CHAPTER 3: THE BACKSEAT

873 Words
Alas-onse ng gabi. Ang Forbes Park ay balot na ng katahimikan, maliban sa mahinang ugong ng isang Ducati Monster na kanina pa naka-idle sa tapat ng guest house ni Damon. Lalabas sana si Damon para mag-ikot sa kalsada—para itakbo ang lahat ng inis, libog, at pagkakasala na nararamdaman niya simula nang upuan ni Sasha ang Mustang niya kagabi. Pero bago pa man niya maisuot ang kanyang helmet, isang anino ang humarang sa harap ng kanyang motor. "Saan tayo pupunta?" Si Sasha. Suot ang isang maikling leather skirt at isang manipis na tank top na halatang hindi pang-tulog. Ang kanyang buhok ay nakatali ng mataas, inilalantad ang mapuputing balikat na ilang gabi nang pinapangarap ni Damon na kagatin. "I'm going for a ride, Sasha. Bumalik ka sa loob," malamig na utos ni Damon. Ang kanyang boses ay pilit na pinatitigas, pero ang kanyang mga mata ay hindi makaalis sa paraan ng pagtayo ni Sasha—palaban at mapang-akit. "Isasama mo ako," sagot ni Sasha. Hindi ito nagtatanong. Inutusan niya si Damon. "Gusto kong maramdaman ang bilis. Gusto kong makalabas sa hawlang ito kahit sandali lang." "No. Marco will kill me. At delikado ang motor para sa mga tulad mo," banta ni Damon, pero ang kamay niya ay nanginginig na sa pagnanasa na hilahin ang dalaga paakyat sa likod niya. "Natatakot ka ba, Damon?" Isang hakbang palapit si Sasha. "Natatakot ka ba na baka kapag yumakap ako sa'yo, hindi mo kayang kontrolin ang motor... o ang sarili mo?" Damon let out a harsh, dry laugh. Isinuot niya ang kanyang helmet at kinuha ang isa pang spare helmet mula sa compartment. Ibinato niya ito kay Sasha na mabilis namang nasalo ng dalaga."Suit yourself, Little Monteclaro. Pero huwag kang iiyak sa akin kapag mabilis ang takbo," sabi ni Damon bago pinitik ang kickstand. Sumakay si Sasha sa likod ni Damon. Ang upuan ng Ducati ay masikip, dahilan para magdikit nang husto ang kanilang mga katawan. Sa unang dampi pa lang ng dibdib ni Sasha sa likod ni Damon, naramdaman ng lalaki ang isang kuryenteng gumapang sa kanyang buong sistema. "Hold on tight," utos ni Damon, ang boses ay muffled ng helmet pero ramdam pa rin ang awtoridad. Dahan-dahang ipinuwesto ni Sasha ang kanyang mga braso sa bewang ni Damon. Ang mga daliri niya ay bumaon sa matitigas na abs ng lalaki sa ilalim ng suot nitong leather jacket. Ramdam ni Sasha ang bawat muscle ni Damon na humihigpit sa bawat haplos niya. Pinitik ni Damon ang silinyador. Ang ugong ng makina ay tila ba isang dagundong na nanggagaling sa pagitan ng mga hita ni Sasha. Sa bawat rev, nararamdaman niya ang vibration ng motor na tila ba dumadaloy sa kanyang buong pagkatao. Lumabas sila ng subdivision at tinahak ang kahabaan ng EDSA patungong Skyway. Dito, binigyan ni Damon ng laya ang makina. 100... 120... 140 kph. Napayakap nang mahigpit si Sasha. Isinandal niya ang kanyang pisngi sa likod ni Damon, nilalasap ang amoy ng leather, hangin, at ang pamilyar na amoy ng lalaking ito. Ang hangin ay humahampas sa kanila, pero ang tanging nararamdaman ni Sasha ay ang init ni Damon. Sa bawat pagpreno, ang kanyang katawan ay lalong nadidiin sa likod ng lalaki, nararamdaman ang tigas ng bawat kalamnan nito. Nang makarating sila sa isang madilim at bakanteng parking lot sa dulo ng Skyway, huminto si Damon. Hindi niya pinatay ang makina. Hinayaan niya itong umugong, ang vibration ay nananatiling nanunuot sa kanila. Humarap si Damon, tinanggal ang kanyang helmet, at hinila ang helmet ni Sasha. Ang mukha ng dalaga ay mapula dahil sa adrenaline at sa bilis ng takbo. Ang kanyang mga mata ay kumukititap sa saya at kaba. "Masaya ka na?" tanong ni Damon, ang boses ay bahagyang hiningal. "I loved it," bulong ni Sasha. Hindi siya bumaba sa motor. Nananatili siyang nakasandal sa pagitan ng mga hita ni Damon, ang kanilang mga mukha ay magkalapit. "Ang sarap ng pakiramdam... yung vibration ng makina sa ilalim ko. It felt... alive." Damon's gaze darkened. He knew exactly what she meant. He could feel her heart racing against his chest, and he could feel how her body was reacting to the ride—and to him. "You're a brat, Sasha," Damon growled. Hinawakan niya ang hita ni Sasha, ang kanyang magagaspang na daliri ay dahan-dahang gumapang pataas sa ilalim ng leather skirt ng dalaga. "You like the danger, don't you? You like playing with things that can crash and burn." "I like playing with you, Damon," sagot ni Sasha, hinawakan niya ang batok ni Damon at isinubsob ang kanyang mukha sa leeg nito. "Dahil ikaw lang ang nakakapagparamdam sa akin na hindi lang ako isang porcelain doll na kailangang ingatan." Damon couldn't take it anymore. In isang iglap, binuhat niya si Sasha mula sa backseat at inilagay ito sa harap niya, sa ibabaw ng mainit na tangke ng gasul ng motor. Dito, sa gitna ng kadiliman, habang ang makina ay nananatiling mainit at umuugong sa ilalim nila, tuluyan nang nawala ang lahat ng "No-Fly Zone." "Kung babagsak tayo, Sasha, sisiguraduhin kong ako ang unang tatama sa lupa," sabi ni Damon bago niya nilamon ang mga labi ni Sasha sa isang halik na mas mabilis at mas mapanganib kaysa sa takbo ng kanilang motor kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD