CHAPTER 2: NO-FLY ZONE

892 Words
Ang umaga pagkatapos ng nangyari sa banyo ay tila isang malaking hangover para kay Sasha. Hindi dahil sa alak, kundi dahil sa adrenaline at sa lasa ni Damon na tila nakatatak pa rin sa kanyang mga labi. Pagkagising niya, ang unang hinanap ng kanyang mga mata ay ang bintana sa tapat ng pool. Wala ang itim na Ducati. Wala ang usok ng sigarilyo. Isang linggo na ang lumipas simula nang gabi na 'yun, at si Damon Rossi ay naging isang anino. Isang aninong bihasa sa pag-iwas. Kung dati ay madalas itong tumatambay sa kusina ng mansyon para makipag-inuman kay Marco, ngayon ay dadaan lang ito para kumuha ng tool kit o para mag-check ng sasakyan, tapos ay mabilis na maglalaho. "Damon is busy with the club lately," sabi ni Marco habang nag-aalmusal sila. "And the restoration of that vintage Mustang is taking all his time. Sabi ko nga, mag-leave muna siya sa akin, pero ayaw." Napahigpit ang hawak ni Sasha sa kanyang tinidor. Busy? O natatakot? Alam ni Sasha na ang pag-iwas ni Damon ay isang "No-Fly Zone." Isang babala na ang nangyari sa banyo ay isang pagkakamali na hindi na dapat maulit. Pero si Sasha Valderama ay hindi sanay na tinatanggihan. At lalong hindi siya sanay na iniiwan sa ere matapos siyang pasabugin ng isang halik na muntik nang magpaguho sa guest house. Alas-diyes ng gabi. Ang mansyon ay balot na ng katahimikan. Alam ni Sasha na nasa garahe si Damon dahil nakita niya ang ilaw doon mula sa kanyang kwarto. Dahan-dahan siyang lumabas, suot ang isang manipis na oversized t-shirt at cycling shorts—mukhang batang natulog lang, pero ang totoo ay kanina pa siya nag-e-ensayo sa tapat ng salamin kung paano siya titingin kay Damon. Pagdating niya sa garahe, bumandera sa kanya ang likod ni Damon. Nakahubad ito ng t-shirt, tanging suot ay ang maong na pantalon na nakasabit nang mababa sa kanyang bewang, sapat para makita ang V-line na nanggagaling sa kanyang puson. Ang kanyang likod ay basa ng pawis at grasa, ang bawat galaw ng kanyang muscles habang hinihigpitan ang isang turnilyo ay tila ba isang sining. "Nawawala ang susi ng guest house ko," diretsong sabi ni Sasha. Napatigil si Damon. Hindi siya lumingon agad. Nanatili siyang nakayuko sa makina ng Mustang. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago siya dahan-dahang tumayo at humarap. "The spare is with the butler, Sasha. Go to sleep," malamig nitong sabi. Ang kanyang mga mata, na dati ay tila lalamon sa kanya, ay ngayon ay parang yelo sa tigas. "Tulog na ang butler. And I don't want to wake up the whole house," sagot ni Sasha, lumalapit siya nang isang hakbang. Ang amoy ng gasolina at mainit na bakal ay humahalo sa amoy ni Damon. "Is that how it's going to be now? Magpapanggap tayo na walang nangyari? Na hindi mo ako idiniin sa pader ng banyo ko?" Damon's jaw tightened. "Nothing happened, Sasha. It was a lapse in judgment. Lasing ako sa pagod, at ikaw... bata ka pa. You don't know what you're playing with." "Bata?" Isang mapait na tawa ang pinakawalan ni Sasha. Lumapit pa siya, hanggang sa ang kanyang dibdib ay halos dumikit na sa pawisang tiyan ni Damon. "Isang linggo mo akong iniiwasan dahil sa 'lapse in judgment' na 'yun? Damon, I felt how your hands trembled when you touched me. Hindi 'yun lasing. 'Yun ay gutom." Hindi nakapagsalita si Damon. Ang kanyang mga kamao ay nakakuyom sa kanyang gilid, ang mga ugat sa kanyang braso ay tila sasabog na sa tindi ng pagpipigil. "Get out, Sasha," bulong ni Damon. Isang babala. Isang pakiusap. "Huwag mong hintayin na makalimutan ko ulit kung sino ka." "Bakit? Natatakot ka ba na kapag hinawakan mo ulit ako, hindi mo na kayang tumigil?" hamon ni Sasha. Hinawakan niya ang kamay ni Damon at dahan-dahang itinaas ito, idinikit ang magaspang na palad nito sa kanyang pisngi. "The garage is dark, Damon. And I'm scared of the dark. Aren't you going to protect me?" Damon growled, a low, dangerous sound that came from deep within his chest. In isang iglap, binitawan niya ang hawak niyang wrench at hinawakan ang batok ni Sasha. Inilapit niya ang mukha nito sa kanya, ang kanilang mga hininga ay naghahalo na. "You are a Monteclaro. Your brother is my only family. Pinagkatiwala ka niya sa akin," sabi ni Damon, ang boses ay puno ng galit at pagnanasa. "Pero ikaw... ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para sirain ko ang tiwalang 'yun." "Then break it," bulong ni Sasha. "Break everything, Damon. Stop being a mechanic for a second and just be the man who wanted me in that bathroom." Damon didn't kiss her. Hindi pa. Sa halip, idiniin niya ang kanyang noo sa noo ni Sasha. Ang kanyang mga kamay ay dahan-dahang bumaba mula sa batok nito, pababa sa likod, hanggang sa marahas niyang mahawakan ang puwitan ni Sasha at buhatin ito para paupuin sa hood ng mainit pang Mustang. Ang init ng makina sa ilalim ng kanyang hita at ang init ng katawan ni Damon sa harap niya ay sapat na para mawala ang katinuan ni Sasha. "No-fly zone, Sasha," ungol ni Damon sa tapat ng kanyang leeg, bago nito idinikit ang kanyang mga labi doon at nag-iwan ng isang marka na hindi kayang itago ng kahit anong concealer. "Pero mukhang gusto mo talagang bumagsak kasama ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD