(02) I Found You

550 Words
"Mabuti nalang at tumigil na ang ulan" I looked up at Kyoa. She's two years older than me. "Kyoa. If we ever find an opportunity to get out of this place. Will you still go with me?" "Oo naman. K-kung may opportunity." Saglit kaming nagtawanan. Will we ever be get out of this place? Noong nakaalis si Jenny akala ko susunod na ako. Basta sumunod lang ako sa mga gusto nila. I even doubt how did she managed to get out? She's more rebellious than me. Unti unti nakikita kong lumalabas ang mga babae sa temple. Sinusundo ng kani-kanilang pamilya. "Susunod na tayo" Ito ang laging sinasabi ni Kyoa sa akin. Pero dumaan ang araw, linggo, buwan, taon. Umabot na ako ng fifteen years. Wala pa ding sumusundo sa amin. Kinalimutan na ba ako ni papa? Ni kuya? "Akala ko magdamag ang ulan. Mabuti nalang at tumila ito kanina bago tayo lumabas." "What is it like in the summit Kyoa"? "Kung sana lang ay mas maaga tayong nakakalabas, baka narating natin iyon at makababa tayo agad" "Nakita mo na ba ang pinapahanap na halaman?" "Ngayon ang season nang pagbulaklak non" Malapit na kami sa grassland nang biglang..... "Milan! Milan!" Sinundan ko nang tingin ang itinuturo ni Kyoa. Agad namin itong nilapitan. "Hindi ba bawal ang pag-akyat ngayon? Araw ng labas natin ngayon. Alam nila ito sa baba" Nanginginig na sambit ni Kyoa. "Milan. Bumalik na tayo wala tayong nakita" "Kyoa, humihinga pa siya." Malapit na dito ang kwebang natagpuan namin ni Kyoa sa paghahanap namin ng mga alternatibong daan pababa. "Dalhin natin siya sa kweba" "P-pero" "Kyoa!" Wala itong nagawa kundi sundin ang utos ko. Dali dali namin itong binuhat at dinala sa kweba. "Iwan na muna natin siya dito. Balikan nalang natin siya sa susunod na labas" "Matagal pa iyon Kyoa. Iwan natin itong mga pagkain" "Pero hahanapin nila ito sa shed" Dapat ay iniwan natin ito bago tayo nagpatuloy sa lakad. Para ito sa baba" "Hindi na mapapansin ito ng mga tribu. Tutal malapit nalang tayo sa temple. Bigyan muna natin siya ng unang lunas." Sa tinagal namin sa temple, tinuruan kami kung paano maglagay ng paunang lunas gamit lamang ang mga herbal. Pinalitan namin ng tela ang damit ng babae pagkatapos namin matakpan ang kanyang sugat. "Ano to? naaksidente? Nahulog? Hindi binalikan?" "Wala ang kanyang gamit Kyoa" "She was robbed!" gulat na sambit ni Kyoa. "Malamang iyon ang pakay. Alam ng lahat ang araw ng labas sa temple. Bakit siya nakalusot na umakyat? May kasama siya. At hindi siya binalikan. Wala ang kanyang gamit. Lahat ng umaakyat ay may mga gamit na dala hindi ba?" "Oo Milan. Kung ganon. Kawawa naman siya" "Matagal pa ang oras ng pagbalik. Pwede pa natin siyang mahintay magkamalay. Hindi ganun kalalim ang kanyang sugat." "Paano kung hindi pa siya magising hanggang mamaya?" "Iiwan natin siya. Babalikan nalang natin" ++++++++++ Ramdam ko ang hapdi sa aking ulo. Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari. Ang alam ko parang may malakas na hampas mula sa likod bago ako bumagsak. "Oo Milan. Kung ganon. Kawawa naman siya" Sino sila? "Matagal pa ang oras ng pagbalik. Pwede pa natin siyang mahintay magkamalay. Hindi ganun kalalim ang kanyang sugat." "Paano kung hindi pa siya magising hanggang mamaya?" "Iiwan natin siya. Babalikan nalang natin" Nasaan ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD