Kabanata 9 - Hello, Marco!

1183 Words
PALAKAD-LAKAD si Ava sa kusina habang abala ang kanyang isip sa mga susunod niyang gagawin. Ngayon ay nasa loob na siya ng pamamahay ng isa sa lalaking pumatay sa kanya. Maari na niyang gawin ang nais gawin dito. Maari na niya itong patayin! Walang magiging sagabal at walang tao. Wala pa ang mga kasambahay ni Melissa at nakaalis na rin ang babae. Subalit hindi niya iyon hahayaang maging madali para kay Marco. Hindi niya hahayaang maging mabilis ang paghihirap nito. Puwede niya itong paputukan ng baril habang natutulog ito dahil may bitbit siyang baril sa pagpunta niya roon. Pero masyado niyong mapapadali ang buhay ng hayop na lalaki. Kailangan nitong maramdaman ang mga sakit na naramdaman niya ng gabing iyon. Kailangan nitong maramdaman ang unti-unting pagkamatay nito. Kagaya ng naramdaman niya dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya. Mula sa pabalik-balik na paglalakad ay bigla siyang tumigil at lumabas ng kusina. Nadaanan niya ang sala at nagdire-diretso siya sa hagdan paakyat sa second floor. Ito palang ang pagkakataon na mararating niya ang ikalawang palapag. Hindi pa siya nadala roon kanina ni Melissa. May oras pa siya para magmatyag sa bahay na iyon. Malaya pa siyang makakagalaw. At tulog si Marco. Walang ingay na dire-diretso siyang umakyat paakyat sa second floor. Habang naglalagay ay pasimple niyang tiningnan kung may mga CCTV sa bahay na iyon. Wala siyang nakita pero kailangan niyang magpakasiguro. Hindi siya maaaring magpadalos-dalos. Sa ibang pagkakataon ay titingnan niya ang lugar. Pagdating sa punong hagdan ay tumigil siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Agad niyang tiningnan sa bawat sulok ng kisame kung may mga CCTV pa rin doon. Wala siyang nakita. At mmay dalawang hallway ang naroroon. Ang isa ay sa kanan habang ang isa ay sa kaliwa. Hindi na nag-iisip na binagtas niya ang kaliwang hallway. Wala siyang partikular na bagay na hinahanap. Basta gusto lang niyang malaman kung ano ang nasa itaas ng bahay na iyon. At para maging pamilyar na rin siya. Dalawang silid ang nasa bahaging iyon ng bahay. Sa unang pintong nadaanan niya ay binuksan niya iyon. Pagbukas niya ay sumalubong sa kanya ang katahimikan. Bakante ang silid. Saglit lang niyang iginala ang tingin doon at isinara na rin ang pinto. Hindi siya interesado sa itsura ng mga silid kahit maganda pa ang mga iyon. Sumunod niyang pinasok ang isa pang silid subalit bakante rin iyon kagaya ng una. Marahil ay guest rooms ang mga naunang napasok niya. Nagpasya siyang pumunta sa kanang hallway. Maingat pa rin ang kanyang paglalakad dahil ayaw niyang kumuha ng atensiyon – kahit wala namang tao roong gising na kagaya niya. Sa kanang hallway ay nadaanan niya ang isang parang maliit na sala roon. May set din doon na mga upuan. May malaking glass window doon na marahil ay puwedeng lumabas dahil parang may terrace doon. Verandah marahil. Hindi niya iyon masyadong pinansin. Nagpalinga-linga siya sa paligid at napansin niya ang dalawang pinto din. Isa sa bandang unahan niya at isa sa bandang dulo. Nagpasya siyang unahin ang nasa dulo. Pagtapat sa pinto ay dahan-dahan niyang hinawakan ang seradura niyon at maingat na maingat na pinihit kagaya ng ginawa niya sa mga nauna kanina. Nang bumukas iyon ay dahan-dahan niyang itinulak pabukas ang pinto. Narinig kaagad niya ang mahinang tunog ng aircon at ang lamig niyon na sumalubong sa kanya. Nahinuha kaagad niyang iyon ang master’s bedroom. Ipinagpatuloy niya ang pagbubukas ng pinto. Nang tuluyan iyong bumukas ay tumambad sa kanya ang puting-puting kuwarto. Lahat ng bagay sa silid na iyon ay puti. Maluwang ang silid at hindi lang doble o trible niyon ang silid niya sa bahay na iyon. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Alam na niya kung sino ang naroroon ng mga sandaling iyon. At tama nga siya. Dahil agad nakita ng kanyang mga mata ang isang lalaking nakahiga sa gitna ng kamay na nasa gitna din ng silid. Walang iba kundi si Marco. Kilalang kilala pa rin niya ang pagmumukha nito kahit mas nag-mature na ang itsura nito. Nakatihaya ito at mukhang tulog na tulog dahil sa pantay nitong paghinga. Nakahubad ito at tanging brief lang ang suot nito. Maingat siyang naglakad palapit sa kama. Nang nasa paanan na siya niyon ay tumigil siya. Tingnan mo nga naman. Ang sarap ng tulog mo riyan. Ano kaya kung tuluyan ko nang pasarapin ang tulog mo? Ano kaya kung huwag na kitang hayaang magising. Para kapag gising mo ay nasa impiyerno ka na. Nagtagis ang mga bagang ni Ava. Unti-unting nabuhay ang kagustuhang patayin na niya ito. Kumuyom ang kanyang mga kamao at nanumbalik ang mga alalala ng gabing iyon. Sumulyap siya sa mahabang unan na nasa tabi nito. Maari niya iyong gamitin para patayin ito at hindi na kailangan ng baril. Kung magigising man ito at pumalag ay wala naman iyong magiging problema. Kayang-kaya niya itong patahimikin sa isang bigwas lang niya rito. “Hayop ka Marco Del Rio sampu ng mga kaibigan mo. Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sa akin. Mamamatay kayong lahat! Mga demonyo!” Mariin at mahinang wika niya. Kung nakamamatay lang ang tingin ay siguradong hindi na humihinga ang lalaki. Matagal niyang pinagmasdan ang natutulog na si Marco. Lalong kumuyom ang kanyang mga kamao at mariin niyang naitikom ang labi. Baka bigla siyang mapasigaw sa labis na galit na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Gustong-gusto na niyang kitlin ang buhay nito sa oras na iyon. Subalit hindi pa maari. Hindi pa iyon ang tamang oras. Huwag kang magmadali Ava. Mamamatay siya sa tamang oras. Hindi pa sa ngayon. Kailangan muna niyang maghirap. At may kailangan ka pa sa kanya. Nanatili lang siyang nakamasid dito ng ilang sandali. Si Marco Del Rio ay halos kasing tanda lang niya. Mas mataas pa siya rito sa height nitong limang talampakan at apat na pulgada. Hindi rin ito masasabing kaguwapuhan. Moreno ito at medyo malaki ang tiyan. Hindi rin malaki ang katawan nito pero hindi rin naman payat. Nagtataka siya kung bakit ito nakapag-asawa ng isang kagaya ni Melissa na napakaganda at napakaseksi at mabait pa. Tamasahin mo na ang ganitong buhay Marc. Lasapin mo na ang lahat ng magagandang bagay dito sa mundoo. Dahil nabibilang na ang araw mo. Hawak ko na ngayon sa kamay ko ang buhay mo. Anang isip niya habang matalim na nakatingin dito. Isa ka sa rason kung bakit nasira ang buhay ko. Kapag pinatay na kita ay magsisisi kang sanay ay hindi mo ako nakilala. Pagbabayaran niyo ni Brayan ang ginawa ninyong pagpatay sa akin. Nang walang ano-ano ay nakarinig siya ng isang busina ng sasakyan. Mukhang sa labas iyon ng bahay nanggaling sa garahe. Natanto kaagad niyang hindi soundproof ang kuwartong iyon. Sa tingin niya ay sina Gracia na iyon. Sandali pa niya itong tiningnan saka walang ingay na lumabas na siya ng silid. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at malalaki ang mga hakbang na narating niya ang sala. Eksaktong makarating siya roon ay saka niya narinig ang ingay ng isang babae na galing sa kusina. Mukhang sa pinto sa kusina dumaan ang mga ito. Mabilis niyang iplinaster ang Savana face niya bago pa siya makita ng mga bagong dating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD