.” Pinaglandas niya ang mga kamay sa katawan nito. Ang luwang ng naging ngiti niya ng mapisil ang boobs nitong walang suot na bra.” Naramdaman niya ang u***g niyon. Lalo siyang nalibugan nanaman dahil doon. “Hmmnn... tayong-tayo pa rin talaga ang s**o mo Mel. Ganito ang gusto ko.” Akmang ipapasok na niya ang kamay sa loob ng damit nito ng pigilan siya ng isang kamay nito. “Huwag kang masyadong mabilis Marco. Dahan-dahan lang. Hindi iyan mawawala.” Inilagay nito ang kamay niya sa puwetan nito. “Iyan muna ang himasin mo. Mamaya na itong s**o ko.” “Sige. Kung ito ang gusto mo para lalo akong pasabikin ay susunod ako sa iyo. Pero humanda iyang mga s**o mo mamaya.” Hindi ito sumagot. Muli niyang hinawakan ang balakang nito at lalong idinikit sa katawan niya. Kahit lasing na lasing ay malakas pa rin ang sistema niya pagdating sa pakikipag-s*x. Kahit pa hindi na niya masyadong naaaninag ang mukha nito. Ilang beses na niya iyong napatunayan kapag niroromansa niya si Melissa nang lasing siya. Sa puntong iyon ay init na init na siya at gusto na niyang pasukin ang asawa. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. “Ang bango-bango ng asawa ko. Ang sarap mo sigurong kainin ngayon.” Sinamyo niya ito ng sinamyo. Akmang ilalapit niya ang mukha sa mukha nito para halikan niya pero umiwas ito. Saka niya narinig na muli itong nagsalita. “Handa na ako Marco...” “Handa ka nang araruhin ko?” “Hindi. Handa na akong patayin ka!” nagbago ang boses ni Melissa. Naging seryoso at mabalasik. Nawala ang kalandian nito kanina lang. “Anong sinasabi mo?” napaurong ang mukha niya at tinitigan itong mabuti. Bahagya siyang nagising ng kaunti mula sa kalasingan. Pag tingin niya sa mukha nito at matagal na tinitigan ay saka niya naaninag ang mukha nito. Kinusot pa niya ng ilang beses ang mga mata para makasiguro. Kasabay ng pagkabigla niya ay nanlaki ang mga mata niya na halos lumuwa na. “A-Ava?” bumakas ang matinding takot sa kanyang mukha. Sa sobrang pagkabigla niya ay napatayo siya subalit hindi niya iyon magawa dahil nakakapit na sa kanya ang babae. Kitang-kita niya ang mukha ni Ava Dela Vega. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata. Ang babaeng napatay nilang magkakaibigan ng gabing iyon dahil sa sobrang kagustuhan nilang maka-score dito. Si Ava na naging nobya ni Brayan. Si Ava na ibinaon na nila sa limot pagkatapos ng ilang taon. “Ako nga Marco! Ako nga si Ava.” Nakakahindik ang boses nito. Mas lalo pang tumalim ang mga mata. “P-pero imposible! P-Patay ka na...” pilit niyang inilalayo ang katawan dito. Tuluyan na siyang nahulasan mula sa kalasingan. Nawala na rin ang kalibugan niya sa katawan. Ang pumalit ay ang matinding takot. Iniisip niyang isa lamang itong multo at minumulto lamang siya ng kaluluwa nito. Pumiksi siya ng pumiksi. Pero hindi niya ito maalis sa kanyang kandungan. “Hindi imposible Marco Del Rio. At totoong patay na ako. Pinatay niyo ako, hindi ba? At oo. Isa nalang akong multo. Multo na bumangon sa hukay para patayin ka!” Naramdaman niya ang mga kamay nitong humawak sa kanyang leeg. Bago pa niya mamalayan ay sinasakal na siya nito. Hinawakan niya ang mga kamay nitong sumasakal sa kanya habang nagpupumiglas siya. “Layuan mo ako. Halimaw ka! Lumayas ka rito sa pamamahay ko! Demonyo!” Humalakhak ang multo ni Ava. Nakakatakot iyon at nakakangilo. Lalo siyang namutla ng maramdaman niya ang matatalas nitong mga kuko sa kanyang leeg. Alam niyang isang kilos lamang niya ay masusugatan na siya. “Ikaw ang halimaw dahil sa ginawa mong pagpatay sa akin! Hayop ka! Kayo ng mga kaibigan mo. Papatayin ko kayong lahat! Hindi ako titigil hanggat hindi niyo nararanasan ang lahat ng pinagdaanan ko. Magsisisi kayong pinatay ninyo ako! Kayo ang demonyo!” Pinilit niya itong alisin sa kanyang katawan subalit mahigpit ang pagkakayapos ng mga paa nito sa kanyang beywang. Gamit ang natitirang lakas ay tumayo siya. Pero dahil galing siya sa kalasingan at muli siyang natumba sa sofa kasama ang multo ni Ava. Ni hindi man lang ito natinag sa pagkakahawak sa kanya. “Bitiwan mo ako! Isa ka nalang multo! Layuan mo ako!” sigaw niya. Sa pagkakataong iyon ay gusto na niyang makakuha ng atensiyon ng mga kasama sa bahay. Lalo pa niyang nilakasan ang boses. “Paptayin kita ngayon din! Mamatay ka Marco! Lahat kayo ng mga kasama mong pumatay sa akin. Papatayin ko kayong lahat! Hinihintay ka na ni Satanas! Tanggapin mo ang kamatayan mo!” “Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako walanghiya ka! Isa kang kampon ng demonyo!” Tumawa si Ava na hindi pala si Melissa. Nakakatakot ang tawa nito. Ang lakas-lakas na ng kabog ng kanyang dibdib at pinagpapawisan na siya ng malapit. Nanginginig na rin ang katawan niya. Ang lahat ng balahibo niya sa katawan ay nakatayo na sa tindi ng sindak na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng hangin sa baga. Nang bigla itong tumigil sa pananakal sa kanya. “Ava?” Mala-demonyong nginisihan siya nito. “Hindi mo pa oras para sumama kay kamatayan.” Pagkarinig niyon ay naramdaman niya ang isang malakas na impact sa kanyang mukha. Sapol ang kanyang ilong. Iglap lang ay bigla siyang nawalan ng malay. Hindi na niya alam pa ang mga sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD