CHAPTER 1: The Broken Sink

861 Words
Ang gabi sa Forbes Park ay karaniwang tahimik, pero para kay Sasha, ang katahimikang iyon ay tila isang sumpa. Nakahiga siya sa kanyang kama sa guest house, suot ang manipis na kulay-rosas na silk nightgown. Ang aircon ay nakatodo sa 16 degrees, pero pinapawisan siya. Hindi dahil sa init ng panahon, kundi dahil sa presensya ng lalaking ilang metro lang ang layo mula sa kanyang pader. Si Damon Rossi. Naririnig niya ang bawat kalansing ng mga gamit sa kabilang bahagi. Ang ugong ng makina ng Ducati nito na parang isang hayop na naghahanap ng mapapangil. Limang taon siyang nawala para mag-aral ng ballet sa London, at sa loob ng limang taong iyon, pinilit niyang burahin ang imahe ng best friend ng kuya niya sa kanyang isipan.Pero pagkakita niya rito kanina sa driveway—na pawis na pawis, madumi ang puting t-shirt dahil sa langis, at ang mga tato sa braso na tila mas dumami at mas naging mapanganib—alam ni Sasha na talo siya. Ang disiplinang itinuro sa kanya sa ballet school ay naglaho na parang bula. Click. Tumayo si Sasha. Hindi siya pwedeng ganito lang. Kailangan niyang maramdaman ang init nito. Kailangan niyang malaman kung ang "Little Sasha" pa rin ba ang tingin nito sa kanya. Pumunta siya sa banyo at binuksan ang gripo ng sink. Pinununo niya ito hanggang sa umapaw. Pagkatapos, kinuha niya ang isang maliit na screw sa ilalim ng tubo at pinuwersa itong luwagan. Tulo. Tulo. Tulo.Perfect. Lumabas si Sasha sa balkonahe. Nakita niya si Damon na nakasandal sa kanyang motor, naninigarilyo. Ang baga ng sigarilyo nito ay tila isang maliit na bituin sa dilim. "Damon," tawag niya. Ang boses niya ay malumanay, parang musikang pang-swan lake pero may halong pagnanasa. Lumingon si Damon. Ang mga mata nitong kulay abo ay tila bumaon sa manipis na tela ng suot ni Sasha. Hindi ito sumagot. Humithit lang ito ng sigarilyo at dahan-dahang nagpakawala ng usok. "My sink is broken. It's leaking... and I can't sleep with the noise," pagsisinungaling ni Sasha. Damon looked at his watch. Madaling araw na. "Call the maintenance tomorrow, Sasha. Your brother is sleeping. Huwag kang pasaway." "The maintenance is off. At malulunod ang kwarto ko bago mag-umaga. Unless... you want me to call Marco and tell him you're too busy smoking to help me?" hamon niya. Damon cursed under his breath. Itinapon nito ang sigarilyo at tinapakan. Lumakad ito palapit sa kanya. Ang bawat hakbang nito ay puno ng awtoridad—isang lalaking hindi sanay na inuutusan, pero walang magagawa dahil sa pangalan ng "Monteclaro." "Move," maikli nitong sabi nang makarating sa pinto ng guest house niya.Pumasok si Damon sa banyo. Ang laki nito ay tila lalong nagpaliit sa espasyo. Ang amoy ng grasa at lalaki ay agad na sumakop sa bango ng mga mamahaling sabon ni Sasha. "Asan?" tanong ni Damon. Hindi ito tumitingin sa kanya. Nakatutok lang ang pansin nito sa sink. "There," turo ni Sasha, lumalapit siya nang husto hanggang sa maramdaman niya ang init na nanggagaling sa likod ni Damon. Lumuhod si Damon sa sahig para tignan ang ilalim ng sink. Ang kanyang maong na pantalon ay bumabakat sa kanyang matitigas na hita. Dahil sa posisyon niya, ang kanyang t-shirt ay bahagyang humahatak pataas, nagpapakita ng lower back nito kung saan may nakatato na isang madilim na agila. "Nothing's wrong here, Sasha. Maluwag lang ang valve," sabi ni Damon, ang boses ay parang ungol ng isang leon. "Is it fixed?" tanong ni Sasha, lumuluhod din sa tabi nito. Ang kanyang balat ay bahagyang dumampi sa braso ni Damon. Tila nakuryente si Damon. Mabilis nitong binalingan si Sasha. Ang kanilang mga mukha ay ilang pulgada na lang ang layo. Dito, sa ilalim ng fluorescent light ng banyo, nakita ni Sasha ang mga pilat sa mukha ni Damon—mga pilat na nagbibigay dito ng karakter na hindi makikita sa mga "proper suitors" na ipinapakilala sa kanya ng mga magulang niya. "You're doing this on purpose," bulong ni Damon. Ang kanyang mga daliri, na puno ng langis, ay bahagyang humawak sa panga ni Sasha. "What if I am?" balik-tanong ni Sasha. "Are you going to report me to Marco? Or are you going to finish what you're thinking right now? "Ang pagtitimpi ni Damon ay tila isang manipis na sinulid na biglang naputol. Sa isang iglap, hinawakan niya ang bewang ni Sasha at isinandal ito sa malamig na tiles ng banyo. "I am twelve years older than you, Sasha. I've seen things that would make you cry. I am not a good man. I am a mechanic who fixes broken things, but you... you are too perfect for me to break," galit na sabi ni Damon, pero ang kanyang mga mata ay nakatitig sa labi ni Sasha. "Then break me, Damon. I'm tired of being perfect," sagot ni Sasha bago niya idinikit ang kanyang mga labi sa leeg ni Damon, nilalasap ang alat at ang pait ng balat nito." Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Damon bago nito marahas na sinakop ang mga labi ni Sasha. Wala nang preno, wala nang pag-iingat—tuluyan nang bumigay ang tanging harang na naghihiwalay sa kanila sa loob ng maraming taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD