(03) Kyoa

676 Words
"Milan? Saan ka pupunta?" Bakas sa mga mata nito ang pagkagulat. Hindi niya inaasahan na mahuhuli ko siya. Tiningnan niya lang ako ng matagal. Saka siya tumalikod at aambang na aalis. "Hindi na tayo pwedeng lumabas. Kapag nahuli ka-" "Hindi kaya ng konseniya ko Kyoa. Babae siya, tulad natin. Iniwan siya sa gubat, tulad natin-" Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulala sa huling mga sinabi niya. "Iniwan siya sa gubat, tulad natin" *** "Susunod na tayo" Ito ang lagi kong sinasabi kay Milan sa tuwing nakakakita kami ng mga babaeng nakakalabas ng temple. Ngunit, lumipas na ang ilang taon, hindi ito nangyari. Ako si Kyoa. Anak ako ng labandera ng mga Guererro. Pinanganak at lumaki ako sa mansyon nila. Pagkatapos ng dalawang taon, pinanganak si Milan. Ayon sa kwento, nahirapan ang mama ni Milan sa pag-anak nito. Maselan niyang ipinagbuntis at ng kalaunan, namatay pagkatapos nitong mailabas si Milan. Makalipas ang isang taon, nag-asawa uli ang ama niya. Mayroon itong dalawang anak. Anim na taong gulang ako nung nasaksihan ko ang pangyayaring nagdulot ng pagkakatapon namin dito sa bundok. Sa mura kong edad alam ko at naintindihan ko kung ano ang nangyari. Gayunpaman, may maniniwala ba sa akin? Bakit ko kailangang maghirap dito sa loob kasama niya? Itinuring kong nakababatang kapatid si Milan. Bukod sa aking ina, siya lang ang meron ako. Ipinaunawa ng nanay ko na si Milan lang ang natitirang alaala ng matalik niyang kaibigan. Bago namatay ang aking ina, ibinilin niya sa akin na huwag kong tatalikuran ano mang mangyari si Milan. Dahil wala siyang ibang kakampi sa bahay iyon. Maliban nalang sa stepbrother niya. Na nooy itinuturing siyang prinsesa. Ngunit, bakit? Bakit sa nagdaang taon, hindi niya nagawang dalawin ito? Noong unang dating namin dito ay maganda ang trato sa amin. "Her family already disowned her." Nagulat ako sa narinig ko sa head nun. Hindi ko alam na si Milan ang tinutukoy nila. Napagtanto ko lang noong hindi na kami pinapapasok sa regular classes. Palagi kaming nasa labas ng silid sa tuwing nababakante kami sa gawain. Habang tumatagal, lalo kong naiintindihan kung ano ang lugar na ito. Hindi lang siya isang temple lang. Isa itong paaralan kung saan ini-sponsor-an ng mga prominenteng tao sa bansa. Dinadala dito ang mga anak na babaeng panganay. Ipinadala dito dahil hindi siya lalaki. Tine-train nila dito dahil balang araw sila ang papalit sa magulang nila sa negosyo. Yung iba naman ay kapag nakahanap na ang magulang ng mapapangasawa nito. Tulad ni Jenny. Nag iisang anak ng Consugi. Inilabas dito para ipakasal sa mayamang pamilya. "Graduate na si Jenny" saka siya lumingon sa langit. Magaspang ang ugali non pero nagkapalagayan sila ng loob ni Milan. "Sunod na tayo" Kahit alam kong hindi ito kailan man magyayari. "Maghanda nalang tayo sa susunod na season". Season. Ito ang tawag kapag nakakalabas kami ng temple, ngunit hanggang camp site lang. Hindi pa namin naranasan ang makababa sa ranger. Sinabi itong season, ngunit mga tagapagsilbi lang ang nakakalabas. Binalak namin na umalis noon dito. Bukod sa hirap ng mga gawain, kapag nagkamali ka sa mga gawain, may parusa para dito. May isang babae na nangahas na umalis dito at sumama sa baba. Nahuli siya ng isang trabahador, nang makabalik dito, hinampas siya ng mahigit 50 sa likod. Napag alaman namin na ayaw niyang magpakasal, ang nangyari, tinanggalan din siya ng karapatan. Kasama na namin siya ngayon nagsisilbi sa lugar na ito. Nakita ko sa mga mata ni Milan ang galit at lungkot pagkasabi niya non. Iniwan kami. Iniwan siya. Pero kung babalik man siya sa bahay na iyon. Anong kasiguraduhan na hindi siya masasaktan? Sa lugar na ito, iilan lang ang nakakakilala sa amin. Bukod sa mga empleyado dito, si Jenny ang pinakatamagal na nakasalamuha namin. Hindi naman kasi nagtatagal ang mga idinadala dito. Naalala pa kaya ng pamilya niya si Milan? Pabalik balik ako sa paglalakad dito sa loob ng kwarto. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Malapit na ang oras nang pag-iikot ng mga madre para tingnan kung nakatulog na kami. Nagulat ako ng nagbukas ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD