Ipinaliwanag sa akin lahat ni Kyoa ang gagawin. Magpapakita ako sa kapatid niyang lalaki mamayang gabi.
"Anong ginagawa mo dito sa opisina ko? Lapastangan ka!"
Sigaw ng head nun sa akin
"Tutulungan mo akong makaalis ngayong gabi."
"At sino ka para utusan ako? Isa ka lang-"
"O ipapakita ko sa bisita mo ngayon lahat ng ginawa mo."
Lumapit ako sa kanya saka ako bumulong. Sapat lang para marinig niya at hindi ng kanyang mga alipores.
"Ang pagpatay mo sa kapatid niyang pinaka iingat ingatan niya."
Humalakhak siya ng pagkalakas lakas. Kumukulo ang dugo ko sa ginawa niyang pagtawa.
"Hindi ka naniniwala? Sa anong kaya kong gawin at patunayan? Hindi ba at kaya siya nandito ay dahil gusto niyang makita si Milan. Ibig sabihin non, hindi niya alam ang tunay na nangyayari sa prinsesa niya. Kapag nalaman niya ang lahat at nang magkasabwuat kayo ng nanay niya, ano sa tingin mo ang gagawin niya?"
Napalitan ng galit ang kanyang ekspresyon.
"Nagkausap sina Kyoa at ang kapatid ni Milan kanina"
Lalong lumaki ang mga mata niya sa gulat. Siya namang pag angat ng aking labi.
"Inaasahan ng kanyang ama si Milan na makauwe ng maayos, Paano niya maiuuwe ang kanyang kapatid kung wala na ito?"
Saka ako sumugod at sinampal siya ng malakas
"Mamamatay tao kayo! Paaano kung sabihin kong pinatay niyo siya dito sa loob? Kung ipakita ko sa kanya ang katawan niya? At kung ipa autopsy nila iyon. Lalabas pa din ang baho niyo. At huwag mong sabihin na kargo ka ng mahadera niyang ina inahan."
"Walanghiya ka!"
Akmang susugurin niya ako ng pigilan siya ng kanyang dalawang alipores na ngayon ay takot na takot na din sa lahat ng nalaman nila.
"Gagawin mo ang sasabihin ko o makukulong kayong lahat? Sa tingin mo ba kapag nagkabukuhan ay sasaluhin ka ng madrasta niya? Kung nagawa niyang lahat ng iyan sa anak anakan niya, kaya din niyang iwanan kayo sa ere at ipapatay bago pa malaman na kasabwat siya."
__________________________________________________
Ang tao ay punung puno ng greed. Sa pera pati na sa pag ibig. Tulad ng stepmother ni Milan. Sa nalaman ko kay Kyoa, Papatunayan ko na hindi siya ang pumatay sa nakababatang kapatid nito. Bibigyan ko ng hustisya lahat ng ginawa nila sa iyo Milan. Ituring mong patas na tayo sa tulong na ginawa mo sa akin. Siguro nga kaya mo ako natagpuan sa gubat. Binigyan mo ako ng pagkakataong mabuhay. Binigyan mo ako ng rason para mabuhay uli. Ang buhay mo, ang kwento mo, hayaan mong ilagay ko uli sa tama. Hindi tayo magtatapos sa mundo nang hindi nabibigyan ng pagkakataong lumaban. Hindi man ako pinipili sa bahay ampunan, pinili mo ako para magpatuloy at magkaroon ng bagong buhay.
Kung dati nagtatago lang ako sa likod ng aking mga sinusulat na kwento. Ako naman ang bibida at magiging kontabida sa buhay na ipinagkaloob mo sa akin.
Muli akong sumulyap kay Kyoa bago ko binuksan ang pintuan.
Isang matikas na lalaki ang nakatayo malapit sa bintana. Nakapamulsa siya at nakatalikod mula sa kinatatayuan ko. Matangkad, mahaba ang kanyang mga binti at malapad ang kanyang balikat. Suot ang pang opisinang damit nito ay unti unti siyang lumingon sa akin. Kung ang depenisyon ng kapogian sa isisusulat kong mga nobela ay mala Zou Yiran. Isa siyang mature version nito na tila ba lumabas sa libro upang magpalambot sa aking mga tuhod. Pero bago pa ako kainin ng lupa ay humakbang na ako palapit sa kanya.
His eyes is piercingly watching me as I slowly walk towards him. Hindi ako ngumiti o nagpakita man ng kahit anong ekspresyon tulad ng iginagawad niya sa akin. Ang mga mata niya ay tila isang malalim na dagat. Malalim na tila ba'y malulunod ka. Nagulat ako ng biglang inilahad niya ang kanyang kamay at bigla akong niyakap. Parang slow motion ang nangyari.
Mahigpit ang kanyang yakap. Halos hindi ako makahinga. Narinig ko ang kanyang marahas na pagbuntong hininga. Saka unti unting lumuwag ang kanyang pagkakayap.
"Damn" sambit nito sa malalim na tinig.
Tuluyan na niyang tinanggal ang yakap niya at hinarap ako. Bahagya siyang yumuko at inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako. Nang mag level ang mga mata ko sa kanyang labi ay lalo lang akong naestatwa habang hawak niya ako sa magkabilang balikat ko. Pigil na pigil ang aking paghinga. Pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Kanina lang ay matapang ako bago ko binuksan ang pintuan. Ngayon ay para bang kahit isang santo wala akong maalala.
Natauhan ako ng maramdaman ko ang labi niya sa aking noo. Napalingon ako sa salamin sa may bandang kanan at Milan patawad. Pagkakita ko sa ekspresyon niya habang nakadampi ang mga labi niya sa akin ay para bang ilang segundo nalang makikita ko na ang liwanag sa dilim na kanina lang ay namamayani sa aking dibdib. Ang galit ko ay napawi sa pagkakita sa mga mata niyang nakapikit. At nang buksan niya ito ay nagpang abot ang aming titig sa salamin. Nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Ah" Bakit naman walang lumalabas sa aking labi? Ano na? Hindi naman ako na sabihan na napaka gandang lalaki ng kuya ni Milan.
Itinulak ko siya ng marahan. Ngumiti siya. Ngumingiti siya? Marunong siyang ngumiti!