(05)Milan

931 Words
Patuloy ako sa pagkalampag ng pinto kahit alam kong walang tutulong sa akin. Anong gagawin nila sa dalawa? Noong kinuwento nila sa akin lahat ng karanasan nila dito sa loob pati na ang mga babaeng napaprusahan ay hindi ako naniwala. Masyadong brutal at sa libro lang nagyayari iyon. Hindi ako naniniwala na hahampasin ka ng mahigit sa 50 na beses. Kung nga sa fraternity walang nabubuhay sa ganun. Pero hindi imposible dahil sa sobrang pag-iingat ng dalawa na hindi magkamali. Bakit ba ako nagtagal ng limang araw dito? Noong gumaling na ako ng tuluyan bakit hindi ko naisip na umalis nalang? Alam ko naman ang daan pababa. Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pintuan. Isang babae na ngayon ko lang nakita ang nasa harap ko ngayon. Bakas sa itsura niya ang takot at pag-aalala. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako hanggang sa makarating kami sa labas. "Walang tao dito sa parte na to ngayon dahil may dumating na bisita" Iyon siguro ang narinig ko kanina. Ang pagbaba ng isang helikopter. Saglit kong pinigilan ang pagkakahawak niya sa akin na siyang nagpahinto sa kanya sa paglalakad. "Nasaan sina Kyoa at Milan? Saan mo ako dadalhin?" "Lalabas ka na ngayon." Hinila niya ako uli at mabilis kaming nagtungo sa isang bakuran. Sa may likod ay isang pinto na hindi napapansin dahil natabunan ng mga dahon na umaakyat sa pader. "Hindi ako pwedeng umalis hanggat hindi ko nalalaman anong nangyari sa kanilang dalawa" sigaw ko sa babae. "Mabuti nang hindi mo malaman." Balik nito sa akin. "Habang maaga pa at hindi pa nakakabalik ang iba ay umalis ka na. Hindi ka dapat nandito. Nakita ka na nila. Kung hindi ka pa aalis ay wala ka nang pagkakataong makalabas pa dito ng buhay" Doon ako kinilabutan sa mga sinabi niya. Totoo? Katulad ba ito ng mga napapanood ko sa balita na scam centre na akala mo trabahong marangal ang nasa loob pero isa siyang preso? "Walang ibang nakakaalam kung sino ka, si Milan, Kyoa, ang head nun, yung dalawang kasama niya tsaka ako. Madali ka lang iligpit dito" "A-anong sabi mo? Kaya akong patayin dito? Teka ano bang lugar ito? Hindi bat-" "Hindi mo alam kung ano talaga ang nangyayari dito sa loob. Lahat ng ipinakita nila Kyoa at Milan hindi pa iyon ang totoo." "Sabihin mo nalang anong nangyayari" Hindi ko na maiwasan ang nararamdaman kong takot. Kanina galit ako pero nung malaman kong maaari akong mamatay dito ay ibang usapan na iyon. "Umalis ka na. Hindi mo na kailangan pang alamin kung anong nangyari sa dalawa" "Bakit mo ako tinutulungan?" "Lina." Pareho kaming napalingon kay Kyoa. Umiiyak siyang lumapit sa amin. "Kyoa, kailangan na niyang umalis. Huwag nyo na siyang idamay pa dito" Marahas akong lumingon sa kanya. "Damay? Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito sa kanila" Saka kami umalis ni Kyoa. Pinuntahan namin agad kung nasaan si Milan. Nanlumo ako sa nakita ko. Nakahiga siya sa kama na pasa at duguan. "Mga walanghiya sila" Susugurin ko sila nang natigilan ako sa kamay na humawak sa akin. Ngumiti si Milan sa akin. Pagod at nangihina niya akong tiningnan. "Ash" Napaupo ako sa kanya tabi. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Umiiyak akong tumitig sa kanya. Naririnig ko din ang paghikbi ni Kyoa sa tabi ko. "T-tulungan mo ako" "Oo huwag kang mag-alala, dadalhin kita sa hospital." Unti unti siyang umiling. "Tulungan mo akong makamit ang hustisya sa nangyari sa akin, sa amin ni Kyoa." Hindi ko maintindihan pero ano pa man iyan. Hindi ako magdadalawang isip na tanggihan siya. "Kapag nakalabas ka dito, hanapin mo ang papa ko. Ipaghiganti mo ako. Sa lahat ng nangyari sa akin." Hindi ko alam kung bakit sobra ang galit ko. Naninikip ang dibdib ko sa lahat ng ito. Sa tinagal ko dito sa loob, naging mabuti sila ni Kyoa sa akin. Hindi ako lumabas dito dahil gusto kong masuklian ang kabutihan nila. Dahil hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako sa labas. Kaya ako umakyat ng bundok ay hindi lang dahil sa brokenhearted ako at hindi lang dahil sa pagod sa trabaho, kundi sa hindi ko na din alam kung anong saysay ko sa mundo. I can't find my worth in living. Wala naman na akong pamilyang nag-aalala at mag-aantay sa pagbalik ko. Lumaki ako sa bahay ampunan. Bata palang ako hindi ko na alam sino ba mga magulang ko. Habang tumatagal ako nalang ang naiwan sa bahay ampunan hanggang sa naipasara ito. Tumira ako kila sister Merry. Siya ang naging guro ko. At dahil hindi ako nakapagtuloy ng pag-aaral, naging ghost writer lang ako. Binabayaran ako para gumawa ng isang nobela. Hanggang sa lumipat ako sa siyudad. At ilang taon nang hindi nakabalik pa sa isla kila sister Merry. Kaya walang nakakakilala sa akin. "T-tulungan mo ba ako?" "Anong gusto mong gawin ko?" "Magpanggap kang ako." Saglit akong natahimik sa pagkakagulat. "A-ano?!" "Ang bisita na nasa main hall ay ang kapatid ko." "Kung ganon. Dadalhin kita sa kanya. Para malaman niya ang sitwasyon mo dito." "Hindi. Hindi ko na kaya. Mamayang gabi, may pagsasalo-salo. Gusto kong magpakilala kang ikaw ay ako. Gusto kong makilala at makita ka ng kapatid ko. Gawin mo ang lahat para isama ka niya palabas dito" "Pero paano ka? Paano maniniwala ang kapatid mo na ikaw ay ako? Kilala ka ng mga tao dito" "Sasang ayunan ka ng head nun" "Ha?! Hindi ba at-" "Maniwala ka sa akin Ash." "Anong nagyayari sa iyo Milan? Bakit ka sumusuka ng dugo?!" Lalo akong natakot. Niyugyog ko ang kanyang balikat hanggang sa tuluyan na niyang ipikit ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD