MULA sa kisame ay inalis ni Ava ang pagkakatutok ng tingin doon. Bigla siyang bumangon at sandaling naupo sa kanyang kama. Pagkuwan ay kinapa ng kanyang mga paa ang tsinelas na pambahay na gamit niya sa sahig saka iyon isinuot.
Hindi siya makatulog. Sinipat niya ang alarm clock sa lamesitang malapit sa kanyang kama. Pasado alas onse na ng gabi. Siguradong tulog na tulog na ang mga tao sa kabahayang iyon dahil tahimik na tahimik na ang paligid. Kanina pa siya nakatulala lang at nakatitig sa kisame. Hindi dumadalaw sa kanya ang antok. Mulat na mulat ang kanyang mga mata kanina pa kahit gusto nang magpahinga ng kanyang katawan. Marahil ay namamahay siya dahil iyon ang unang gabi niya sa bahay ng mga Del Rio.
Pero sino ang lolokohin niya? Ang totoo ay maraming mga bagay ang samu’t-saring naglalaro sa kanyang isip kanina pa. Ngayong nandito na siya sa tirahan ng isa sa mga taong paghihigantihan niya at nasa kamay na niya ang buhay nito ay tila ba nagkaroon siya ng mumunting katanungan sa sarili.
Kailangan ba talaga niyang gawin iyon? Kailangan ba talaga niyang pumatay ng tao para lamang maghiganti? Kailangan ba niyang gamitin kahit ang sariling katawan para lamang mapagbigyan ang nais?
Naalala niya ang kamanyakang ginawa ni Marco kanina sa kanya nang nasa loob sila ng silid nito. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang lapirutin at baliin ang kamay nitong pumipisil sa kanyang hita pero nagpaubaya siya. Nandidiri siya at nasusuka. Iyon ang totoo. Pero hinayaan niya ito.
Ngayon ay naisip niya, kailangan ba talagang mahawakan ng lalaking iyon ang katawan niya para lang mangyari ang kanyang paghihiganti? Ilang beses ba niya itong hahayaan na hawakan siya kahit gusto na niya itong isuka? Kung kamay palang nito ay nasusuka na siya, papaano pa ang mga kasama nitong hahawak sa katawan niya?
Tumigil ka Ava! Ilang taon mong hinintay ang pagkakataong ito. Ilang sakripisyo na ang ginawa mo at paghihirap para makarating sa araw na ito. Ngayong nandito ka na sa lungga ng isang taong pumatay sa iyo ay wala ng urungan pa.
Sila rin ang dahilan kung bakit namatay ang Lola Iska mo. At kung bakit naghirap ang kapatid mo. Dapat ay walang puwang ang awa at kabaitan sa puso mo sa mga taong sumira ng pagkatao mo.
Ipinilig niya ang ulo. Tama ang isang bahagi ng isip niya. Hindi siya nagpalakas ng isip at katawan para lamang itigil ang gagawin niyang paghihiganti. Hindi siya naghanda ng ilang taon at nagmatyag sa mga taong ito para lamang pairalin ang kanyang pagiging pusong mamon. Kagaya nga ng sinabi niya sa sarili bago pa siya pumasok sa bakuran ng mga Del Rio – point of no return.
Nagpasya siyang lumabas ng silid para magmasid at magmatyag sa paligid. Iyon na ang pagkakataon para mag-check ng mga CCTV cameras kung mayroon sa bahay na iyon. Tutal ay hindi naman siya makatulog. Hindi naman niya iyon maaring itanong kay Gracia dahil baka iba ang isipin nito. Pero sisimplehan pa rin niyang magtanong kung may pagkakataon.
Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto. Hindi na siya nag-abalang isuot ang kanyang wig bilang Savana maging ang nunal niya at salamin. Kung sakaling may gising pa sa mga kasama roon ay magtatago nalang siya kaagad. Naiirita na kasi siya sa ‘costume’ niya sa totoo lang. Kung sakaling makuhanan naman siya ng CCTV kung mayroon man ay magpapanggap nalang siyang isang multo na bumibisita kay Marco. Natawa siya sa naisip. Alam niyang wala pa si Marco sa bahay na iyon dahil hapon na ito umalis kanina. Si Melissa ay pasado alas dos dumating kaninang tanghali at sinundo ito ni Adonis. Hindi siya nagtatanong sa lakad ng mag-asawa at wala siyang pakialam doon.
Tahimik na binuksan niya ang pinto at maingat rin iyong isinara. Ayaw niyang lumikha ng anumang ingay sa paligid. Kinipkip niya ang suot na damit pantulog – pajama at malaking t-shirt – habang naglalakad papunta sa kusina. Pero bigla siyang napahinto ng may marinig.
“Aaahhh! Aaahhh!”
Nanlaki ang kanyang mga mata kasunod niyon ay nagsalubong ang mga kilay niya.
Ano ‘yun? Tanong niya sa sarili.
Nagpatuloy siya sa paghakbang habang pinapalaki ang mga teynga. Muli niyang narinig ang boses. Paglingon niya sa bandang kaliwa niya ay eksaktong tumapat siya sa pinto ng silid nila Gracia at Adonis.
“Aray ko! Aaahhh! Sige pa Adonis. Gusto ko pa... aaahhhh!”
Tumikwas na ang isang kilay niya. Nabosesan kaagad niya si Gracia. Medyo malakas ang boses nito kaya dinig na dinig niya.
Ano ba siya? Nasasarapan ba siya o nasasaktan? Para kasing nasasaktan ang boses nito pero parang nasasarapan din.
Curious na lumapit siya sa pinto at idinikit ang teynga sa dahon niyon.
“Ano ba talaga ang gusto mo? Sabi mo nasasaktan ka pero gusto mo pa rin.” Narinig niyang boses ni Adonis.
“Ang sakit naman ng ginawa mo Adonis eh! Puwede bang huwag ganyan?” malinaw na narinig niya ang boses ni Gracia. May pagdaing ang tinig nito.
Napatuwid si Ava ng tayo at napatitig sa pinto. Halos magsalubong na ang mga kilay niya. Babalewalain sana niya ang naririnig subalit biglang may lumagabog sa loob at napaatras siya. Kasunod niyon ang malakas na pag-ungol ni Gracia.
“Ooohhhh! Adonis! Ang sakiiiitttt! Aaahhh!!!”
“s**t! Anong nangyayari sa loob?” Hindi na maipinta ang mukha niya nang mga sandaling iyon. Hindi kaya sinasaktan ni Adonis si Gracia? Hindi iyon maari! Hindi siya papayag na may lalaking mananakit ng kapwa niya babae. Malilintikan sa kanya ang Adonis na ito!
Nagbago ang hilatsa ng mukha ni Ava at nabahiran iyon ng galit.
Kalmahin mo ang sarili mo Ava. Kung papasukin mo sila sa loob ay hindi mo kailangang kunin ang atensiyon nila Marco at Melissa. Kailangan mo lang sapakin si Adonis. Pagkatapos ay kunin mo na si Gracia. Kayang-kaya niya ito kahit mukhang mas matangkad ito sa kanya ng isang pulgada.
Huminga siya ng malalim saka bumilang ng tatlo. Pagkatapos ay humakbang palapit sa pinto. Hinawakan niya ang seradura niyon at pinihit pabukas saka niya bahagyang itinulak ang pinto. Kakaunti palang ang pagkakawang niyon ng muli siyang matigilan. Sa pagkakataong iyon ay boses naman ni Adonis ang nariring niya.
“Ang sarap-sarap mo talaga mahal! Kahit ganyan ang mukha mo ay sarap na sarap pa rin ako sa iyo. Ummmm...”
Nagsalubong nanaman ang mga kilay niya. Bigla siyang napahinto sa tangkang pagpasok sa loob. Sa puntong iyon ay dinig niya ang malakas na pagsinghap ng dalawa. O mas tamang sabihing habol ng dalawa ang paghinga ng mga ito. Mas malinaw na rin niyang naririnig ang boses ng mga ito.
“Ang daya mo eh! Sarap na sarap ka riyan habang ako nasasaktan.” Reklamo ni Gracia pero sa huli ay humagikhik naman ito.
“Masakit ba talaga? Maingat naman itong daliri ko ah. Tsaka palagi ko namang kinakalikot itong kepay mo. Dapat ay nasasanay ka na. Basang-basa ka na ulit, mahal. Gusto na ulit kitang pasukin ngayundin.”
Natutop niya ang bibig. Diyata at nagroromansahan ang dalawang ito. Mukhang nagkamali siya ng akala sa nangyayari sa loob.
“Hindi ka pa ba napapagod? Nakatatlo ka na ah. Pero sige. Kanina pa nga ako basang-basa eh. Pero gusto ko pang kainin mo ako. Diyan ka muna sa ibaba.”
Tuluyang naitakip ni Ava ang isang palad sa mukha. Nagroromansahan nga ang dalawa. Pero kahit gusto niyang umalis sa kinatatayuan ay para siyang itinulos doon.
“Sige. Sisisirin ulit kita.” Narinig niya ang tunog ng isang pagpatalo. Marahil ay si Adonis iyon na pinalo si Gracia kasunod niyon ay napahiyaw ang babae. “Ang tambok-tambok ng pepe mo mahal, ang sarap romansahin. Um!”
Humagikhik si Gracia. “Talaga ba Ado? Ikaw naman, kahit madalas e tatanga-tanga ka. Sobrang sarap mo namang rumomansa. Ummm! Sige pag-igihan mo pa iyang pagkain diyan. Dalhin mo ako sa langit ngayong gabi.”
Tuluyan na siyang napangiwi. Umalis ka na riyan Ava kung ayaw mong makarinig pa ng kung ano-ano! Sita niya sa sarili.
“Gupitin mo na itong buhok dito mahal. Pati itong mga ito e nakakakain ko na eh. Ang haba-haba niya. Ang hirap sumisid. Kailangan ko pang hawiin ang mga baging sa kuweba mo.” Muli ay boses ni Adonis.
Muntik siyang mapabungisngis sa narinig.
“Aaahh! Hamo’t magti-trim ako bukas, mahal. Para bukas ng gabi ay mas masarap ang kain mo riyan.”
“Sabay nalang tayong maligo bukas. At ako ang mag-aalis nito. Sa ilalim ng shower. Kung gusto mo.”
“Ummm! Sira! Wala namang shower sa banyo natin.”
“E di magtabo tayo. Buhusan mo tayo ng tubig habang inaahitan kita.”
“Puwede-puwede. Sige. Bukas sabay tayong maligo. Bilisan mong kumain diyan at mamaya ay gusto kong pasukin mo na ako. ”
“Sige heto na Gracia ko. Sisisid na ako.”
“Uuhhh! Nakikiliti ako Adonis. Aaahhh! Ang sarap! Ahi-hi.” Ilang sandaling narinig niya ang mga ungol na nasasarapan si Gracia. “Teka, tama na iyan. Gusto ko nang maramdaman iyang t**i mo sa kepay ko. Halika na!”
“Ang bulgar mo talagang magsalita Gracia. Ang landi-landi mo!”
“Ahihi. Gusto mo naman mahal. Sige na. Romansahin mo na ako.”
Bago pa makarinig si Ava ng kung ano-ano ay mabilis na niyang kinabig pasara ang pinto. Sa wakas ay nagawa rin niyang kumilos. Namumula na ang buo niyang mukha ng mga sandaling iyon. Marami siyang narinig na hindi dapat. At pakiramdam niya ay nahimasukan niya ang privacy ng dalawa. At kung nagpadalos-dalos pa siya ay baka nagulantang pa ang mga ito. Baka makita pa niya ang hindi dapat makita.
Pagkalapat ng pinto ay iiling-iiling na natutop niya ang dibdib.
“May s*x life din pala ang dalawang ito. At mukhang magkasundong-sundo pa. Tsk. Tsk.”
Sa huli ay napapangiti nalang siya sa mga narinig. Tuluyan na niyang iniwan ang sili at dumiretso sa kusina.