(04) Stranger

477 Words
Dali dali akong umalalay kay Milan. "Bakit mo siya dinala dito? Mapapahamak lang tayo sa ginagawa mo." "Pasensiya ka na Kyoa." "Magpapalakas lang ako. Aalis din ako kaagad" ____________________________________________________ Bakas ang takot sa mga mata ng babaeng kasama ni Milan. Pagmulat ko ng mata kanina ay bumungad sa akin ang isang babae. Nalaman ko na siya at ng kasama niya ang nagdala sa akin sa kweba at nagbigay ng unang lunas sa mga sugat ko. Mabuti na lamang at hindi ganon kalala ang mga sugat ko mula sa pagkakahulog at pagkabagok. Nawalan siguro ako ng malay sa pagkakagulat. "Nadatnan ka namin na inaapoy ng lagnat at may mga galos sa katawan. Mukhang ninakawan ka." Iyon ang kwento ni Milan. Maulan din noong umakyat ako ng bundok. Lalo pa daw itong lumakas noong araw na iyon. Narinig namin ang katok sa pinto. Itinago nila ako sa cabinet. Sa maliit na butas ay naaninag ko ang mga taong pumasok sa kwarto. "Bakit nakabukas pa ang ilaw Kyoa? Oras na ng pagtulog." Kita ko ang panginginig ni Kyoa. Hindi siya makatingin ng diretso sa nagsasalita. "Nagising po ako saglit para mag banyo." paliwanang ni Milan. Sandaling katahimikan ang namayni. Sinusuri nito kung nagsasabi ba ng totoo si Milan. "May darating na bisita bukas. Kailangan ay maaga kayo maghanda." Saka ito tumalikod at dumiretso sa pintuan saka tuluyang umalis. Isang buntunghininga ang inilabas ni Kyoa at Milan. Halos hindi nalalayo ang itsura at tindig ni Milan sa akin samantalang si Kyoa ay may bilugang mukha, maiksi ang buhok, mas maliit ng kaunti sa akin. Ang pagkakaiba lang siguro ni Milan sa akin ay masyadong pale ang kanyang kulay. Nagulat nga ako noong unang kita ko sa kanya. Akala ko white lady. "Papasa na ba kaming kambal Kyoa?" biro ko dito "Tsch. Mas maganda pa din si Milan" Totoo. Iba ang awra niya. Parang nabuhay na mama Mary. Hindi makabasag pinggan. Pang limang araw ko na dito sa loob. At nalaman ko na ang tungkol sa kanilang dalawa. Akala ko pang telenobela lang ang mga ganito. "Sino iyang kasama niyo Milan?" Halos mawalan ako ng kulay nang marinig ang boses ng head nun. "Hindi ba mahigpit na binabawal ang outsider sa lugar na ito? At dahil lumabag ka sa batas nararapat lamang na patawan ka ng parusa" "Sandali. Ako ang nagpumulit na dahlhin niya ako rito" "Hindi ko tinatanggap ang anumang paliwanag sa hindi namin kasama dito." "Kung ganoon, ako nalang ang bigyan niyo ng parusa, huwag niyo silang idamay" "Idamay?" Bahagya itong lumapit sa akin. "Hindi ang isang tulad mo ang susumbat sa akin. Isang tulad mo na walang sinasabi sa lipunan." May mga taong sapilitang hinihila sina Kyoa at Milan. "Teka saan at anong gagawin niyo sa kanya." May bumulong sa head nun kaya pati ako ay hinatak palabas ng kwarto saka ako idinala sa basement. "Palabasin niyo ako dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD