"Ehem"
Dumating si Kyoa at iginiya ako sa sofa.
"Matagal kayong hindi nagkita. Kukuha lang ako ng tubig"
"Sandali Kyoa. Kadarating mo lang aalis ka na agad para sa tubig?" Tsaka di mo sinabi sa akin na ganito ka HOT at SEXY ang magiging kuya ko este kuya ni Milan. Pwede bang mag back out? Parang ayoko ata maging sibling-zone lang. Ugh!
"Huwag ka nang mag abala sa akin Kyoa. Bigyan mo nalang ng warm water si Milan" saka siya ulit bumaling sa akin.
Pagkaalis niya ay naging awkward para sa aming dalawa. O ako lang dahil hindi ko maproseso ang nangyayari. Ano nga uli gagawin ko?
"Kamusta ka? Matagal tayong hindi nagkita."
Dapat kalma lang. Focus Ash. Baka kasabwat din ito.
"Bakit ka nandito? At bakit ngayon ka lang dumalaw? Naalala mo bigla na may kapatid ka? Ah KAPATID NGA BA?!"
Saglit na gumuhit ang gulat sa mga mata niya at napalitan ito ng malalim na tingin. Halos walang ekspresyon ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngayon ay salubong na ang kanyang kilay.
"Bakit? May mali ba sa akin?"
"Tama ka. Sa tagal kong hindi ka nakita at nadalaw, kahit ano pang dahilan ko ay hindi mahalaga. I'm really sorry for that. Alam ko din na hindi sapat ang sorry lang sa ilang taon na hindi kita dinalaw."
"Bakit nga ba?"
"Mahalaga pa ba iyon?"
Oo shuta ka kahit gwapo ka. Kung talagang totoo ang sinabi ni Kyoa na malapit kayong dalawa ni Milan, anong rason bakit hindi mo siya nadalaw. Sabihin na natin na bata ka noon. Pero hello? Tumanda ka na rin lang at sa tingin ko kaya mo naman mag desisyon ng sarili mo ay bakit nga ba hindi mo nagawang dumalaw dito? O baka naman....
Nasa kalagitnaan ako ng pag lilitanya ko sa isip ko ng kinuha niya ang mga palad ko. Napakalaki ng palad niya kumpara nang sa akin.
"Thank you for being alive and healthy"
Napaluha ako sa sinabi niya.
Binawi ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya. Marahan kong pinunansan ang mga luha ko.
Milan. Ito ba ang tinitingala mong kapatid? Siya ba yung inakala mong magtatanggol sa iyo?
"Ipapahanda ko na ang gamit mo, sasama ka na sa akin. Uuwe na tayo"
Tumayo siya pagkasabi non at diretso sa kung saan ang pintuan pero....
"Nicholas."
Napahinto siya sa kanyang paglalakad. Ngunit hindi niya ako nilingon.
"Bakit ngayon ka lang?"
______________________________________________________
"Ang ibig kong sabihin, sa bahay ko kita iuuwe. Bakit mo gusto dito?"
Saka na ako uuwe sa bahay mo-este bakit ako uuwe doon?
Hindi ikaw ang uunahin ko Nicholas. Yung nanay mong bruha!
Bumungad sa akin ang napakataas na gate. Napakalawak ng lupain. May mga puno ng coconut sa magkabilang parte. Para kang papasok sa isang resort. Sa gitna ay typical na fountain na makikita sa mayayaman. At hindi ako nagkamali. Mansyon nga itong bahay nila.
May taga bukas pa ng pintuan ng sasakyan. Pagkababa ko ay akala ko sasalubong ang nakahilerang mga maids pero mukhang exaggerated lang talaga ako magsulat sa aking mga nobela. Wala din akong nakitang nakaabang sa may napakalaki at taas na pintuan ng bahay.
Pagkapasok ko ay may double stairs na nagbibigay ng isang marangya at elegante na pakiramdam sa loob ng bahay. Makikita mo din sa pader ang mga naglalakihang mga litrato ng mga nakatira sa bahay.
"Hinihintay na po kayo sa loob sir"
Iginiya kami sa isang silid. Pagkapasok namin ay nakita ko agad ang papa ni Milan. Naka-upo ito sa gitna ng mesang mahaba. Maputi na ang mga buhok nito. Bakas na din ang katandaan sa itsura nito. Matangkad, maputi at matangos ang ilong. Matanda man siyang tingnan pero bakas pa din ang natatangi nitong gandang lalaki. Nakuha ni Milan ang maamong mukha nito. Hindi katulad ni Nicholas. Oh well, diba nga-
Hinila ni Nicholas ang upuan na nasa harapan ako at sinenyas niyang maupo ako doon. Pinapakiramdaman ko ang paligid. Bukod sa papa ni Milan, hinding hindi ko makakalimutan ang isa pang tao na nasa silid. Sa tapat ko ay ang isang sopistikadang matandang bruha este babae. Sa postura palang nito ipinagsisigawan ang karangyaan. Hindi ito ngumiti o ano pa man. Nakatitig lang siya sa akin.
"Pa. Pagkatapos namin dito ay iuuwe ko si Milan sa-"
"At bakit?" Biglang putol ng babae
"Alam kong madami kang iniisip ngayon anak, dito na si Milan. Dito naman siya nakatira." Dagdag nito.
Oo nga. Dito siya nakatira. Bahay niya ito. Hindi sa iyo!
Humanda ka. Hindi uubra sa akin ang kilay mo!